Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magbahagi ng feedback tungkol sa Google Nest

Palagi naming pinagtutuunan ng pansin ang pagpapahusay sa Google Nest o Home speaker o display at mahalaga ang iyong feedback sa amin. Sabihin sa amin kung ano ang iyong palagay sa ginagawa namin. Nakikinig kami! May dalawang paraan para magpadala ng feedback — gamit ang iyong boses at mula sa Google Home app.

Tandaan: Para masiyasat namin nang mabuti ang iniuulat mong isyu, makakatulong kung isasama mo ang mga log ng device sa iyong ulat. Para matiyak na mangyayari ito, paki-verify kung naka-on ang "Ipadala sa Google ang data ng paggamit at mga ulat ng pag-crash ng device" bago ka magsumite ng feedback. Kung mas gusto mong panatilihing naka-off ang setting na ito, puwede mo itong i-off ulit pagkasumite ng feedback.

Magpadala ng feedback gamit ang iyong boses

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google" o "Hey Google," pagkatapos ay... Ang sasabihin o gagawin ng Google Nest o Home:
Magpadala ng feedback sa Google “Magpadala ng feedback”

I-transcribe ang feedback na audio na ibinibigay mo at ipadala ang transkripsyon sa Google Nest team. Hindi ire-record ang audio ng iyong feedback.

Sa mga display, kung ayaw mong isama ang iyong personal na impormasyon o ang isang screenshot ng screen mo, i-uncheck ang Isama ang personal na impormasyon o Isama ang screenshot
Kapag tapos na, i-tap ang Ipadala.

Magpadala ng feedback mula sa Google Home app 

Mula sa Google Home app

Hakbang 1. I-on ang mga ulat sa device

  1. Tiyaking ang telepono o tablet mo ay nakakonekta sa Wi-Fi o naka-link sa account kung saan nakakonekta o naka-link ang iyong speaker, display, Chromecast, o Pixel Tablet.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Pagkilala at pag-share.
  5. I-on ang Ipadala sa Google ang mga ulat ng paggamit at pag-crash ng [device model] device (halimbawa, Ipadala sa Google ang mga ulat ng paggamit at pag-crash ng Google Home).

Hakbang 2. Ibahagi ang iyong feedback

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang larawan sa profile ng iyong Google Account o unang inisyal ng pangalan mo.
  3. I-tap ang Feedback at pagkatapos ay ang uri ng device na gusto mong bigyan ng feedback.
  4. I-tap ang Magsimula.
  5. Sa field na nakalaan, ilagay ang mga detalye ng iyong feedback. Tiyaking huwag magsama ng sensitibong impormasyon.
  6. I-tap ang Ipadala .
  7. Puwede kang mag-highlight o magtago ng impormasyon kung kailangan. Puwede mo ring alisin ang screenshot, o i-tap ang Mag-attach ng screenshot kung hindi mo sinasadyang naalis ito.
  8. I-tap ang Magpatuloy.
  9. Piliin ang Oo o Hindi kapag na-prompt ka tungkol sa pagtanggap ng impormasyon sa email o mga update tungkol sa iyong feedback.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6552241040883674746
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false