Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-ayos ng mga isyu sa Sleep Sensing

Kung hindi gumagana ang Sleep Sensing tulad ng inaasahan mo, hanapin dito ang iyong isyu at sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Hindi na-calibrate ang pagtulog

Ginagamit ng pag-calibrate ng tulog ang paggalaw ng iyong paghinga para mahanap kung gaano ka kalayo sa Nest Hub mo habang natutulog ka. Posibleng hindi magtagumpay ang pag-calibrate dahil sa puwesto ng iyong Nest Hub o dahil sa iba pang paggalaw sa kuwarto. 

  1. Alisin ang anumang bagay sa pagitan mo at ng screen ng display.
  2. Tingnan kung nasa loob ng 1 talampakan (30 cm) mula sa taas ng kutson mo ang iyong Nest Hub, at abot mo ito at nakatapat ito sa iyong dibdib kapag nakahiga ka sa kama.
  3. Tingnan kung may mga gumagalaw na bagay tulad ng mga bentilador, tumba-tumba, at hinahanging kurtina. Tiyaking walang kahit anong iba pang gumagalaw sa kuwarto habang nagka-calibrate ang Sleep Sensing. Habang tulog ka, ang mga gumagalaw na bagay ay dapat mas malayo kaysa sa iyo mula sa Nest Hub, kahit na hindi nakaharang ang mga ito sa screen. 
  4. I-recalibrate ang Sleep Sensing habang walang ibang tao o alagang hayop sa kuwarto.
    1. Para mag-recalibrate, sa screen ng display ng iyong Nest Hub, mag-swipe pataas mula sa ibaba.
    2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-calibrate ang device at pagkatapos ay sundin ang mga hakbang.

May buod ng pagtulog sa Google Fit, pero wala sa Nest Hub

Posibleng kailangan mong i-update ang iyong mga setting sa Google Home app.

  1. I-on ang Mga personal na resulta:
    1. Buksan ang Google Home app .
    2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
    3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
    4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Pagkilala at Pagbabahagi at pagkatapos ay Mga personal na resulta.
    5. I-on ang Mga personal na resulta at pagkatapos ay i-tap ang Proactive na ipakita
  2. I-update ang mga setting ng Wellness:
    1. Buksan ang Home app .
    2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Pamahalaan ang lahat ng setting ng Assistant at pagkatapos ay Wellness.  
    3. Sa ilalim ng "Mga proactive na resulta sa kalusugan at fitness," i-on ang iyong Nest Hub.
    4. Sa ilalim ng "Ano ang gusto mong pamahalaan?", i-tap ang Tulog at pagkatapos ay sa ilalim ng Google Fit Google Fit, i-tap ang Kumonekta

May buod ng pagtulog sa Nest Hub, pero wala sa Google Fit

Tingnan kung ang account na ginagamit para sa Google Fit ay pareho sa account na ginagamit para sa Nest Hub at kung tama ang iyong mga setting sa Google Home app. 

Suriin ang Nest Hub:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  3. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  4. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  5. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong Nest Hub at pagkatapos ay Mga Setting 
    1. I-tap ang Sleep Sensing, pagkatapos ay tingnan kung naka-on ito. 
    2. Kung hindi ito naka-on, i-tap ang I-set up ang Sleep Sensing at sundin ang mga hakbang. 
  6. I-tap ang Access ng Assistant sa Fit at tingnan kung naka-on ang mga setting na gusto mo. 

Suriin ang Google Fit: 

  1. Buksan ang Google Fit app Google Fit.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  3. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

Walang buod ng pagtulog sa Nest Hub o sa Google Fit

  1. Tingnan ang mga setting sa Google Home app:
    1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
    2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
    3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
    4. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Sleep Sensing.
    5. Tingnan kung naka-on ang Sleep Sensing. 
  2. Suriin ang mga setting sa iyong Nest Hub (2nd gen): 
    1. Sa screen ng display, mag-swipe pataas mula sa ibaba, pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting .
    2. Tingnan kung naka-on ang Sleep Sensing. 
    3. Tingnan kung naka-on ang Motion Sense. 
  3. I-recalibrate ang Sleep Sensing:
    1. Sa screen ng display ng iyong Nest Hub, mag-swipe pataas mula sa ibaba.
    2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-calibrate ang device.

“Sorry, I can't do that with Fitbit on this device” ang sinasagot ng Google Assistant

Kung na-set up mo ang Sleep Sensing ng Nest Hub pagkatapos mong mag-set up ng Fitbit, mananatiling Fitbit ang default na serbisyo sa pagtulog sa Mga Setting ng Assistant. Kapag Fitbit ang default na serbisyo sa pagtulog, sa Google Fit app mo lang makikita ang iyong data ng buod ng pagtulog. 

Para maipakita sa Nest Hub ang iyong data ng pagtulog, baguhin ang default mong serbisyo sa pagtulog:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Pamahalaan ang lahat ng setting ng Assistant at pagkatapos ay Wellness at pagkatapos ay Tulog. 
  3. Piliin ang Google Fit.

Hindi nito na-record ang mga paghilik at pag-ubo ko

  1. Suriin ang mga setting ng Home app:
    1. Buksan ang Home app .
    2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
    3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
    4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
    5. I-tap ang Sleep Sensing, i-on ang pagsubaybay ng mga event ng tunog.
  2. Tingnan kung naka-on ang mikropono ng Nest Hub. Nasa likod ang switch. Dapat naka-switch ito sa kanan para walang lumalabas na orange.

Hindi tumpak ang data ng pagtulog ko

Posibleng magdulot ng mga hindi tumpak na reading ang puwesto ng iyong Nest Hub at ang mga tao, alagang hayop, o ingay sa malapit. 

  1. Alisin ang anumang bagay sa pagitan mo at ng screen ng display. 
  2. Tingnan kung nasa loob ng 1 talampakan (30 cm) mula sa taas ng kutson mo ang iyong Nest Hub, at abot mo ito at nakatapat ito sa iyong dibdib kapag nakahiga ka sa kama.
  3. Para matulungan ang Nest Hub na matukoy ka mula sa mga kasamang matulog, i-recalibrate ang Sleep Sensing kapag walang ibang tao o alagang hayop sa kuwarto:
    1. Sa screen ng display ng iyong Nest Hub, mag-swipe pataas mula sa ibaba.
    2. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-calibrate ang device at pagkatapos ay sundin ang mga hakbang.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2675801729059060682
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false