Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Pag-forward ng port o pagbubukas ng port

Kapag naka-enable, hinahayaan ng pag-forward ng port (IPv4) at pagbubukas ng port (IPv6) ang trapiko mula sa internet na dumaan sa firewall ng Google Nest Wifi o sa firewall ng Google Wifi papunta sa isang partikular na device sa iyong network sa bahay. 

Matuto pa tungkol sa kung kailan mo kailangan ng pag-forward ng port o pagbubukas ng port at NAT loopback.

I-set up ang pag-forward ng port o pagbubukas ng port

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-tap ang Pamamahala ng port at pagkatapos ay Magdagdag .
  4. Piliin ang tab para sa uri ng IP address na ifo-forward mo. 
  5. Pumili ng device.
  6. Idagdag ang iyong mga internal at external na port.
    1. Para sa IPv4: Pumili ng internal na port na ginagamit ng device sa lokal na network at ng external na port sa WAN. Puwede kang maglagay ng iisang numero ng port (#) o ng hanay ng port (####-####). 
      • Tandaan: Kapag naglalagay ng hanay ng port, magkakapareho dapat ang mga hanay ng internal at external. Hindi ganito ang sitwasyon para sa pag-forward ng iisang port.
    2. Para sa IPv6: Ilagay ang hanay ng port.
      • Tandaan: May ilang device na magmumungkahi ng mga port na gagamitin, habang hahayaan ka naman ng ibang pumili. Kung hindi mo alam kung aling mga port ang ifo-forward, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device o tingnan ang manual ng device.
  7. Piliin ang Transmission Control Protocol (TCP), User Datagram Protocol (UDP), o TCP/UDP. Ang mga ito ang iba't ibang protocol na ginagamit para magpadala ng data sa internet.
  8. I-tap ang I-save .
Kailan ko kailangan ng pag-forward ng port o pagbubukas ng port?

Karaniwang pinoprotektahan ng router ang iyong network mula sa labas sa pamamagitan ng paglilimita sa external na pag-access sa internal na network mo. Pero may ilang device at program gaya ng mga IP camera at online na laro na nangangailangan ng koneksyon mula sa internet na hindi bina-block ng firewall. Sa karamihan ng mga sitwasyon, awtomatikong kino-configure ang pag-forward ng port (para sa IPv4) at pagbubukas ng port (para sa IPv6) sa pagitan ng iyong mga Wifi device at nakakonektang device gamit ang UPnP

Sa pag-forward ng port, nalalaman ng isang router na kapag may pumasok na kahilingan sa pagkonekta sa isang partikular na port (na isasaad mo), dapat ipadala ang koneksyong iyon sa isang partikular na device (na pipiliin mo). Hindi pa rin maaapektuhan ng panuntunang ito ang iba mo pang device.

NAT Loopback

Nagbibigay-daan ang NAT loopback sa mga device na nasa iyong pribadong Wi-Fi na makipag-ugnayan sa isang pampublikong network (WAN). Sa pamamagitan nito, nagagawa ng mga device na “magbahagi” ng koneksyon sa isa't isa, kaya matitingnan mo ang iyong mga device na na-forward ng port mula sa Wi-Fi mo sa bahay.

Para magamit ang NAT loopback, itakda ang mga panuntunan sa pag-forward ng port para sa isang device.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13317901396639133656
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false