Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumamit ng mga quick phrase sa Google Nest Hub Max

Gumamit ng mga quick phrase sa iyong Nest Hub Max para humingi ng tulong sa Google Assistant sa mga pang-araw-araw na gawain nang hindi nagsasabi ng "Ok Google." Kapag nag-set up ka ng mga quick phrase, puwede mong hilingin lang sa Google Assistant na magtakda ng timer, i-off ang mga ilaw, at gumawa ng higit pa.

Available ang mga quick phrase sa Nest Hub Max sa US sa English.

Google Assistant | Quick phrases on Nest Hub Max

Magdagdag ng mga quick phrase

Bago ka magsimula

Para i-set up ang mga quick phrase, kakailanganin mong gawin ang mga sumusunod:

  • I-on ang Voice Match sa iyong Nest Hub Max.
  • Gawing English (United States) ang pangunahing wika ng Google Assistant.
    • Hindi gagana ang mga quick phrase kung nakalista ang English (United States) bilang pangalawang wika sa halip na pangunahin.
    • Dapat ay itakda ng taong unang nag-set up ng Nest Hub Max sa English (United States) ang pangunahing wika niya sa Google Home app. Kung hindi, hindi gagana ang mga quick phrase para sa kahit sinong gagamit ng Nest Hub Max.

Pumili ng mga quick phrase

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Mga quick phrase.
  3. I-tap ang Iba pang device at pagkatapos ay sa seksyong "Lahat ng quick phrase," i-tap ang Idagdag sa tabi ng mga phrase na gusto mong gamitin.

Gumamit ng mga quick phrase

Para gumamit ng quick phrase na naidagdag mo, sabihin lang ang phrase sa iyong Nest Hub Max. Hindi mo kailangang sabihin ang "Ok Google."

Naiaangkop ang mga quick phrase, kaya puwede kang magdagdag ng mga partikular na detalye at magsalita nang natural. Halimbawa, kung pipiliin mo ang quick phrase na "Turn lights on & off (I-on at i-off ang mga ilaw)," posibleng gumana ang mga sumusunod na phrase:

  • "Turn on the lights (I-on ang mga ilaw)"
  • "Turn on kitchen lights (I-on ang mga ilaw sa kusina)"
  • "Turn the kitchen lights on (I-on ang mga ilaw sa kusina)"

Posibleng kabilang sa iba pang pag-aangkop ng mga madalas gamiting quick phrase ang:

  • "Set a timer for 10 minutes (Magtakda ng 10 minutong timer)"
  • "Increase the light brightness (Gawing mas maliwanag ang ilaw)"
  • "What's the weather forecast (Ano ang lagay ng panahon)"

Tandaan: Hindi available ang mga quick phrase sa iyong Nest Hub Max habang naka-on ang Guest Mode.

Para mag-ulat ng problema o ipaalam sa amin ang tungkol sa iyong karanasan, magsumite ng feedback tungkol sa Google Assistant mo.

Tingnan ang iyong mga quick phrase

  1. Para tingnan ang mga idinagdag mong quick phrase, buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Mga quick phrase.
  3. I-tap ang Iba pang device at pagkatapos ay tingnan ang seksyong "Iyong mga quick phrase."

Mag-alis ng mga quick phrase

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Mga quick phrase.
  3. I-tap ang Iba pang device at pagkatapos ay I-delete sa tabi ng mga phrase na gusto mong alisin.

Paano ito gumagana

Idinisenyo ang Google Assistant na maghintay sa standby mode hanggang sa may ma-detect itong pag-activate. Kapag nasa standby mode, hindi ipapadala ng Google Assistant sa Google o sinupaman ang sinasabi mo.

Kapag naka-detect ang Google Assistant ng pag-activate, aalis ito sa standby mode at ipapadala nito ang iyong kahilingan sa mga server ng Google.

Posibleng mag-activate ang Google Assistant nang hindi mo sinasadya, kung mali nitong made-detect na gusto mo ng tulong nito. Halimbawa, posibleng mag-activate ito kung may sasabihin kang katunog ng isang quick phrase. Tuloy-tuloy kaming nagsisikap para mapahusay ang aming mga system sa pagbabawas ng mga hindi sinasadyang pag-activate.

Ginagamit din ng Google Assistant ang Voice Match para gumana ang mga quick phrase para lang sa mga nag-on nito. Kung gusto ng ibang tao na gumamit ng mga quick phrase, puwede nila itong i-set up sa mga setting ng kanilang Home app o Assistant app.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kontrol sa privacy, pumunta sa:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5557326298054213498
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false