Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumawa at mag-delete ng mga pangkat sa Pampamilyang Wi-Fi

Gamit ang mga grupo sa Pampamilyang Wi-Fi sa Google Home app, puwede mong gamitin ang parental controls para subaybayan ang tagal ng paggamit ng iyong mga anak at magpaalam na sa mga online na abala. Kapag na-set up mo ang mga grupo sa Pampamilyang Wi-Fi, magagawa mong:

  • I-pause ang internet para sa isang pangkat ng mga device sa isang pag-tap lang
  • Maagang mag-iskedyul ng mga pag-pause para sa mga regular na routine gaya ng sa oras ng pagtulog o paggawa ng takdang aralin nang walang abala
  • Awtomatikong mag-block ng milyon-milyong pang-adult na website sa mga device na itatakda mo

Tandaan: Hindi magagamit ang mga feature ng Family Wi-Fi sa mga device na gumagamit ng Pribagong Address o Naka-randomize na MAC Address. Pinipigilan ng setting na ito sa iyong telepono, tablet, computer, o ibang device na matukoy ang mga ito. Kung makakaranas ka ng mga problema sa pagsubok na gamitin ang Family Wi-Fi, baguhin o i-disable ang Naka-randomize na MAC setting ng iyong device.

Gumawa ng mga grupo

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga grupo na mag-pause ng ilang device nang sabay-sabay. Puwede kang gumawa ng grupo para sa isang indibidwal na bata, halimbawa "Nick," o isa para sa isang grupo, gaya ng "Pamilya," batay sa mga device na ginagamit nila.

Tandaan: Mag-ingat sa pagdaragdag ng mahahalagang device sa isang pangkat. Kung idaragdag mo ang iyong device sa isang pangkat at ipo-pause mo ang pangkat na iyon sa ibang pagkakataon, hindi mo maa-access ang Wi-Fi sa device na iyon. Matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang pag-pause sa Pampamilyang Wi-Fi.

Pag-set up sa unang pagkakataon

Buksan ang Home app .
  1. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi at pagkatapos ay Magsimula.
  2. Pangalanan ang iyong grupo.
  3. Piliin ang mga device na gusto mong isama sa pangkat at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  4. Kung gusto mo, i-on ang SafeSearch para i-block ang mga site na may pang-adult na content at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  5. Kung gusto mo, i-tap ang Susunod para magdagdag ng iskedyul para i-pause ang mga device o Huwag muna.

Maglagay ng karagdagang grupo

Maglagay ng karagdagang grupo:

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi at pagkatapos ay Magdagdag  at pagkatapos ay Grupo .
  3. Pangalanan ang iyong grupo.
  4. Piliin ang mga device na gusto mong isama sa pangkat at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  5. Kung gusto mo, i-on ang SafeSearch para i-block ang mga site na may pang-adult na content at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  6. Kung gusto mo, i-tap ang Susunod para magdagdag ng iskedyul para i-pause ang mga device o Huwag muna.

I-delete ang isang grupo

Puwede kang mag-alis ng mga grupo sa Pampamilyang Wi-Fi:

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.
  3. Sa tabi ng pangalan ng grupong gusto mong i-delete, i-tap ang I-edit .
  4. I-tap ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay I-delete.

Mga kaugnay na artikulo

I-pause ang internet kung kailan mo gusto o ayon sa iskedyul
I-on ang SafeSearch para awtomatikong i-block ang milyon-milyong website na para sa nasa hustong gulang

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13225482875617452693
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false