Nagbibigay ang artikulong ito sa Help Center ng mga detalye tungkol sa privacy at seguridad para sa mga device at serbisyo para sa nakakonektang home ng Google na gumagana sa Google Assistant. Para mas maunawaan kung paano kami nangongolekta at gumagamit ng data kapag ginagamit mo ang aming mga device at serbisyo para sa nakakonektang home, basahin ang Mga Madalas Itanong tungkol sa Privacy: Google Nest. Pakibasa rin ang dedikasyon ng Google sa privacy sa bahay.
Pangongolekta ng data
Ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy ng Google kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, bakit namin ito kinokolekta, at paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon, pati na rin kapag nakipag-interact ka sa Google Assistant. Matuto pa tungkol sa Assistant at sa iyong privacy kung saan namin ipinapaliwanag kung paano pinapangasiwaan ang data ng audio mo kapag nakipag-interact ka sa Assistant gamit ang device para sa nakakonektang home ng Google, pati na rin ang mga kontrol na available sa iyo. Puwede mong suriin at i-update ang mga setting ng iyong Google Account anumang oras para piliin kung ano ang ise-share mo sa iyong Assistant.
Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang sa maka-detect ito ng pag-activate, gaya ng kapag narinig nito ang "Ok Google." Sa standby mode, nagpoproseso ang device ng maiikling snippet ng audio (ilang segundo) para mag-detect ng pag-activate (gaya ng "Ok Google"). Kung walang made-detect na pag-activate, hindi ipapadala o ise-save sa Google ang mga snippet ng audio na iyon. Kapag naka-detect ito ng pag-activate, lalabas ang Assistant sa standby mode at ipapadala nito ang iyong request sa mga server ng Google. Halimbawa, puwede itong mangyari kapag may ingay na parang "Ok Google," o may hindi sinadyang manual na pag-activate.
Ipinapaalam sa iyo ng status indicator sa device mo kapag naka-activate ang Google Assistant. Para makatulong na mapanatiling ikaw ang may kontrol, patuloy kaming nagsisikap para mas mapahusay ang Assistant sa pagbabawas ng hindi sinasadyang pag-activate.
Ginagamit ng Google ang impormasyong papayagan mong i-access nito, gaya ng iyong mga contact sa device o aktibidad sa mga site at app ng Google, para makapagbigay ng mas mahusay at mas kapaki-pakinabang na mga sagot sa pamamagitan ng Google Assistant. Puwede ring mag-share ng impormasyon sa Google ang mga serbisyo ng third party alinsunod sa sariling mga patakaran sa privacy ng mga ito kapag pinili mong gamitin ang mga serbisyong iyon sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Google, kasama ang Google Assistant.
Kung pinili mong mag-share ng impormasyon sa Google noon, depende sa iyong mga setting, ginagamit ng Google ang impormasyong iyon, pati na rin ang aktibidad mo sa Google, para mas makatulong sa iyo at mas ma-personalize ang mga experience mo sa mga serbisyo ng Google, kasama ang Assistant. Halimbawa, kung itatanong mo ang "When is my mom's birthday?" (Kailan ang kaarawan ng nanay ko?) sasagutin ng Assistant ang iyong tanong gamit ang impormasyon mula sa Calendar mo. O kung itatanong mo ang "Do I need an umbrella tomorrow?" (Kailangan ko ba ng payong bukas?) gagamitin ng Assistant ang kasalukuyan mong lokasyon para maibigay sa iyo ang pinakanauugnay na sagot.
Puwede mong i-delete ang iyong aktibidad nang manual sa Aking Aktibidad, i-set up ang awtomatikong pag-delete, o i-off ang Aktibidad sa Web at App nang tuluyan, na maglilimita sa naka-personalize na experience sa Google Assistant at sa iba pang serbisyo ng Google. Puwede mong tingnan at i-delete ang iyong aktibidad sa Google Assistant sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong Aktibidad ng Assistant, na maa-access sa pamamagitan ng mga app ng Google Home at Google Assistant at online sa myactivity.google.com.
Pakibasa ang Patakaran sa Privacy ng Google, ang Mga Madalas Itanong tungkol sa Privacy: Google Nest, at ang aming dedikasyon sa privacy sa bahay para maunawaan kung anong data ang kinokolekta ng Google, bakit namin ito kinokolekta, at ang mga setting at tool na available sa iyo para i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang impormasyon mo kapag gumagamit ka ng aming mga device at serbisyo.
Posibleng mag-activate ang Google Assistant nang hindi mo sinasadya dahil mali nitong na-detect na hiningi mo ang tulong nito - halimbawa, kapag may ingay na parang "Ok Google," o hindi mo sinasadyang manual na i-activate ang iyong device. Kung mangyari iyon, at na-on ang iyong Aktibidad sa Web at App, puwede mong sabihin ang "Hey Google, that wasn't for you" (Ok Google, hindi iyon para sa iyo), at ide-delete ng Assistant ang sinabi mo sa Aking Aktibidad. Puwede mo ring suriin at i-delete ang iyong mga interaction sa Assistant sa Aking Aktibidad anumang oras. Kung nag-activate ang Google Assistant nang hindi mo sinasadya, at naka-disable ang setting ng iyong Aktibidad sa Web at App, hindi iso-store ang iyong interaction sa Assistant sa Aking Aktibidad. Para mas iangkop ang Google Assistant sa iyong kapaligiran, puwede mong i-adjust kung gaano kasensitibo ang Assistant mo sa mga parirala para sa pag-activate (tulad ng "Ok Google") sa pamamagitan ng Google Home app para sa mga smart speaker at smart display.
Maa-activate mo ang iyong Google Assistant sa maraming paraan. Halimbawa, sa mga speaker at display, puwede mong sabihin ang "Ok Google." Puwede mo ring gamitin ang Look and Talk o quick phrase na na-enable mo sa iyong Nest Hub Max, o pindutin nang matagal ang itaas ng Google Home. Ipapaalam sa iyo ng status indicator sa iyong device, gaya ng indicator sa screen o mga nagfa-flash na LED sa itaas ng device mo, kapag naka-activate ang Assistant.
Paggamit ng data
Storage ng data
Nagso-store ang Google ng data tungkol sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa Google Assistant sa mga server nito, na nasa mga data center nito. Para sa higit pang impormasyon, puwede mong bisitahin ang https://www.google.com/about/datacenters/. Puwede mong tingnan at i-delete ang mga dati mong pakikipag-ugnayan sa Google Assistant sa Aking Aktibidad. Alamin ang tungkol sa Google Assistant at iyong privacy.
Lokal na sino-store at pinoproseso sa iyong device ng ilang device at serbisyo ng Google Nest, gaya ng Google Nest Hub Max, ang ilan sa iyong data, at hindi sa mga server ng Google. Para matuto pa, pakibasa ang Mga FAQ tungkol sa camera sensing at Mga FAQ tungkol sa Face Match.Puwede mong limitahan ang data na kinokolekta ng Google sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-update sa mga setting ng iyong Google Account anumang oras. Puwede mo ring suriin at i-delete ang iyong aktibidad sa pakikipag-interact gamit ang boses sa pamamagitan ng pagbisita sa Aktibidad ng Assistant mo. Alamin kung paano gumagana ang Google Assistant sa data mo sa iyong data sa Assistant.
Puwede mo ring kontrolin ang iyong privacy sa Assistant gamit lang ang boses mo. Magtanong ng mga bagay gaya ng "Saan ko mababago ang mga setting ng privacy ko?" para makakuha ng mga sagot sa mga pinakakaraniwang tanong sa privacy at seguridad.
Seguridad ng data
Pag-delete ng data
Mapipili mong i-delete ang iyong bahay sa Google Home app, o ang Google Account mo (account.google.com) anumang oras, pero kung ia-uninstall mo lang ang iyong Google Home app, hindi nito made-delete ang account mo o ang impormasyon ng iyong bahay. Alamin kung paano mag-delete at mag-alis ng access sa mga Google Nest device.
Puwede mong i-delete ang iyong aktibidad sa Google Home app o sa myactivity.google.com.
Ang Google Assistant at ang privacy ko
Hindi. Puwede kang matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ng Google Assistant ang privacy mo at kung paano ito nagbibigay sa iyo ng transparency, pagpipilian, at kontrol.
Google Account at mga setting
Puwede mong gamitin ang aming mga device at serbisyo para sa nakakonektang home sa pamamagitan ng Google Account. Nagbibigay sa iyo ang Google Account mo ng mabilisang access sa mga setting at tool na nagbibigay-daan sa iyong pag-ingatan ang data mo at protektahan ang iyong privacy. Pumunta sa Google Account mo para pamahalaan ang mga setting ng iyong privacy at suriin ang data ng aktibidad mo sa Google. Available din sa iyo ang mga karagdagang setting ng bahay at device sa Nest app at Home app. Alamin kung paano mag-delete at mag-alis ng access sa mga Google Nest device.
Mga Serbisyo
Tandaan: Hindi kasama sa mga serbisyong tinutukoy sa ibaba ang mga serbisyo sa musika, home control, balita, at video na gumagana sa iyong device para sa nakakonektang home ng Google.
Pakitandaang kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third party sa aming mga device at serbisyo para sa nakakonektang home, masasaklawan din ng sariling mga tuntunin at patakaran sa privacy ng mga ito ang paggamit mo sa mga serbisyong iyon. Suriin nang mabuti ang mga iyon habang ginagamit mo ang iba pang serbisyong iyon. Halimbawa, para mas mabilis at mas madali kang matulungan, posibleng gamitin ng isang serbisyo ang impormasyon mula sa mga dati nitong interaction sa iyo.
Dagdag pa rito, matatandaan ng isang serbisyong nagrerekomenda ng mga concert sa iyong lugar ang mga preference mo sa musika kung ise-share mo ang mga iyon sa serbisyong iyon, kaya hindi mo na ito kailangang sabihin sa kanila palagi. Matuto pa tungkol sa kung paano piliin kung aling mga serbisyo ang makakatanda sa iyo.Bago makita ng isang serbisyo ang alinman sa impormasyong naka-store sa account mo (gaya ng iyong email address, pangalan, o mga contact), hihingin muna nito ang pahintulot mo. Hindi kami magse-share ng personal na impormasyon gaya ng iyong pangalan, email, o address, sa isang serbisyo nang walang pahintulot mo. Pakitandaang kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third party sa aming mga device at serbisyo para sa nakakonektang home, masasaklawan ng sariling mga tuntunin at patakaran sa privacy ng mga ito ang paggamit mo sa mga serbisyong iyon, kaya mag-ingat kung kanino ka magse-share ng impormasyon.
Halimbawa, kung gumagamit ka ng serbisyo para maghanap ng mga tuberong nasa malapit, puwede nitong itanong:
"In order to recommend a plumber nearby, I'll just need to get your street address from Google. Is that ok?" (Para makapagrekomenda ng tubero sa malapit, kakailanganin ko lang kunin ang address ng kalye mo sa Google. Ok lang ba iyon?)
Puwede mong tanggapin o tanggihan ang request.