Puwede mong palitan ang mga pangalan ng mga device na nakakonekta sa iyong Wi-Fi network. May ilang device na may mga pangalang mahirap tukuyin (halimbawa, posibleng ipinapakita ang isang printer bilang “a738b00002”) o posibleng may parehong pangalan ang 2 magkatulad na device. Kapag nagpalit ka ng pangalan ng device, makikita ito ng lahat ng may-ari at manager ng iyong Wi-Fi network sa Google Home app.
- Buksan ang Google Home app .
- I-tap ang Wifi Mga Device.
- I-tap ang device na gusto mong palitan ng pangalan.
- I-rename ang iyong device. Awtomatikong mase-save ang iyong mga pagbabago.
Tandaan: Babaguhin lang nito kung paano ipinapakita ang pangalan ng device sa app. Para ibalik sa orihinal na pangalan ng device ang pangalan sa app, i-delete ang text.