Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Pagpapareserba ng IP sa DHCP o Magtakda ng Static IP address para sa isang device

Kapag gumagamit ka ng pagpapareserba ng IP sa DHCP, sinasabi mo sa iyong Wi-Fi network na italaga ang iisang IP address sa isang partikular na device sa tuwing kokonekta ang device na iyon sa network mo.

Bakit dapat gumamit ng pagpapareserba ng IP sa DHCP o Static IP

Gumagamit ang karamihan ng mga device ng DHCP, na nagtatalaga ng mga dynamic IP address bilang default. Pero kung minsan, gugustuhin mong hindi magbago ang IP address ng mga device.

Halimbawa, isang wireless printer. Kapag may ipi-print ka, hahanapin ng iyong computer at printer ang isa't isa gamit ang mga IP address. Kung palaging nagbabago ang IP address ng iyong printer, baka hindi ito palaging makita ng computer mo. Kapag binigyan mo ng static IP address ang iyong printer, matitiyak na palaging alam ng computer mo ang address ng iyong printer dahil hindi ito magbabago kapag na-reboot ito o kung mag-e-expire ang lease ng IP sa DHCP.

Tandaan:

  • Kakailanganin mo ng pagpapareserba ng IP sa DHCP (Static IP para sa iyong client) kung gusto mong mag-set up ng pag-forward ng port sa device na ito.
  • Puwede mong i-customize ang subnet na ginagamit mo sa mga setting ng LAN (kung mas gusto mong gumamit ng ibang subnet).
  • Naaangkop lang ang artikulong ito sa mga lokal na device na nakakonekta sa iyong router (laptop, smartphone, tablet, atbp.). Pwedeng magkaroon ng mga static IP address ang mga ito na ang iyong router lang ang makakakita. Hindi makikita ng ibang tao ang mga static IP address na ito. Pero pwede ring magkaroon ang iyong router ng static IP address na makikita ng iba pang tao sa internet. Matuto tungkol sa Static IP para sa WAN ng iyong Wifi point.

Baguhin ang iyong mga setting ng DHCP

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-tap ang Mga pagpapareserba ng IP sa DHCP at pagkatapos ay Magdagdag ng mga pagpapareserba ng IP .
  4. I-tap ang device kung saan mo gustong magtalaga ng static IP.
  5. Maglagay ng static IP address, pagkatapos ay i-tap ang I-save .

Tandaan: Posibleng kailanganin mong idiskonekta ang device na ito sa iyong Wi-Fi network at ikonekta ito ulit bago italaga rito ang nakareserbang IP.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17757554154648454241
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false