Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

IPv6

Ano ang IPv6?

Ang Internet Protocol version 6 (IPv6) ay isang advanced na networking standard na nagbibigay-daan sa mga device na gumamit ng mas maraming natatanging IP address kaysa sa mas lumang standard (IPv4). Dahil bilyon-bilyong device na ang nasa internet, at patuloy at napakabilis pang nadaragdagan ang bilang na ito, hindi na kayang magbigay ng mas lumang IPv4 standard ng sapat na mga natatanging address para sa mga bagong device.

Mga karagdagang benepisyo ng IPv6

  • Mas mahusay na pagruruta ng packet dahil sa scheme ng paglalaan ng prefix na nagbibigay-daan sa mas madaling pagdaloy ng data sa mga router sa internet.
  • Mas flexible na mga tuntunin sa pagsaklaw ng address na idinisenyo para sumuporta sa mas maraming iba't ibang sitwasyon ng paggamit para sa lahat ng uri ng network.
  • Naka-streamline na pagproseso ng stack ng software ng network dahil sa pag-aalis ng pag-fragment ng router at paghihiwalay ng opsyonal na impormasyon sa mga pangalawang header. 
  • Built-in na suporta para sa mga advanced na mekanismo sa seguridad, gaya ng IPSEC.
  • Posible na ngayon ang direktang peer-to-peer na komunikasyon saanman sa mundo dahil hindi na kailangan ng Network Address Translation (NAT).
  • Mas mahusay na pag-scale ng pamamahala ng network kaysa sa mga stateful protocol (gaya ng DHCP para sa IPv4) dahil sa configuration ng address na nakatuon sa client. 
  • Marami sa mga pangunahing pagpapatakbo sa pagkakakonekta sa IPv6 ay gumagamit ng multicast na komunikasyon, na nangangahulugang puwedeng magparehistro ang mga client na gumana lang kapag nakatanggap ang mga ito ng ilang partikular na uri ng komunikasyon. Dahil dito, mas malaki ang natitipid na kuryente nang hindi gumagamit ng mga mekanismong partikular sa platform gaya ng Wake-on-LAN.

Paano gumagana ang IPv6 sa Google Nest Wifi at Google Wifi

Gumagamit ang Google Nest Wifi at Google Wifi ng dual-stack na pagpapatupad, na nangangahulugang posibleng magsama sa iisang network ang trapiko ng IPv4 at trapiko ng IPv6 (parehong wired at wireless). Hindi sinusuportahan ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang mga IPv6 transitional protocol gaya ng 6to4 o 6rd. Dagdag pa rito, hindi sinusuportahan ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang IPv4 sa pamamagitan ng IPv6 o IPv6+.

Para gumana ang IPv6, dapat itong suportahan ng lahat ng entity na ito:

  • Ang iyong Internet Service Provider (ISP) (sumusuporta rin dapat sa IPv4; hindi namin sinusuportahan angmga IPv6 lang na koneksyon)
  • Ang iyong mga client device 
  • Ang operating system at mga application na gumagana sa iyong mga client device

Kapag naka-enable ang IPv6 sa Google Nest Wifi o Google Wifi, ginagamit nito ang DHCPv6 protocol sa WAN port nito para humiling ng address mula sa iyong ISP. Kung sinusuportahan ng ISP ang DHCPv6 protocol at nagbigay ito ng mga address para sa mga router, kukuha ang router ng sarili nitong IPv6 address. 

Kung hindi nagbigay ng mga address para sa mga router ang ISP, kukunin ng router ang address nito gamit ang pamamaraang tinatawag na StateLess Address AutoConfiguration (SLAAC o “slack”). Hihingi rin ng IPv6 prefix ang router sa ISP, na gagamitin para ipadala ang mga advertisement ng router ng IPv6 sa mga client sa LAN, na magbibigay-daan sa mga itong kumuha ng kani-kanilang address.

Kung magbibigay ang ISP ng magagamit na prefix, magsisimulang magpadala ng mga advertisement sa pagruruta ng IPv6 ang Google Nest Wifi at Google Wifi sa mga client sa LAN para bigyang-daan ang mga itong pumili at mag-validate ng kani-kanilang IPv6 address gamit ang pamamaraang SLAAC (o “slack”).

I-on ang IPv6

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-on ang IPv6.
  4. I-tap ang I-save .
 

Hanapin ang IPv6 Prefix para sa isang router o pangunahing Wifi point

Ang IPv6 prefix ay katumbas ng WAN address sa IPv4. Ibinibigay ito ng iyong ISP. Ginagamit ng mga router at client ang prefix para ibigay ang iba pang bahagi ng address at para mabuo ang kumpletong 128-bit na IPv6 address. Nauugnay lang ang prefix sa router o pangunahing Wifi point sa isang mesh network. Gumagamit ng SLAAC ang mga karagdagang point para bumuo ng mga sariling address ng mga ito.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  Impormasyon ng device.
  4. Makikita ang iyong IPv6 prefix (IP address) sa ilalim ng “Impormasyon ng Wi-Fi.”

Hanapin ang mga IPv6 IP address para sa nakakonektang device

Makikita mo ang mga IPv6 address ng isang nakakonektang device sa page ng mga detalye ng device. (Puwedeng abutin nang hanggang 1 minuto bago makita ang mga address.) Tandaan: Posibleng maraming IPv6 address ang nakalista para sa bawat device.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Device.
  3. Mag-tap ng device para makita ang mga detalye nito.

Custom na DNS server ng IPv6

Puwede kang magtakda ng custom na IPv6 DNS server sa Google Home app.

Gawi ng feature ng Google Nest Wifi at Google Wifi sa IPv6 

Pagsubok sa reachability ng IPv6

Para matiyak na matatag ang koneksyon sa IPv6, pana-panahong magpapatakbo ng mga pagsubok sa koneksyon ang Google Nest Wifi at Google Wifi sa background. Vina-validate ng mga pagsubok na ito ang paggana ng mga koneksyong IPv6 mula sa iyong mga Wifi device patungo sa network ng imprastraktura ng Google. Puwedeng mag-iba-iba ang mga resulta ng mga pana-panahong pagsubok na ito at, depende sa tatag ng IPv6 network ng iyong ISP, posibleng ma-disable ang iyong koneksyong IPv6. Awtomatikong gumagana ang mga pagsubok at susubukan nitong i-restore ang serbisyo ng IPv6.

Pagfo-forward ng port o pagbubukas ng port ng IPv6

Ginagamit ang pagfo-forward ng port sa NAT sa mga IPv4 network. Hindi ginagamit ng mga IPv6 network ang NAT para sa pag-forward ng port. Hindi ginagamit ang mga nakareserbang IP (tinatawag ding mga pagpapareserba ng static IP) sa DHCP sa mga IPv6 address, at hindi kinakailangan ang mga ito para sa mga koneksyon sa IPv4. Alamin kung paano i-set up ang pagfo-forward ng port o pagbubukas ng port.

IPv6 sa guest network

Sinusuportahan ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang IPv6 sa lahat ng koneksyon sa LAN, kasama ang wired LAN at pribadong WLAN. Sinusuportahan din ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang paggamit ng pambisitang network para sa IPv6, gayunpaman, dapat magbigay ang iyong ISP ng haba ng prefix ng network na mas mababa sa 64 bit para mabigyang-daan ang maayos na subnet addressing. Kung 64 bit ang prefix ng ISP, hindi magiging available ang IPv6 sa guest network.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1887610749031526106
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false