Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magtakda at mamahala ng mga alarm sa iyong Google Nest speaker o display

Tandaan:​ Hindi na available ang mga conversational action. Matuto pa rito.

Magtakda ng alarm sa iyong Google Nest o Home speaker o display na tutulong sa iyong gumising o magsimula ng mahalagang gawain sa gusto mong oras.

Puwede mong gamitin ang iyong boses o ang screen ng Nest display para magtakda ng alarm. Magpe-play lang ang alarm sa speaker o display na ginamit mo sa pag-set up nito.

Sa mga Nest display, puwede mong baguhin ang mga default na setting ng iyong alarm, gaya ng tunog ng alarm o kung gaano katagal itong tutunog. Sa mga speaker, hindi puwedeng baguhin ang mga default na setting.

Tandaan: Hindi na available ang mga media alarm. Para magsimula ng musika o iba pang media sa isang gustong oras, mag-iskedyul ng Routine.

Magtakda, magkansela, mag-snooze, o magpahinto ng alarm

Gamitin ang iyong boses para magtakda at mamahala ng mga alarm

Gumamit ng mga command gamit ang boses sa pagtatakda, pagkakansela, pagtatanong tungkol sa isang alarm, at pagpapahinto o pag-snooze ng tumutunog na alarm.

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Magtakda ng bagong alarm "Set alarm for 6 AM tomorrow (Magtakda ng alarm nang 6 AM bukas)"
Magtakda ng alarm na may pangalan "Set an alarm for 7 AM called Medicine (Magtakda ng alarm nang 7 AM na tinatawag na Gamot)"
Magtakda ng umuulit na alarm "Set alarm for 7 AM every day of the week (Magtakda ng alarm nang 7 AM araw-araw sa buong linggo)”
Magtanong tungkol sa isang dati nang alarm "When is my alarm set for? (Kailan nakatakda ang alarm ko?)”
"Kailan ang alarm ko sa Biyernes?"
"When is my medicine alarm? (Kailan ang alarm ko para sa gamot?)"
Magtanong tungkol sa lahat ng alarm "Ano ang mga nakatakdang alarm?"
Kanselahin ang isang kasalukuyang alarm "Kanselahin ang alarm ko"
"Kanselahin ang alarm ko para sa gamot"

Ihinto ang nagri-ring na alarm

"Stop (Ihinto)"

Hindi mo kailangang sabihin ang "Ok Google" para pahintuin ang isang alarm. Sabihin lang ang "Stop (Huminto)." (Wikang English lang)

Mag-snooze "Snooze for 10 minutes (I-snooze nang 10 minuto)"
"Snooze (I-snooze)"

Gamitin ang screen ng iyong Nest display para magtakda at mamahala ng mga alarm

Sa mga Nest display, magagamit mo ang screen para magtakda at mamahala ng mga alarm at i-adjust ang mga setting ng alarm.

Para buksan ang mga setting ng alarm, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong screen at pagkatapos ay i-tap ang Mga Alarm .

  • Para magtakda ng bagong alarm, i-tap ang Magtakda ng alarm at pagkatapos ay pumili ng oras at pagkatapos ay i-tap ang Itakda at pagkatapos ay i-customize ang iyong mga setting at pagkatapos ay i-tap ang Tapos na.
  • Para i-delete o baguhin ang mga setting ng isang dati nang alarm, i-tap ang alarm.
    • Para i-delete, i-tap ang I-delete.
    • Para baguhin ang mga setting, piliin ang mga setting na gusto mo at pagkatapos ay i-tap ang Tapos na.

Gamitin ang mga kontrol sa pagpindot para mag-mute o mag-snooze ng mga alarm

  • Google Home: Mag-tap sa itaas.
  • Google Nest Mini: Mag-tap sa gitna.
  • Google Home Mini: Pumindot nang matagal sa alinmang gilid.
  • Google Home Max: I-tap ang linya sa itaas o kanang bahagi.
  • Google Nest Audio: Mag-tap sa gitna.
  • Mga Google Nest display: I-tap ang Ihinto o I-snooze sa screen.
  • Google Nest Wifi point: Mag-tap sa gitna.

Gumamit ng Quick Gesture para mag-mute o mag-snooze ng mga alarm (Nest Hub (2nd gen) at Nest Hub Max lang)

Para i-set up ang galaw sa pag-snooze ng alarm:

  1. Sa Google Home app:
  2. Sa iyong Nest display:

Para i-snooze ang isang tumutunog na alarm:

  • Nest Hub Max: Itapat ang iyong kamay nang nakaharap ang palad mo sa camera.
  • Nest Hub (2nd gen): Ikumpas ang iyong kamay malapit sa display.

Gamitin ang Google Home app para mag-alis ng alarm

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  4. Piliin ang speaker o display na may alarm.
  5. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Audio at pagkatapos ay Mga Alarm at Timer.
  6. I-tap ang I-delete at pagkatapos ay I-delete para sa bawat alarm na gusto mong alisin.

Baguhin ang volume ng alarm

Gamitin ang Google Home app

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  4. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  5. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Audio at pagkatapos ay Mga Alarm at Timer.
  6. I-adjust ang volume.

Gamitin ang screen ng Nest display

Gamitin ang menu na Mga mabilisang setting para baguhin ang volume ng mga alarm at timer sa iyong Nest display.

  1. Sa iyong Nest display, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  2. I-tap ang Volume at pagkatapos ay itakda ang volume ng alarm at timer sa gusto mong antas. Tandaan: Kung hindi awtomatikong bubukas ang kontrol ng volume ng alarm at timer , i-tap ang I-expand .

Baguhin at i-customize ang mga setting ng alarm sa mga Nest display

Sa mga Nest display, puwede mong baguhin ang mga default na setting ng iyong alarm, gaya ng tunog ng alarm at haba ng pag-snooze.

Baguhin ang tunog ng alarm

Para baguhin ang tunog ng iyong alarm:

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong display at pagkatapos ay i-tap ang Mga Alarm .
  2. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Tunog ng alarm.
  3. Piliin ang tunog na gusto mo.
  4. I-tap ang Itakda.

Baguhin ang haba ng alarm o pag-snooze

Para baguhin ang haba ng tunog at pag-snooze ng iyong alarm:

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong display at pagkatapos ay i-tap ang Mga Alarm .
  2. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay I-mute pagkalipas ng o Haba ng pag-snooze.
  3. Piliin ang haba ng panahong gusto mo.
  4. I-tap ang Tapos na.
Magtakda ng sunrise alarm

Paunti-unting pinapaliwanag ng mga sunrise alarm ang screen kapag oras na para gumising. Puwede kang magdagdag ng sunrise alarm sa isang bago o dati nang alarm.

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong display at pagkatapos ay i-tap ang Mga Alarm .
    • Para gumamit ng dati nang alarm, i-tap ang paglalarawan nito sa screen.
    • Para gumamit ng bagong alarm, i-tap ang Magtakda ng alarm at pagkatapos ay pumili ng oras at pagkatapos ay i-tap ang Itakda.
  2. I-on ang Sunrise Alarm.
  3. Para i-customize ang iyong mga setting, i-tap ang Sunrise Alarm:
    • Kung tugma sa mga smart light, puwede mong paliwanagin ang mga ilaw sa iyong kuwarto sa pagsikat ng araw sa lugar mo.
    • I-adjust ang tagal ng sunrise para sa mas mabilis o mas mabagal na sunrise.
    • Pumili ng pre-alarm. Sa pre-alarm, magpe-play ng mahihinang tunog gaya ng huni ng mga ibon sa mga huling minuto bago ang alarm.
  4. Kapag tapos na, i-tap ang Tapos na.

Mag-play ng routine sa umaga

Sa mga Nest display, puwede mong iiskedyul na mag-play ang isang routine sa umaga pagkatapos mong i-dismiss ang iyong alarm. Puwede mong gamitin ang feature na ito para mag-play ng musika, mag-automate ng mga device para sa smart na tahanan, o baguhin ang mga setting ng device pagkatapos tumunog ng iyong alarm.

  1. I-set up ang iyong Routine sa "Umaga" sa Google Home app.
  2. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong display at pagkatapos ay i-tap ang Mga Alarm .
    • Para gumamit ng dati nang alarm, i-tap ang paglalarawan nito sa screen.
    • Para gumamit ng bagong alarm, i-tap ang Magtakda ng alarm at pagkatapos ay pumili ng oras at pagkatapos ay i-tap ang Itakda.
  3. I-on ang Routine sa umaga.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15430797241506131172
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false