Narito ang isang pagtatantya sa lawak ng coverage ng Wi-Fi na makukuha mo sa isang Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi system:
Coverage ng Nest Wifi Pro
Nest Wifi Pro (United States) | |
---|---|
Mga Device | Coverage |
Isang Nest Wifi Pro router | Hanggang 2,200 sq ft |
2 Nest Wifi Pro router | Hanggang 4,400 sq ft |
3 Nest Wifi Pro router | Hanggang 6,600 sq ft |
4 na Nest Wifi Pro router | Hanggang 8,800 sq ft |
Coverage ng Nest Wifi
Mga Device | Coverage |
---|---|
Nest Wifi router (standalone) | Mga bahay na may 1-2 kuwarto |
Nest Wifi router + isang point | Mga bahay na may 2-3 kuwarto |
Nest Wifi router + 2 point | Mga bahay na may 3+ kuwarto |
Mga karagdagang Nest Wifi router o point | Magbibigay ang bawat karagdagang router o point ng coverage para sa 1-2 pang kuwarto. |
Coverage ng Google Wifi
Mga Device | Coverage |
---|---|
Isang Google Wifi point | Mga bahay na may 1-2 kuwarto |
2 Google Wifi point | Mga bahay na may 2-3 kuwarto |
3 Google Wifi point | Mga bahay na may 3+ kuwarto |
4 na Google Wifi point | Magbibigay ang bawat karagdagang point ng coverage para sa 1-2 pang kuwarto. |
Mahalaga: Puwedeng isama ang Nest Wifi router sa higit pang Nest Wifi router pati sa mga Nest Wifi at Google Wifi point para magbigay ng coverage. Gayunpaman, hindi ka makakagawa ng Nest Wifi network nang mga Nest Wifi point lang ang ginagamit. Hindi puwedeng isama ang Nest Wifi Pro (Wi-Fi 6E) sa mga Nest Wifi router o point o Google Wifi point (Wi-Fi 5) sa isang mesh network.
Bilang pangkalahatang panuntunan, pinakamahusay na gumagana ang mga point kapag 2 hanggang 3 kuwarto ang pagitan ng mga ito. Halimbawa, kung mahina ang Wi-Fi sa isang sulok ng iyong bahay, huwag maglagay ng Wifi point sa lugar na iyon. Sa halip, ilagay ito papunta sa direksyong iyon. Subukan itong ilagay sa mataas na lugar, gaya ng istante.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplanong i-cover ng Wi-Fi ang iyong buong bahay
Laki ng bahay
Kapag mas malaki ang bahay mo, mas marami kang kakailanganing mesh point para magkaroon ng coverage sa buong bahay.
Konstruksyon ng bahay
Konstruksyon ng bahay
Pinakamahusay na gumagana ang mga point kapag walang nakaharang sa pagitan ng mga ito. Puwedeng makaapekto sa performance ng Wi-Fi ang mga harang gaya ng mabibigat na muwebles at pader na gawa sa makapal na semento o brick. Kung magdaragdag ng higit pang point, mas mapapadali ang pagsasaayos sa mga ito nang walang harang sa pagitan. Kung mahigit sa isang palapag ang iyong bahay, inirerekomenda naming magdagdag ka ng higit pang Wi-Fi point para magkaroon ng malakas na mesh sa buong bahay. Halimbawa, kung 2 palapag at 2,200 sq ft ang bahay mo, 2 mesh point ang inirerekomenda namin: ang isa ay para sa unang palapag, at ang isa naman ay para sa palapag sa itaas (o sa ibaba, kung isa itong basement).
Congestion ng Wi-Fi sa komunidad
Sa mga lugar na masyadong maraming Wi-Fi gaya ng mga apartment na gusali, puwedeng maging abala ang mga channel ng Wi-Fi at hindi maging maganda ang performance ng Wi-Fi. Sa mga ganitong lugar, kapag mas malapit ka sa isang point, magiging mas maganda ang performance ng iyong Wi-Fi. Pag-isipang ipuwesto nang mas magkakalapit ang iyong mga mesh point sa mga nasabing sitwasyon (nang may pagitang 1-2 kuwarto.)
Maximum na bilang ng mga Wifi router o point
Hanggang 5 Wi-Fi device ang inirerekomenda namin sa iisang network. Posibleng hindi maging maganda ang performance ng Wi-Fi kapag nagdagdag nang higit pa.
Iisang pangunahing Wi-Fi network lang sa bawat bahay ang sinusuportahan ng Google Home app, pero puwede kang gumawa ng hanggang 5 bahay sa iisang Wi-Fi network sa bawat isa. Bukod pa rito, puwedeng magkaroon ng isang pambisitang network ang bawat Wi-Fi network sa bawat bahay. Gayunpaman, puwedeng magkaroon ng interference kapag gumamit ng maraming Wi-Fi network sa parehong lokasyon kung mag-o-overlap ang coverage ng mga ito.
Ang mga Wi-Fi system mula sa Google Nest kasama ang Nest Wifi Pro, Nest Wifi, at Google Wifi ay idinisenyo para sa personal na paggamit sa bahay at hindi dapat gamitin para sa pagbabahagi ng mga network sa maraming tirahan. Kapag ginamit ang mga Wifi device sa ganitong paraan, puwedeng mas bumagal ang Wi-Fi at maging paputol-putol ang mga koneksyon.