Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Baguhin ang mga setting ng Sleep Sensing

Puwedeng baguhin ang mga setting ng Sleep Sensing sa Google Home app sa pamamagitan ng mga setting ng iyong Nest Hub.

I-disable ang Sleep Sensing

Para i-off ang Sleep Sensing sa iyong Nest Hub:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-deactivate ang Sleep Sensing at pagkatapos ay I-deactivate.

Tandaan: Hindi made-delete ang iyong data ng pagtulog sa Google Fit kapag na-deactivate ang Sleep Sensing. Matuto pa tungkol sa pag-disable sa Sleep Sensing at pag-delete ng iyong Data ng pagtulog. Para mag-reactivate, kailanganin mong i-set up at i-configure ulit ang Sleep Sensing.

Bilang alternatibo, puwede mong pansamantalang i-pause at i-unpause ang Sleep Sensing. Para magawa ito, mag-swipe pataas sa iyong display at i-tap ang Sleep Sensing .

I-on o i-off ang pagsubaybay ng mga event ng tunog

Sa Sleep Sensing, puwede mong i-on o i-off ang pagsubaybay ng mga event ng tunog tulad ng pag-ubo at paghilik sa Google Home app.

I-on ang pagsubaybay ng mga event ng tunog

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-set up ang pagsubaybay ng mga event ng tunog.
  4. Suriin ang mga abiso sa app at sumang-ayon sa pag-on ng pagsubaybay ng mga event ng tunog.

I-off ang pagsubaybay ng mga event ng tunog

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-deactivate ang pagsubaybay ng mga event ng tunog at pagkatapos ay I-deactivate.

Tandaan: Kapag na-deactivate mo ang “pagsubaybay ng mga event ng tunog,” pipigilan nito ang pagdaragdag ng iyong mga event ng tunog sa display mo. Gayunpaman, posibleng lumabas sa iyong display nang ilang araw pa ang dati nang impormasyon.

Bilang alternatibo, puwede mong i-off ang mikropono sa likod ng iyong display para pansamantalang i-disable ang mga event ng tunog.

I-on o i-off ang mga naka-personalize na suhestyon mula sa Google Fit

Kung ayaw mong makatanggap ng mga suhestyon para sa mas mabuting pahinga:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay Mga naka-personalize na suhestyon sa pagtulog.
  4. I-on o i-off ang Mga suhestyon sa pagtulog.

Tandaan: Kapag na-off mo ang “Mga naka-personalize na suhestyon sa pagtulog,” pipigilan nito ang pagdaragdag ng mga bagong suhestyon sa iyong display. Gayunpaman, posibleng lumabas sa iyong display nang ilang araw pa ang mga dati nang suhestyon.

Baguhin ang iskedyul ng oras ng pagtulog

Puwede mong i-adjust ang iskedyul ng oras ng pagtulog mo sa kung ano ang mainam para sa iyo.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay Magtakda ng iskedyul ng oras ng pagtulog.
  4. Pumili ng iskedyul ng oras ng pagtulog at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.

Tip: Pumili ng oras na palagi mong masusunod. Dapat makakuha ng 7-9 na oras ng tulog ang karamihan sa mga tao.

Mag-recalibrate

Kung nag-iba ka ng puwesto ng pagtulog o kung hindi gumagana tulad ng inaasahan ang Sleep Sensing, posibleng kailangan mong mag-recalibrate. Tiyaking naka-on ang Sleep Sensing at Motion Sense bago ka magpatuloy.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay I-recalibrate.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa iyong Nest Hub para mag-calibrate.

Sa iyong Nest display

  1. Mula sa ibaba ng iyong display, mag-swipe pataas.
  2.  I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay tiyaking naka-on ang Motion Sense.
  3. I-tap ang Sleep Sensing at pagkatapos ay tiyaking naka-on ang Sleep Sensing at pagkatapos ay I-calibrate ang device.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen sa iyong display.

Tip: Puwede ka ring mag-recalibrate sa pamamagitan ng mga command gamit ang boses ng Assistant. Sabihin ang “Ok Google, i-calibrate ang sleep sensing” at sundin ang anumang tagubilin sa screen. 

I-on o i-off ang Mga proactive na resulta tungkol sa kalusugan at fitness

Makakasagot ang Google Assistant ng mga tanong tungkol sa iyong tulog noong nakalipas na gabi sa mga device kung saan naka-on ang mga personal na resulta

Para simulan o ihinto ang pagpapakita ng iyong data ng pagtulog sa Nest Hub mo, i-on o i-off ang “Mga proactive na resulta tungkol sa kalusugan at fitness.”

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Wellness.
  3. Sa ilalim ng Mga proactive na resulta tungkol sa kalusugan at fitness," i-on ang mga device kung saan mo gustong proactive na ipakita ang iyong data ng pagtulog.

Magsimula o huminto sa pagbabahagi ng iyong data ng pagtulog sa Assistant

Kapag ibinahagi mo ang iyong data ng pagtulog sa Assistant, nagbibigay-daan ito para maipakita ang impormasyon ng pagtulog at wellness mo sa iyong Nest Hub at makapagtanong ka tungkol sa pagtulog. Matuto pa tungkol sa pag-disable sa Sleep Sensing at pag-delete ng iyong Data ng pagtulog.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Sleep Sensing at pagkatapos ay Access ng Assistant sa Fit.
  4. I-on o i-off ang lahat uri ng data na gusto mong simulan o ihintong ibahagi sa Assistant.

Tandaan: Kapag na-off mo ang "Access ng Assistant sa Fit," pinipigilan nitong ma-access ng Assistant ang iyong data; gayunpaman, maa-upload pa rin ang data sa Google Fit mula sa display mo maliban na lang kung idi-disable mo ang Sleep Sensing.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7130281058763049838
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false