Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Pumili ang Google Nest Wifi o Google Wifi ng channel na ginagamit din ng ilan pang network

Kung mapapansin mong ginagamit din ng ilan pang network ang channel na ginagamit ng iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network, huwag mag-alala. Ang channel na ginagamit din ng ilan pang network ay hindi kapareho ng busy na channel.

Ano ang nagiging dahilan ng pagiging busy ng channel? 

  • Mas mahalaga ang antas ng aktibidad ng bawat network kaysa sa bilang ng mga network. Puwedeng pasikipin ng Wi-Fi network na may matinding paggamit ang channel nang mas matindi kaysa sa maraming hindi ginagamit na network. Hindi sigurado sa ibig sabihin nito?
  • Hindi palaging nasusukat ng mga app na nagsa-scan ng channel ang iba pang source ng congestion at interference. Puwedeng magdulot ng congestion sa channel ang mga signal na hindi Wi-Fi (gaya ng mga signal mula sa mga microwave, Bluetooth device, cordless na telepono, garage door opener, baby monitor, atbp.) pero posibleng hindi lumabas ang mga ito kapag nag-scan. Kaya posibleng lumabas na walang laman ang channel kahit na ang totoo ay puno ito ng iba pang uri ng interference.

Kapag pumipili ng channel, isinasaalang-alang ng Google Nest Wifi at ng Google Wifi kung gaano ka-busy ang iba pang network, pati na rin ang interference na hindi mula sa Wi-Fi.

Kung gumagamit ang iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network ng channel na ginagamit ng ilan pang network pero hindi ka nakakaranas ng bagal, huwag mag-alala. Palaging sina-scan ng iyong point ang kapaligiran nito para mapili ang channel na posibleng magbigay sa iyo ng pinakamahusay na Wi-Fi.

Higit pa tungkol sa congestion sa channel

Isiping ikaw at ang iyong kaibigan ay nasa kwarto kasama ng 10 iba pang tao. Kung tahimik ang lahat, puwede ka pa ring malinaw na makipag-usap sa iyong kaibigan.

Ngayon, isipin na ikaw at ang iyong kaibigan ay nasa kwarto na may 2 pang tao lang, pero pareho silang nagsisigawan nang napakalakas. Mahihirapan kang marinig ang kaibigan mo.

Ganoon din sa Wi-Fi. Mas malinaw at mabilis na nakikipag-ugnayan sa isa't isa ang iyong mga Wi-Fi device kapag walang kakumpitensyang “abala” (ibig sabihin, congestion sa network). Mas mahalaga rito ang tindi ng trapiko ng bawat Wi-Fi network, at hindi masyadong mahalaga ang dami ng mga network.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3430671967686356711
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false