Ang space-time block coding (STBC) ay isang opsyonal na feature sa 802.11ac. Nagbibigay-daan ito sa isang transmitter na maglipat ng maraming kopya ng stream ng data gamit ang ilang antenna. Para mapahusay ang pagiging maaasahan ng nasabing data, nagbibigay-daan din ang STBC na piliin ng isang tatanggap ang pinakamagandang kopya ng data sa mga kopyang iyon. May isyu sa inter-operability sa pagitan ng mga Google Nest o Home device at ilang partikular na modelo ng 802.11ac router na gumagamit ng feature na ito sa 5 GHz Wi-Fi. Puwede itong magdulot ng mabagal na pag-download ng unang Over-the-Air na Update (OTA).
Kung nasa listahan sa ibaba ang iyong router, i-factory reset ang speaker o display mo at i-set up ito ulit sa 2.4 GHz Wi-Fi. Kapag kumpleto na ang pag-set up at pag-update, puwede mong ibalik ang iyong speaker o display sa 5 GHz na Wi-Fi network gamit ang Google Home app.
- TPLink Archer C7 v1 o v2
- Netgear R6100, 6200, o 6300
- Asus RT_AC66U o RT_AC68W
- Buffalo WZR_D1800H