Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Tingnan ang mga device na nakakonekta sa iyong network at suriin ang paggamit ng data

Puwede mong tingnan kung gaano karaming personal na device ang nakakonekta sa iyong Wi-Fi network sa Google Home app o sa Google Wifi app.

Tingnan ang mga nakakonektang device at paggamit ng data

Sa Google Home app

Ipinapakita ng Google Home app kung gaano karaming data ang ina-upload at dina-download ng iyong mga device. Ipapakita ang mga device na gumamit sa network sa loob ng huling 30 araw kasama ang mga kasalukuyang hindi nakakonekta.
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi .
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Device.
  4. Mag-tap ng isang partikular na device at ng isang tab para makakita ng mga karagdagang detalye.
    • Bilis: Ang real time na paggamit ay ang laki ng data na kasalukuyang ginagamit ng iyong device. Ang paggamit ay ang laki ng data na nagamit ng device sa napiling yugto ng panahon.
    • Impormasyon: Mga detalye ng device gaya ng status ng koneksyon, IP address, at MAC address.

Sa Google Wifi app

Ipinapakita ng Google Wifi app kung gaano karaming data ang kasalukuyang ina-upload at dina-download ng iyong mga device at hanggang sa nakalipas na 30 araw, pati na rin ang mga detalye ng device. 

  1. Buksan ang Google Wifi app .
  2. I-tap ang Network  at pagkatapos ay Mga Device.
    • Tinutukoy ng mga bilang sa tabi ng "Mga Device" ang iyong kabuuang trapiko sa Internet (WAN) papunta sa at mula sa iyong network. 
    • Sa ilalim ng bawat device, makikita mo kung gaano karaming data ang na-download at na-upload ng bawat device. 

      Tandaan: Ipinapakita ng app ang mga detalye para sa lahat ng device na nakakonekta sa pamamagitan ng Wi-Fi o direktang nakakonekta sa iyong Wifi router o point sa pamamagitan ng Ethernet cable.

  3. Mag-tap ng isang partikular na device at ng isang tab para makakita ng mga karagdagang detalye. 
    • Paggamit: Kung gaano karaming data ang nagamit ng device sa napiling yugto ng panahon. 
    • Mga Detalye: Mga detalye ng device gaya ng status ng koneksyon, IP address, at MAC address. 

Suriin ang paggamit ng data ng network 

Sa Nest Wifi at Google Wifi, puwede mong suriin ang kabuuang dami ng data na pumasok sa iyong network sa iba't ibang yugto ng panahon: real-time, ngayong araw, 7 araw, at 30 araw. 

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wi-Fi .
  3. I-tap ang Internet.
    • Real time na paggamit: Gaano karaming data ang kasalukuyang ina-upload at dina-download ng iyong network. 
    • Paggamit: Gaano karaming data ang na-upload at na-download ng device sa napiling yugto ng panahon.

Sa Google Wifi app

  1. Buksan ang Google Wifi app .
  2. I-tap ang Network  at pagkatapos ay Internet.
  3. Sa tab na "Paggamit", malapit sa itaas, i-tap ang yugto ng panahon at piliin ang gustong yugto. “Real-time” ang default.

Mga kaugnay na artikulo

Mag-edit ng mga pangalan ng device
Subukan ang Wi-Fi sa lahat ng nakakonektang device
Magtakda ng priority device 
Paggamit sa mga 2.4 at 5GHz na band
Hindi mahanap o matukoy ang device sa Pampamilyang Wi-Fi

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16144315193146239739
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false