Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumawa, mag-edit, at magbahagi ng Pambisitang Wi-Fi network

Ang Pambisitang Wi-Fi ay isang hiwalay na network na para lang sa iyong mga bisita. Makakapag-online ang mga bisita at magagamit nila ang mga nakabahaging device na pipiliin mo, tulad ng Chromecast, smart TV, wireless na speaker, o printer. Matuto pa tungkol sa iyong privacy sa Google Nest Wifi at sa Mga bisita at ang iyong mga device ng Google para sa nakakonektang home.

I-set up ang Pambisitang Wi-Fi

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga setting ng network at pagkatapos ay Pambisitang Network.
  3. I-on ang Pambisitang network.
  4. Maglagay ng pangalan at password ng network na magagamit ng iyong mga bisita. 
    • Kailangang may password ang mga Pambisitang network.
    • Pumili ng pangalan at password na iba sa iyong pangunahing Wi-Fi network.
  5. Sa “Mga nakabahaging device,” piliin ang anumang device na gusto mong ipagamit sa iyong mga bisita.
  6. I-tap ang I-save.

I-off ang Pambisitang Wi-Fi

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga setting ng network at pagkatapos ay Pambisitang Network..
  3. I-off ang Pambisitang network.

I-edit ang Pambisitang Wi-Fi

Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong Pambisitang network, password, at kung aling mga device ang nakabahagi sa mga bisita mo.

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga setting ng network at pagkatapos ay Pambisitang Network.
  3. I-edit ang mga detalye ng iyong Pambisitang network.
  4. I-tap ang I-save.

Ibahagi ang password ng iyong Pambisitang Wi-Fi

Sa Google Nest Wifi o Google Wifi, madali mong matitingnan at maibabahagi sa mga bisita ang password ng iyong Pambisitang Wi-Fi sa pamamagitan ng text, email, at iba pang app o sa Google Nest display mo.

Ibahagi ang password ng iyong Pambisitang Wi-Fi mula sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Ibahagi ang password at pagkatapos ay mag-swipe pakaliwa papunta sa iyong Pambisitang Network.
  3. I-tap ang Kopyahin, Imensahe, o I-email para ibahagi.
Ibahagi ang password ng iyong Pambisitang Wi-Fi sa mga Google Nest display
  1. Sa isang Nest display, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang Pagkakonekta at pagkatapos ay Pambisitang Wi-Fi.
  3. Ipapakita ang pangalan at password ng iyong Pambisitang Wi-Fi network.

Para itago ang iyong pambisitang password sa display mo:

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga setting ng network.
  3. I-uncheck ang Ipakita ang password ng iyong Pambisitang network sa mga display mo na Assistant-enabled.

Ibahagi sa Google Assistant ang password ng iyong Pambisitang Wi-Fi

Available ang pagbabahagi ng password ng iyong Pambisitang Wi-Fi sa Google Assistant kapag gumagamit ka ng Google Nest Wifi o Google Wifi sa Home app.
Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Alamin ang password ng Pambisitang Wi-Fi

Tandaan: Kasalukuyang hindi available ang command na ito sa Finland, Portugal, Hong Kong, at Pilipinas.

"What's my Guest Wi-Fi password? (Ano ang password ng Pambisitang Wi-Fi ko?)"

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7885561093763633373
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false