Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Madilim na tema para sa mga Nest display

Pinapanatiling madilim ng Madilim na tema ang interface ng iyong Nest display sa gabi, o sa mga oras na posibleng hindi kumportable ang pagkakaroon ng maliwanag na screen. Magagamit mo ang iyong display at magagawa mong makipag-ugnayan sa Google Assistant nang may pinakamababang antas ng liwanag ng screen na kailangan para sa gustong aktibidad.

I-set up ang Madilim na tema

Puwede mong i-set up at isaayos ang Madilim na tema sa mga setting ng device sa iyong display o sa Google Home app . Puwede mo ring gamitin ang iyong boses. Bilang default, nakatakda ang Madilim na tema sa "Awtomatiko."

Sa display

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para ipakita ang tray ng mga mabilisang setting.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Display.
  3. Sa ilalim ng "Tema," piliin ang gusto mong opsyon. 
    • Kung gusto mong palaging gamitin ng display ang mga setting ng Maliwanag na tema, piliin ang Maliwanag.
    • Kung gusto mong palaging gamitin ng display ang mga setting ng Madilim na tema, piliin ang Madilim.
    • Para awtomatikong magpalipat-lipat sa maliwanag at madilim na tema ang display batay sa lokal na paglubog o pagsikat ng araw at mga antas ng liwanag ng paligid sa kuwarto, piliin ang Awtomatiko.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay sa ilalim ng "Mga feature ng device," i-tap ang Display.
  4. Sa ilalim ng "Tema," piliin ang gusto mong opsyon. 
    • Kung gusto mong palaging gamitin ng display ang mga setting ng Maliwanag na tema, piliin ang Maliwanag.
    • Kung gusto mong palaging gamitin ng display ang mga setting ng Madilim na tema, piliin ang Madilim.
    • Para awtomatikong magpalipat-lipat sa maliwanag at madilim na tema ang display batay sa lokal na paglubog o pagsikat ng araw at mga antas ng liwanag ng paligid sa kuwarto, piliin ang Awtomatiko.

Kontrolin ang Madilim na tema gamit ang iyong boses

  • Para i-on ang Madilim na tema, sabihin ang “Hey Google, i-on ang Madilim na tema."
  • Para i-off ang Madilim na tema, sabihin ang “Hey Google, i-off ang Madilim na tema."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13189516090387621330
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false