Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Look and Talk sa Google sa Nest Hub Max

Kapag na-on mo ang Look and Talk, puwede kang tumingin lang sa iyong Google Nest Hub Max mula sa malapit, at tutugon ang Google Assistant sa mga tanong at command mo. Hindi na kailangang sabihin ang "Ok Google."

Sa English lang available ang Look and Talk sa Nest Hub Max.

Look and Talk on Nest Hub Max | Google Assistant

I-set up ang Look and Talk

Bago ka magsimula

Gagana lang ang Look and Talk kapag naka-enable ang ilang partikular na setting sa iyong Nest Hub Max at Google Assistant. Para i-set up ang Look and Talk, suriin muna ang:

Tandaan: Pinakamahusay na gumagana ang Face Match at Look and Talk kapag inilagay mo ang iyong Nest Hub Max sa lugar kung saan madali ka nitong makikilala.

I-on ang Look and Talk

Tandaan: Hindi available ang mga hakbang na ito sa Google Pixel Tablet. Kakailanganin mong sundin ang mga hakbang na ito sa ibang compatible na mobile device.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng mga feature ng Home, piliin ang Google Assistant at pagkatapos ay Face Match.
  4. Hanapin ang pangalan ng iyong Nest Hub Max at pagkatapos ay i-on ang Look and Talk.

Gamitin ang Look and Talk

Para gamitin ang Look and Talk, tiyaking hindi lalampas sa 5 talampakan (1.5 na metro) ang layo mo sa Nest Hub Max, pagkatapos ay tumingin sa camera sa itaas ng screen. Patuloy na tumingin sa camera habang nakikipag-usap ka sa Google.

Kapag nakilala ng Nest Hub Max ang iyong mukha, may lalabas na apat na dot sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen. Posibleng gumalaw, magbago ng kulay, at magbago ng hugis ang mga dot para ipaalam sa iyo kung ano ang ginagawa ng Google Assistant, kapag nakikipag-usap ka sa Google, at kapag lumingon ka palayo.

Para kanselahin ang pagka-activate ng Look and Talk, i-tap ang screen ng iyong Nest Hub Max. Kung hindi pinoproseso o tinutugunan ng Google Assistant ang sinabi mo, puwede kang lumingon lang palayo para kanselahin ito.

Kapag ginagamit mo ang Look and Talk, hindi magpe-play ng tunog ng pagsisimula o pagtatapos ang iyong Nest Hub Max (kahit na-on mo ang feature na ito).

Tandaan: Hindi available ang Look and Talk sa iyong Nest Hub Max habang nangyayari ang mga sumusunod na aktibidad:

  • May nagpe-play na media, tulad ng musika o mga video
  • Nagsi-stream ng security camera
  • Gumagamit ng Meet o Zoom
  • Habang naka-on ang Guest Mode

Ang ibig sabihin ng mga dot

Kapag ginagawa ng mga dot ito: Aktibidad ng Google Assistant: Mga Tip

Na-detect nitong nasa loob ka ng 5 talampakang (1.5 na metro) layo mula rito at nakatingin ka sa camera. Puwede ka nang magtanong o magsabi ng command nang walang "Ok Google."

Na-detect nitong nagsasalita ka at aktibo ito para makinig sa iyong tanong o command.

Patuloy na tumingin sa camera para malaman ng Google Assistant na dapat itong magpatuloy sa pakikinig.

Kung magiging gray ulit ang mga dot, natukoy ng iyong Assistant na hindi ka nakikipag-usap sa Google.

Pinoproseso nito ang sinabi mo. Puwede ka nang lumingon palayo.

Hindi ito makahanap ng tugon sa iyong tanong o command, pero handa itong makinig kung patuloy kang titingin sa camera. Sabihin ang iyong tanong o command sa ibang paraan.

Pag-troubleshoot

Kung hindi sasagot ang Google Assistant kapag ginamit mo ang Look and Talk, subukan ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Suriin kung naka-on pa rin ang Look and Talk.
  2. Ituro ulit sa Google Assistant ang iyong boses.

Paano ito gumagana

Gumagamit ng camera sensing ang iyong Nest Hub Max at sinusuri nito ang video mo para matukoy kung sadya kang tumitingin sa camera at gusto mong i-activate ang iyong Assistant. Sa device pinoproseso ang iyong video at hindi ito ipinapadala sa mga server ng Google.

Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang sa may ma-detect itong pag-activate. Kapag nasa standby mode, hindi ipapadala ng Google Assistant sa Google o sinupaman ang sinasabi mo.

Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google.

Gumagamit din ang Google Assistant ng Face Match at Voice Match para gumana ang Look and Talk para lang sa mga nag-on nito. Kung gustong gamitin ng iba ang Look and Talk, puwede nila itong i-set up sa mga setting ng kanilang Home app o Assistant app.

Puwede mong i-off ang feature na ito anumang oras:

Tandaan: Hindi available ang mga hakbang na ito sa Google Pixel Tablet. Kakailanganin mong sundin ang mga hakbang na ito sa ibang compatible na mobile device.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting
  3. Sa ilalim ng mga feature ng Home, piliin ang Google Assistant at pagkatapos ay Face Match.
  4. Hanapin ang pangalan ng iyong Nest Hub Max at pagkatapos ay i-off ang Look and Talk.

Mahalaga: Gumagamit ang iyong Nest Hub Max ng machine learning para matiyak na magiging tumpak hangga't posible ang Look and Talk, pero hindi palaging perpekto ang teknolohiyang ito. Posibleng hindi matukoy ng iyong device ang pinagkaiba mo sa, halimbawa, isang larawan ng iyong mukha. Kung kamukhang-kamukha mo ang isa pang miyembro ng iyong sambahayan, posibleng tukuyin siya ng iyong device bilang ikaw.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kontrol sa privacy, pumunta sa:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10461733020987002637
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false