Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Kontrolin ang mga smart device gamit ang iyong Android phone o tablet

Puwede kang mabilisang magdagdag ng mga kontrol para sa mga tugmang device para sa smart na tahanan gaya ng mga thermostat, ilaw, lock, at camera mula sa iyong Android phone o tablet. Puwede kang mag-on o mag-off ng mga device at puwede mong baguhin ang ilan sa mga setting ng mga ito nang hindi nagbubukas ng app.

Ang mga home control at home panel ay gagana sa mga tugmang device na ikokonekta at puwede mong kontrolin sa Google Home app , gaya ng mga ilaw, camera, thermostat, TV, at higit pa.

Available ang mga home control sa mga teleponong gumagamit ng Android 11 o mas bago. Available lang ang home panel sa mga tugmang Pixel device na gumagamit ng Android 13 o mas bago. Sa Pixel Tablet lang available ang Hub Mode. Bago mo kontrolin ang mga smart device sa mga home control, home panel, o Google Home app, tiyaking titingnan at ia-update mo ang bersyon ng Android ng iyong mobile device.

I-set up ang mga home control o ang home panel

Kung hindi mo pa nagagawa, gamitin ang iyong telepono para i-set up ang iyong mga smart device sa Google Home app. Awtomatikong idaragdag ang mga tugmang device sa mga home control, at idaragdag sa home panel ang mga tugmang device na idaragdag mo sa iyong mga paborito sa Google Home app Google Home app.

Kontrolin ang mga nakakonektang device

Mga home control (Android 11 o mas bago):

Kung walang home panel ang iyong mobile device, i-hold ang power button para ma-access ang mga kontrol ng device. Para magdagdag pa ng mga device, pumunta sa screen ng mga home control at i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Magdagdag ng mga kontrol.

Home panel (mga Pixel device na gumagamit ng Android 13 o mas bago):

May home panel ang mga Pixel device na gumagamit ng Android 13 o mas bago. Para makontrol ang mga device at automation sa iyong listahan ng Mga Paborito sa Google Home , i-tap ang simbolo ng Google Home sa lock screen ng iyong device. Puwede ka ring mag-swipe pababa para buksan ang Mga Mabilisang Setting at pagkatapos ay i-tap ang Home.

Sa screen ng mga home control o sa home panel, magagawa mong:

  • Mag-on o mag-off ng mga device
  • Baguhin ang liwanag ng mga ilaw
  • Baguhin ang temperatura ng thermostat
  • Kumuha ng mga live na video mula sa mga camera
  • Mag-pause ng musika o mga video
  • Kontrolin ang mga smart lock

Tandaan: Ang mga lock lang na puwedeng i-unlock gamit ang Google Home app Google Home app ang puwede mong kontrolin. Kailangan mo ring i-unlock ang iyong telepono o tablet para ma-access ang mga sensitibong kontrol gaya ng mga camera at lock. Sa isang Pixel Tablet sa Hub Mode, tandaan ring magagawa ng kahit na sino sa iyong bahay na tingnan ang mga camera o i-access ang mga kontrol ng camera.

Tip: Sa unang beses na buksan mo ang mga home control o ang home panel sa iyong telepono o tablet, awtomatikong idaragdag dito ang mga tugmang device. Gamit ang Pixel Tablet, i-set up ang Hub Mode para makita ang mga live na camera at magawa ng lahat ng nasa bahay na kontrolin ang mga device kapag naka-lock at naka-dock ang iyong tablet. Kailangan mo pa ring i-unlock ang iyong tablet para makontrol ang mga sensitibong device at mabago ang mga setting.

Piliin kung aling mga device ang ipapakita sa mga home control o sa home panel

Mga home control (Android 11 o mas bago):

  1. Pindutin nang matagal ang Power button sa iyong telepono.
  2. Sa itaas ng mga kontrol sa kanan, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang mga kontrol.
  3. Para alisin ang isang device, i-tap ang checkbox sa tabi ng pangalan ng device. Para baguhin ang ayos ng isang device, i-drag ang pangalan ng device.
  4. I-tap ang I-save.

Home panel (mga Pixel device na gumagamit ng Android 13 o mas bago):

  1. Gisingin ang iyong telepono o tablet para ipakita ang lock screen.
    • Tip: Puwede mong pindutin ang Power button, i-tap ang screen, o iangat ang device.
  2. Mag-swipe pababa para buksan ang Mga Mabilisang Setting at pagkatapos ay i-tap ang Home, o i-tap ang icon ng Google Home sa lock screen.
  3. Mag-scroll pababa papunta sa button na "I-edit" at "Baguhin ang Ayos."
    • Para alisin ang isang device, i-tap ang I-edit at pagkatapos ay i-unlock ang iyong device kung kinakailangan at pagkatapos ay i-tap ang checkbox sa tabi ng pangalan ng device.
    • Para baguhin ang ayos ng mga device, i-tap ang Baguhin ang ayos at pagkatapos ay i-unlock ang iyong device kung kinakailangan at pagkatapos ay i-tap at i-hold ang isang tile ng device at pagkatapos ay i-drag ito sa gustong lokasyon. Tip: Kung ie-edit mo ang mga device o kung babaguhin mo ang ayos ng mga ito rito, ia-update din ang mga ito sa tab ng mga paborito sa Google Home app Google Home app, at vice versa.
  4. I-tap ang I-save.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
32702792219189435
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false