Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Paano gumagana ang mga 2.4 at 5 GHz band ng Google Nest Wifi at Google Wifi

Pinapadali ng iyong Google Nest Wifi device at Google Wifi device ang proseso sa pamamagitan ng awtomatikong pagpili ng band na nagbibigay sa iyo ng pinamalakas na Wi-Fi.

Iisang pangalan ang ginagamit ng iyong Google Wifi o Nest Wifi network para sa 2.4 at 5GHz band. Magkasabay na aktibo ang dalawang band ng radyo. Tandaan: sa isang band ng radyo lang kokonekta ang iyong mga personal na device (smartphone, tablet, laptop, atbp.) sa bawat pagkakataon. Batay sa mga kakayahan ng device, susubukan ng Google Nest Wifi at Google Wifi na piliin ang band na maghahatid ng pinakamagandang performance para sa iyong device.

Hindi ganito ang paraan sa maraming router. May dalawang magkahiwalay na Wi-Fi network ang ilan pang router (isa para sa 2.4GHz band at isa pa para sa 5GHz band), na hihilingin sa iyong manual na kumonekta sa band na gusto mo. 

Magkakaiba ang bawat wireless na device at may sari-sariling panuntunan ang mga ito (isinasaalang-alang ang lakas ng signal, congestion, atbp.) para mapili ang pinakamahusay na band. Kaya posibleng kokonekta ang iyong telepono sa 2.4GHz band, habang kokonekta naman ang laptop mo sa 5GHz band. Sa huli, ang iyong device ang magpapasya kung aling band ang gagamitin nito para kumonekta. Susubukang gabayan ng feature na Band Steering ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang iyong mga nakakonektang device sa band na may pinakamagandang performance para sa bawat device.

Paano pipili ng band ang aking device?

Ang mga device na 2.4Ghz band lang ang sinusuportahan (mas lumang telepono, halimbawa) ay awtomatikong kokonekta sa 2.4GHz band. Ang karamihan ng mga dual band device na sinusuportahan ang 2.4GHz at 5GHz ay awtomatikong pipili ng band batay sa iba't ibang salik tulad ng lakas ng signal at gabay mula sa mesh Wi-Fi system.

Paano naaapektuhan ng mga band ang mga device para sa smart na tahanan.

Ang 2.4GHz band lang ang ginagamit ng ilang device para sa smart na tahanan at hindi magiging available para i-set up ang mga ito kung nasa 5GHz band ang iyong telepono. Sumangguni sa manual ng user ng iyong device kung gusto mong tukuyin ang band. 

TIP: Mas malayo ang naaabot ng mga wave ng 2.4GHz band kaysa sa 5GHz band. Kung walang kakayahang lumipat ng Wi-Fi band ang iyong telepono, subukang lumayo sa router at mga point mo hanggang sa lumipat ang iyong telepono sa 2.4GHz band. Pagkatapos ay magpatuloy sa pag-set up ng iyong mga device para sa smart na tahanan. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8130592589238748663
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false