Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Bigyang-daan ang pinahusay na performance sa 160 MHz na channel gamit ang 5.9 GHz (UNII-4) (US lang)

Sa 5.9 GHz na band, na tinatawag ding UNII-4, nabibigyang-daan ang access sa isang 160 MHz na channel na sa US lang pinapahintulutan. Sa pamamagitan nito, puwedeng umabot ang bilis sa hanggang 2.4 Gbps sa mga client device na sumusuporta sa pinalawak na saklaw na ito ng frequency. 

Gayunpaman, hindi tugma ang ilang mas luma nang client device na nakakakonekta sa 5 GHz sa 160 MHz na channel mode na gumagamit ng 5.9 GHz (UNII-4) na band. Posibleng maging mas mababa ang performance o maging mas mabagal, o ganap na hindi makakonekta sa 5 GHz ang mga client device na ito. Magtanong sa manufacturer ng iyong device para malaman kung tugma ito sa 5.9 GHz (UNII-4) na band at 160 MHz na channel. Kung gusto mong bigyang-daan ang pinalawak na operation ng 5.9 GHz (UNII-4) at 160 MHz, puwede mong i-on ang feature na ito.

Ganito ito gawin:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Wifi   Mga setting ng network  Advanced na networking.
  3. I-on ang Gumamit ng 160 MHz na channel para sa maximum na performance sa 5 GHz.

Kung minsan, posibleng may makita kang mga problema sa mode na ito sa iyong mga nakakonektang device, halimbawa:

  • Mas mabagal kaysa sa inaasahan ang mga resulta ng speed test para sa iyong mga client device.
  • Sa 2.4 GHz na band lang kumokonekta ang iyong client device at mukhang hindi ito kumokonekta sa 5 GHz na band.
  • Hindi sinusuportahan ng iyong client device ang 5.9 GHz (UNII-4) na band (posibleng kailanganin mong magtanong sa manufacturer ng iyong client device para sa impormasyong ito).

Para ayusin ito, puwede mong i-off ang setting ng 160 MHz mode sa pamamagitan ng pagsunod sa hakbang 1 hanggang 3 sa itaas, pagkatapos ay pag-tap sa I-off.

Tandaan: Bilang default, 160 MHz ang bandwidth ng channel na awtomatikong ine-enable sa 6 GHz na band, at hindi naaapektuhan ng setting na ito ang nasabing band.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9430549455946925795
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false