Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumamit ng screen reader sa Google Home app

Compatible ang Google Home app sa mga opsyon sa pagiging accessible gaya ng TalkBack para sa Android at VoiceOver para sa mga iOS device. Mga serbisyo sa screen reading ang mga ito, na binibigkas nang malakas ang paglalarawan sa pinipindot, pinipili, at ina-activate mo. Puwede mong gamitin ang pag-explore sa pamamagitan ng pagpindot at mga galaw para mag-navigate sa iyong device nang walang visual na input.

Matuto pa tungkol sa mga feature ng pagiging accessible ng Android.

I-on ang TalkBack para sa Android

Ang TalkBack ay isang serbisyo ng screen reader ng Google na kasama sa iyong Android device. Kung wala kang naka-install na TalkBack sa iyong device, puwede mong i-download ang TalkBack sa Google Play.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay Mga naka-install na serbisyo at pagkatapos ay i-on ang Talkback.
  3. Sa dialog ng kumpirmasyon, i-tap ang OK.

Kapag na-enable mo ang TalkBack, magsisimula kaagad ang pasalitang feedback. Habang nagna-navigate ka sa iyong device, ilalarawan ng TalkBack ang iyong mga pagkilos at aalertuhan ka nito kapag may mga notification.

Alamin kung paano mag-navigate sa iyong device gamit ang mga galaw sa TalkBack.

Halimbawa ng mga tagubilin sa TalkBack

Para palitan ang pangalan ng iyong Wi-Fi network sa Google Home app:

  1. Habang naka-on ang TalkBack, piliin ang Google Home app, pagkatapos ay mag-double tap para buksan ito.
  2. Mag-swipe pakanan para mapunta ang lahat ng item sa screen.
  3. Piliin ang Wi-Fi , pagkatapos ay mag-double tap para mabuksan ito.
  4. Pilin ang Mga Setting , pagkatapos ay mag-double tap para mabuksan ito.
  5. Piliin ang pangalan ng iyong network, pagkatapos ay mag-double tap para buksan ang keyboard.
  6. Maglagay ng bagong pangalan ng network.
  7. Kapag napalitan mo na ang pangalan ng iyong network, piliin at i-double tap ang I-save.

Matuto pa tungkol sa paggamit ng TalkBack.

I-on ang VoiceOver para sa iOS

Ang VoiceOver ay serbisyo ng screen reader na kasama sa iyong iOS device. Makikita sa ibaba kung paano ito i-on:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang mga setting ng telepono mo.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay VoiceOver.
  3. I-on ang VoiceOver.

Sa VoiceOver, iha-highlight ng isang pagpindot ang isang item at sasabihin nito sa iyo kung ano ito. Para pumili ng item, pindutin ito nang isang beses para i-highlight, pagkatapos ay i-double tap ito. Mag-swipe pababa o pataas gamit ang dalawang daliri para mapunta ang lahat ng item sa screen.

Halimbawa ng mga tagubilin sa VoiceOver

Para palitan ang pangalan ng iyong Wi-Fi network sa Google Home app:

  1. I-double tap ang Google Home app para buksan ito.
  2. Awtomatikong sasabihin sa iyo ng VoiceOver ang unang item sa screen, ang button ng navigation. Mag-swipe pakanan hanggang sa maabot mo ang Wi-Fi . Mag-double tap para buksan ito.
  3.  Piliin ang Mga Setting , pagkatapos ay mag-double tap para mabuksan ito.
  4. Piliin ang pangalan ng iyong network, pagkatapos ay mag-double tap para buksan ang keyboard.
  5. Maglagay ng bagong pangalan ng network.
  6. Kapag napalitan mo na ang pangalan ng iyong network, piliin at i-double tap ang I-save.

Matuto pa tungkol sa paggamit ng VoiceOver.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9911450554373288259
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false