Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Universal Plug and Play (UPnP)

Ang Universal Plug and Play (UPnP) ay isang protocol na nagbibigay-daan sa mga device na may naka-enable na UPnP na nasa iyong network na awtomatikong matuklasan at makaugnayan ng mga ito ang isa't isa, pati na rin makagawa ng mga mas direktang channel ng komunikasyon sa internet.

I-on o i-off ang UPnP

Naka-enable ang UPnP bilang default.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.

  3. I-on o i-off ang UPnP.

Dapat ko bang panatilihing naka-on o naka-off ang UPnP?

Naka-enable ang UPnP bilang default. Binibigyang-daan nito ang mga device sa iyong network na makipag-ugnayan nang walang gaanong problema, sa internet at sa iba pang device sa lokal na network mo.

UPnP at ang iyong network

Sa iyong lokal na network, binibigyang-daan ng UPnP ang iyong mga device na matuklasan ang isa't isa nang mas madali. Halimbawa, posibleng gusto mong mag-print ng larawan mula sa isang computer. Kung nasa iisang network ang iyong printer at computer, at iiwan mong naka-on ang UPnP, awtomatikong mahahanap at makakaugnayan ng mga ito ang isa't isa.

Madalas ding gamitin ang UPnP para sa video streaming sa lokal na network sa pagitan ng mga device. Halimbawa, puwedeng gamitin ng Chromecast ang UPnP para mas mahusay na makipag-ugnayan sa iyong TV, at madalas ding gamitin ng mga gaming console at digital na camera ang UPnP.

Binibigyang-daan din ng UPnP ang mga device na makahiling ng mas direktang access sa internet sa pamamagitan ng paghiling sa router na magbukas ito ng partikular na port.

UPnP at ang internet

Binibigyang-daan ng UPnP ang mga device na makahiling para sa pagbukas ng mga partikular na port ng komunikasyon sa pagitan ng mga ito at ng internet. Halimbawa, puwedeng gamitin ng isang gaming console ang port 3074 para makipag-ugnayan sa mga server ng online gaming. Sa halip na ikaw mismo ang mag-configure sa port na iyon, binibigyang-daan ng UPnP ang console na hilingin sa router na buksan ito para sa iyo.

Kapalit nito, hindi mo malalaman kung aling device o application ang humiling para sa mga bukas na port. Ang bukas na port ay parang isang bagong pasukan sa iyong network, kaya hindi kanais-nais sa konteksto ng seguridad na magkaroon ng maraming bukas na port. Kung gusto mo ng ganap na kontrol sa kung aling mga port ang bukas, puwede mong i-off ang UPnP at manual na i-configure ang mga panuntunan sa pag-forward ng port.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3282322788549697171
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false