Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-troubleshoot ang pag-set up sa iOS

Kapag nag-set up ka ng Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi network sa isang iOS device, puwede kang makaranas ng mga isyu dahil sa ilang partikular na setting ng privacy. Kasama rito ang VPN (Virtual Private Network), iCloud Private Relay, o lokal na network.

Tandaan: Puwede mong makita ang mensahe ng error na ito: "Hindi nagawang kumonekta. Hindi makakonekta sa device. Subukan ulit o i-tap ang humingi ng tulong para sa higit pang solusyon."

Para lutasin ang mga isyu, subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-set up. Kapag na-set up na ang iyong Wifi network, puwede mong i-restore ang anumang setting ng privacy na mayroon ka dati.

Bago ka magsimula

Tiyaking mayroon ka ng mga sumusunod:

I-off ang VPN sa panahon ng pag-set up

Para sa pagiging kumpidensyal o iba pang feature, niruruta ng ilang VPN ang mga komunikasyon mula sa iyong telepono sa pamamagitan ng isang "tunnel ng VPN," na posibleng makasagabal sa proseso ng pag-set up sa iyong Wifi device. Puwede mong pansamantalang i-off ang iyong VPN sa panahon ng pag-set up, at i-on ito ulit sa ibang pagkakataon.

  1. Pumunta sa Settings General VPN & Device Management ng iyong iOS device.
  2. I-tap ang aktibong VPN  i-tap ang toggle para maging "Not Connected" ito.

I-off ang Private Relay sa panahon ng pag-set up

Tandaan: Available lang ang Private Relay kung mayroon kang iCloud+.

Sa Private Relay, sa mga server ng Apple muna niruruta ang mga komunikasyon bago sa iba sa Internet, na posibleng makasagabal sa proseso ng pag-set up sa iyong Wifi device. Puwede mong pansamantalang i-off ang Private Relay sa panahon ng pag-set up, at i-on ito ulit sa ibang pagkakataon.

  1. Pumunta sa Settings ng iyong iOS device, at i-tap ang iyong pangalan.
  2. I-tap ang iCloud Private Relay.
  3. Para i-off, i-tap ang toggle.
    • Puwedeng may lumabas na pop-up na magpapakumpirma sa iyo na gusto mong i-off ang Private Relay para sa iyong device. Kung lalabas ito, i-tap ang Turn off Private Relay.

I-on ang access sa Local Network

Bilang default, bina-block ang mga app sa iOS mula sa pag-access sa lokal na network. Sa pag-set up ng iyong Wifi network, kakailanganin mong bigyan ang Google Home app ng access sa lokal na network sa iyong iOS device.

  1. Pumunta sa Settings ng iyong iOS device.
  2. Tiyaking naka-on ang Bluetooth. Para i-on ito, i-tap ang Bluetooth  i-tap ang toggle.
  3. Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Google Home app.
  4. I-tap ang toggle ng Local Network para i-on ito.

Iba pang hakbang sa pag-troubleshoot na puwedeng subukan:

  • Sapilitang isara, pagkatapos ay buksan ulit ang Google Home app.
  • I-uninstall, pagkatapos ay i-install ulit ang Google Home app.
  • Kalimutan ang mga network sa malapit.
  • I-restart ang iyong Wifi device.
  • Gumamit ng ibang device (telepono o tablet) para sa pag-set up.

 

Kaugnay na artikulo

I-troubleshoot ang mga isyu sa pag-set up sa Google Nest Wifi

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12454237609489138526
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false