Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Ang ibig sabihin ng ilaw sa iyong Wifi device

Ipinapakita ng ilaw sa iyong Google Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi device ang status ng device mo. Ipinapahiwatig ng iba't ibang kulay at pagpapatay-sindi ang performance ng iyong device.

Tandaan: Magkakaiba ang mga kulay ng ilaw para sa Nest Wifi Pro routerNest Wifi router, mga Google Nest Wifi point, at Google Wifi point.

Nest Wifi Pro router

Kulay Ang ibig sabihin nito Ang dapat gawin
Walang ilaw Walang power ang router.

Tingnan kung nakakonekta nang maayos ang power cable sa iyong router at sa isang gumaganang saksakan.

Kung naka-set up na ang device mo at naka-off ang ilaw, tingnan ang iyong mga setting ng liwanag ng ilaw sa app.

Kung wala pa ring ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.

Online ang device at ini-off mo ang ilaw ng status sa Google Home app. Online ka.
Image Solid white light Solid na puti

Online ang device.

Tandaan: Bilang default, naka-on ang ilaw para sa mga online na Nest Wifi Pro router, pero puwede mo itong i-off sa Google Home app.

Online ka.
 Mabilis na nagpapatay-sinding puti Nagbu-boot ang device. Hintaying mag-boot ang device. Aabutin ito nang humigit-kumulang isang minuto. Kapag tapos na ito, dahan-dahan itong magpapatay-sindi sa kulay na asul para ipaalam sa iyong puwede na itong i-set up.
Nag-a-update ang device. Hintaying matapos ng device ang update.
 Mabagal na nagpapatay-sinding asul Puwede nang i-set up ang device. Gamitin ang Google Home app para i-set up ang iyong router.
 Mabilis na nagpapatay-sinding asul Ipinapares sa kasalukuyan. Hintaying matapos ang pagpapares ng device.
Image Solid yellow light Solid na dilaw

Nagfa-factory reset ang router.

Tandaan: Ipinapahiwatig din ng solid na dilaw na ilaw sa panahon ng pag-set up na may error sa network sa iyong device.

Puwede itong abutin nang hanggang 10 minuto. Kapag tapos na ito, kusang magre-reset ang device 
 Mabagal na nagpapatay-sinding dilaw May error sa network. Tingnan kung nakakonekta ang Ethernet cable sa iyong router at modem, at kung naka-on ang parehong device. Posibleng kailanganin mong bunutin sa saksakan at isaksak ulit ang bawat device. Matuto pa tungkol sa pag-aayos ng mga error sa network.
 Mabilis na nagpapatay-sinding dilaw Nagka-error sa device sa panahon ng pag-set up. Nagkaproblema. Hintaying dahan-dahang magpatay-sindi sa kulay na asul ang device, pagkatapos ay subukan ulit na ipares ang device.
Pinipindot mo nang matagal ang button para sa pag-reset at fina-factory reset mo ang device. Kung patuloy mong pipindutin nang matagal ang button para sa pag-reset, dahan-dahang magiging solid na dilaw ang ilaw pagkalipas ng humigit-kumulang 12 segundo. Kapag solid na dilaw na ito, bitawan ang button para sa pag-factory reset.
 Mabilis na nagpapatay-sinding pula May mali. Kritikal na problema. I-factory reset ang router. Kung mananatiling pula ang ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.
Nest Wifi router
Kulay Ang ibig sabihin nito Ang dapat gawin

Walang ilaw

Hindi nakasaksak ang router o naka-dim ang ilaw sa app.

Tingnan kung nakakonekta nang maayos ang power cable sa iyong router at sa isang gumaganang saksakan.

Kung naka-set up na ang device mo at naka-off ang ilaw, tingnan ang iyong mga setting ng liwanag ng ilaw sa app.

Kung wala pa ring ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.

Image Sudden-blinking white  Solid na puti, walang ilaw,  solid na puti

Nagbu-boot ang device.

Hintaying mag-boot ang device. Aabutin ito nang humigit-kumulang isang minuto. Kapag natapos na ito, dahan-dahan itong magpapatay-sinding puti, na ang ibig sabihin ay handa na itong ma-set up.

Image Slow-pulsing white  Dahan-dahang nagpapatay-sinding puti Handa nang ma-set up ang device.

Gamitin ang Google Home app para i-set up ang iyong router.

Image Solid white light Solid na puti Online ang router at maayos ang lahat. Online ka. Mag-enjoy!
Image Slow-pulsing yellow  Nagpapatay-sinding dilaw May error sa network.

Tingnan kung nakakonekta ang Ethernet cable sa iyong router at modem mo at naka-on ang dalawang device. Posibleng kailanganin mong hugutin sa saksakan at isasak ulit ang bawat device. Matuto pa tungkol sa pag-aayos ng mga error sa network.

Image Fast-blinking yellow  Mabilis na nagpapatay-sinding dilaw

Pinipindot mo nang matagal ang button para sa pag-reset at fina-factory reset mo ang device na ito.

Kung patuloy mong pipindutin nang matagal ang button para sa pag-reset, dahan-dahang magiging solid na dilaw ang ilaw pagkalipas ng humigit-kumulang 12 segundo. Kapag solid na dilaw na ito, ihinto ang pagpindot sa button para sa pag-factory reset.

Image Solid yellow light Solid na dilaw Nagfa-factory reset ang router. Puwede itong abutin nang hanggang 10 minuto. Kapag tapos na ito, kusang magre-reset ang device at magsisimulang magpatay-sinding puti, na ang ibig sabihin ay handa na itong ma-set up.
Image Solid red light Solid na pula May mali. Kritikal na problema. I-factory reset ang router. Kung mananatiling pula ang ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.
Nest Wifi point

Ipinapakita ng light ring sa ibaba ng point ang iba't ibang status.

Tandaan: Ipinapakita ng 2 puting LED sa itaas ng point ang kontrol ng volume, at tumutulong sa iyo ang mga ito na malaman kung saan pipindot para makontrol ang volume. Lalabas ang mga ito kapag nagpapatugtog ng musika at lumapit ang iyong kamay o kapag pinindot mo ang mga kontrol ng volume.

Kulay Ang ibig sabihin nito Ang dapat gawin

Walang ilaw

Tandaan: Kapag naka-set up ang mga Nest Wifi point, lalabas lang ang mga ilaw kapag nakikipag-ugnayan ka sa device.

Hindi nakasaksak ang Nest Wifi point o naka-dim ang ilaw sa app.

  1. Tiyaking nakakonekta nang maayos ang power cable sa iyong point at sa isang gumaganang saksakan.
  2. Subukan ang command gamit ang boses na “Ok Google.” Kung iilaw ang ibaba kapag nagsalita ka sa point o nag-tap ka sa mga kontrol ng volume, gumagana ito nang maayos.
  3. Kung naka-set up na ang iyong point at naka-off ang ilaw, tingnan ang mga setting mo ng liwanag ng ilaw sa app. Posibleng naka-dim ang ilaw sa ibaba o naka-off ang ilaw ng pag-mute, pero gumagana nang maayos ang iyong device.

Kung wala pa ring ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.

Image Orange ring Solid na orange Naka-mute at naka-off ang mikropono.

Sa likod ng point, ilipat ang switch para i-on ito ulit.

Tandaan:: Kapag na-off ang mikropono, hindi makakapakinig o makakasagot ang point. Para makipag-ugnayan sa iyong point gamit ang boses, naka-on dapat ang mikropono. 

Image Fast-pulsing yellow ring Mabilis na nagpapatay-sinding dilaw Ifa-factory reset mo na ang device.

Ipagpatuloy ang pagpindot sa button para sa pag-factory reset para i-reset ang device, o alisin ang pagpindot para huminto.

Image Yellow ring Solid na dilaw Nagre-reset ang device. Hintaying kusang mag-reset ang device. Posibleng abutin ito nang ilang minuto. Kapag handa na itong ma-set up, dahan-dahang magpapatay-sinding puti ang device.
Image Slow-pulsing yellow ring Dahan-dahang nagpapatay-sinding dilaw May error sa network.

Suriin ang mga koneksyon sa pagitan ng iyong modem at router o pangunahing Wifi point mo. Posibleng kailanganin mong hugutin sa saksakan at isasak ulit ang bawat device.

Kung gumagana ang iyong network, pero hindi gumagana ang isang partikular na point. Subukang i-restart ang iyong point sa Home app. Kung hindi nito naayos ang isyu, i-factory reset ang iyong point at i-set up ito ulit.

Matuto pa tungkol sa pag-aayos ng mga error sa network.

Image Slow-pulsing white ring Dahan-dahang nagpapatay-sinding puti

Nagbu-boot ang device o handa nang ma-set up.

Gamitin ang Google Home app para kumpletuhin ang pag-set up.

Image Fast-pulsing white  Mabilis na nagpapatay-sinding puti

 

 

 

Image Fast-pulsing white  Mabilis na nagpapatay-sinding puti

Nakikinig, nag-iisip, o sumasagot ang Google Assistant.

Ikaw o ang sinuman sa iyong bahay ay may notification o paalala.

Kapag na-set up mo na ang iyong device, magpapatay-sinding puti ang ilaw kapag nakikipag-ugnayan ka sa Google Assistant. Gumagana ito nang maayos.

Magpapatay-sinding puti rin ang ilaw kapag may notification o paalala ka. Aabutin ito nang 10 minuto o hanggang sa magtanong ang taong nagtalaga ng paalala ng “Ok Google, ano ang mga paalala ko?"

Image Fast-flashing white  Nagfa-flash na puti May natanggap na notification o paalala ang sinuman sa iyong bahay. Itanong ang "Ok Google, ano ang mga paalala ko?"
Image Pulsing blue ring Nagpapatay-sinding asul Nakakatanggap ka ng tawag. I-tap ang itaas ng point o sabihin ang “Ok Google, sagutin ang tawag.”
Image Red ring Solid na pula May isyu ang point. I-factory reset ang point. Kung mananatiling pula ang ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.
Google Wifi point, OnHub

Simula pa noong Ene 11, 2023, hindi na sinusuportahan ang OnHub

Kulay Ang ibig sabihin nito Ang dapat gawin
Walang ilaw Hindi nakasaksak ang Wifi point o naka-off ang ilaw sa app.

Tiyaking nakakonekta nang maayos ang power cable sa iyong Wifi point at sa isang gumaganang saksakan.

Kung naka-set up na ang iyong Wifi point at naka-off ang ilaw, tingnan ang mga setting mo ng liwanag ng ilaw sa app. 

Kung wala pa ring ilaw, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.

Image Solid white light Solid na puti Online ang Wifi point at maayos ang lahat.

Online ka. Mag-enjoy!

Tandaan: Para sa OnHub, magiging teal ang ilaw na ito. 

 Nagpapatay-sinding asul

Handa nang i-set up ang Wifi point.

I-set up ang Wifi point sa app. Magiging solid na puti ang ilaw kapag online ang Wifi point.

Solid na asul Kusang nagfa-factory reset ang Wifi point. Puwede itong abutin nang hanggang 10 minuto. Kapag tapos na ito, kusang magre-reset ang Wifi point at magsisimulang magpatay-sinding asul ang ilaw, na ang ibig sabihin ay handa na itong ma-set up.
 Nagpapatay-sinding orange Walang koneksyon sa internet ang Wifi point. Tingnan kung nakakonekta nang maayos ang Ethernet cable sa iyong pangunahing Wifi point at modem. Matuto pa tungkol sa pag-aayos ng mga error sa network.
 Nagpapatay-sinding pula May isyu ang Wifi point. I-factory reset ang Wifi point. Kung patuloy itong magpapatay-sinding pula, makipag-ugnayan sa customer support ng Wifi.

Mga kaugnay na artikulo

I-set up ang Nest Wifi Pro o Nest Wifi
I-set up ang Google Wifi
Hindi makita ng Google Home app ang mga Nest Wifi o Google Wifi device
Ayusin ang iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network
I-factory reset ang Google Nest Wifi o Google Wifi

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15040139426425263040
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false