Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-play ng audio ng Android sa mga Google Nest o Home device

I-cast ang audio mula sa Android phone o tablet mo sa iyong Google Nest o Home speaker o display.

Tandaan:

  • Available lang ang feature na ito sa mga device na gumagamit ng Android 9.0 o mas bago.
  • Tiyaking hindi mo gagamitin ang "Power saving mode" o "Pantipid ng Baterya" sa iyong Android device. Puwede nitong limitahan ang kakayahan sa pagpoproseso ng iyong device, na puwedeng makaapekto sa performance ng feature na I-cast ang audio.

Mahalaga: Kailangan ay naka-on ang pahintulot sa "Mikropono" sa Google Play Services app para magamit ang feature na ito sa iyong speaker o display. Kung hindi naka-on sa iyo ang pahintulot na ito, madidiskonekta kaagad ang session ng I-cast ang audio pagktapos mong subukang kumonekta.

Para i-on ang mga pahintulot sa mikropono:

  1. Sa iyong Android device, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Mga App at pagkatapos ay Lahat ng App at pagkatapos ay Mga Serbisyo ng Google Play at pagkatapos ay Mga Pahintulot.
  3. I-tap ang Mikropono at i-on ang "Payagan lang habang ginagamit ang app."

I-cast ang audio mula sa iyong Android device

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  4. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
    • Mga Speaker: I-tap ang I-cast ang aking audio at pagkatapos ay I-cast ang audio.
    • Mga Display: I-tap ang I-cast ang aking screen at pagkatapos ay I-cast ang screen.
  5. Sa iyong Android device, simulan ang gustong content. Magpe-play ito sa iyong speaker o display.

Kontrolin ang audio na nagpe-play mula sa iyong Android device

Para makontrol ang kina-cast mong audio, gamitin ang mga kontrol ng media sa app ng provider ng content sa iyong Android device. Depende sa provider at uri ng media, magagawa mong mag-pause, magpatuloy, kontrolin ang volume, at higit pa.

Kapag nagka-cast ng audio ang iyong Android device, mga button ng volume nito ang nagkokontrol sa volume sa iyong speaker o display.

Puwede ka ring gumamit ng mga command gamit ang boses sa iyong speaker o display para kontrolin ang volume at ihinto ang pag-cast.

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Ihinto ang pag-play ng audio ng Android sa iyong speaker o display "Stop (Ihinto)"
Kontrolin ang volume "Louder (Lakasan)"
"Set volume to 40% (Itakda ang volume sa 40%)"

Ihinto ang pag-cast ng audio mula sa iyong Android device

Mula sa drawer ng notification:

  1. I-slide pababa ang drop-down na drawer ng notification sa iyong Android device.
  2. Sa notification bar, i-tap ang Idiskonekta.

Mula sa Google Home app:

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  4. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  5. Piliin ang Ihinto ang pag-cast o Ihinto ang pag-mirror .

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8633692390769301674
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false