Para matiyak na maayos na gumagana ang mga Google Home o Nest device, panatilihing malinis ang mga ito. Dahan-dahang alisan ng alikabok ang labas ng mga Home o Nest device gamit ang isang malambot at walang himulmol na tela.
Kung kailangan mong linisin nang husto ang iyong device, sundin ang mga rekomendasyong ito.
Mahalaga: Huwag direktang mag-spray ng tubig sa o gamitan ng mga panlinis na solution o pampakintab ang mga Nest thermostat, dahil kapag ginawa ito, posibleng masira ang iyong thermostat.
- Basain nang kaunti ang isang malambot at malinis na tela gamit ang tubig.
- Pigain ang labis na tubig mula sa tela.
- Dahan-dahang punasan ang display at mga gilid ng thermostat. Tiyaking walang maiipong patak ng tubig sa paligid ng ring o sa grill sa ibaba ng display.
Mahalaga: Huwag direktang mag-spray ng tubig, huwag ilubog, o huwag gumamit ng matapang na panlinis na solution o polish sa Mga Nest Temperature Sensor.
- Dahan-dahang punasan ang alikabok gamit ang medyo basang tela.
- Kung talagang marumi ito, gumamit ng isopropyl alcohol.
- Gumamit ng malambot at walang himulmol na tela. Huwag gumamit ng mga paper towel, tissue, o basahan para linisin ang iyong camera. Posibleng mag-iwan ng himulmol ang mga materyales na ito at posible nitong magasgas ang mga coating ng lens.
- Huwag linisin ang iyong camera gamit ang cleaner ng salamin para sa mga bintana at salamin, rubbing alcohol, o iba pang cleaner para sa bahay. Ang mga panlinis na fluid na ito ay posibleng may mga matapang na kemikal at posibleng mag-iwan ng residue.
- Huwag ilubog ang iyong camera sa tubig o sa anumang likido.
Linisin ang iyong Nest camera gaya ng paglilinis mo sa anumang high-quality optic. Kung patuloy na wala sa focus ang isang partikular na bahagi ng iyong video, tingnan kung may debris sa lens. Pinapalala rin ng maruming lens ang glare ng araw.
Mga indoor na camera
- Nest Cam Indoor
- Nest Cam IQ Indoor
- Nest Cam (battery) na na-install indoor
- Nest Cam Indoor (2nd gen)
- Nest Cam Indoor (wired, 3rd gen)
Linisin ang body
Punasan ito gamit ang isang malambot at medyo basang tela para alisin ang anumang alikabok o dumi.
Linisan ang lens
Dahan-dahang punasan ang anumang alikabok gamit ang isang malambot at walang himulmol na tela. Mainam ang mga panlinis na tela ng salamin sa mata at optics dahil hindi nasisira ng mga ito ang coating ng lens. Puwede ka ring gumamit ng compressed na air duster na gawa para sa electronics.
Para sa mga dumi na mahirap tanggalin tulad ng mga nagmarkang fingerprint, basain ng kaunti ang tela gamit ang isang patak ng cleaning solution na ginagamit para sa mga camera o salamin sa mata.
Mga outdoor na camera
- Nest Cam Outdoor
- Nest Cam IQ Indoor
- Nest Cam (battery) na na-install outdoor
- Nest Cam Outdoor (wired, 2nd gen)
Sa paglipas ng panahon, posibleng magkaroon ang iyong outdoor na camera ng alikabok, pollen, mga marka ng tubig, at iba pang debris.
Linisan ang lens
- Hawakan ang iyong camera sa lugar nito at dahan-dahang punasan ang lens ng camera mo gamit ang malambot at walang himulmol na tela. Puwede kang gumamit ng compressed air para alisin ang alikabok at mga particle.
- Para linisin ang mga marka ng tubig o iba pang bagay sa lens, medyo basain ang isang malambot na tela gamit ang tubig at punasan ang lens. Puwede ka ring gumamit ng isang patak ng panlinis na solution na ginawa para sa mga camera, salamin sa mata, at iba pang optics.
Linisin ang body, ang power adapter, o ang mga power cable
Bagama't idinisenyo ang mga outdoor na Nest camera para makayanan ang mga elemento, hindi namin nirerekomenda ang pag-spray dito gamit ang isang high-pressure na hose. Punasan ito gamit ang isang malambot na tela pagkatapos linisin para maiwasan ang mga marka ng tubig.
- Bunutin ang iyong camera sa saksakan.
- Medyo basain ang isang malambot na tela gamit ang tubig at kaunting dish soap.
- Hawakan nang mabuti ang iyong camera at dahan-dahang punasan ang surface nito gamit ang isang tela. Huwag hayaang malagyan ng sabon ang lens.
- Banlawan ang tela at punasan ulit ang mga surface para alisin ang mga natitirang sabon.
- Isaksak ulit ang iyong camera.
Linisin at alisin ang tubig sa magnetic connector ng Nest Cam (battery)
- Kung may accessory (tulad ng isang camera stand) na nakakonekta sa camera, idiskonekta ito.
- Gumamit ng tuyong tela o Q-tip para ma-absorb ang tubig na nasa magnetic connector hanggang matuyo ito.
- Gamitin ang parehong paraan para linisin ang connector ng anumang accessory ng camera bago mo ito i-attach ulit.
Sa paglipas ng panahon, posibleng magkaroon ang iyong video doorbell ng alikabok, pollen, marka ng tubig, at iba pang uri ng debris mula sa kapaligiran nito.
- Huwag gumamit ng mga paper towel, tissue, o basahan para linisin ang iyong doorbell. Posibleng mag-iwan ng himulmol ang mga materyales na ito at posible nitong magasgas ang mga coating ng lens.
- Huwag linisin ang iyong doorbell gamit ang cleaner ng salamin para sa mga bintana at salamin, rubbing alcohol, o iba pang cleaner para sa bahay. Ang mga panlinis na fluid na ito ay posibleng may mga matapang na kemikal at posibleng mag-iwan ng residue.
- Huwag ilubog ang iyong doorbell sa tubig o sa anumang likido.
Mga Nest doorbell
Bagama't idinisenyo ang mga Nest doorbell para makayanan ang mga elemento, hindi namin inirerekomenda ang pag-spray dito ng high pressure na hose. Punasan ito gamit ang isang malambot na tela pagkatapos ng paglilinis para maiwasan ang mga marka ng tubig na posibleng makaharang sa view ng camera.
Dahan-dahang punasan ang lens at body ng iyong camera gamit ang isang malambot at walang himulmol na tela. Puwede kang gumamit ng compressed air para alisin ang alikabok at mga particle.
Para linisin ang mga marka ng tubig o iba pang bagay sa lens, medyo basain ang isang malambot na tela ng tubig at punasan ang lens at body nito. Puwede ka ring gumamit ng isang patak ng panlinis na solution na ginawa para sa mga camera, salamin sa mata, at iba pang optics.
I-unplug ang device at power adapter nito bago mo ito linisin. Gayundin, i-unplug ito kapag kumikidlat o kapag hindi ito ginagamit sa loob ng matagal na panahon. Gumamit ng malinis, malambot at tuyong tela para linisin ang device at mga accessory nito.
Huwag gumamit ng anumang kemikal na sabon, powder, o iba pang chemical agent (tulad ng alcohol o benzene) para linisin ang device o mga accessory.
Tulad ng anumang smoke alarm, puwedeng masira ng pamumuo ng alikabok ang labas at loob ng iyong Nest Protect. Bilang bahagi ng karaniwang pangangalaga, linising mabuti ang labas at loob ng iyong Nest Protect.
Para sa regular na pangangalaga, punasan ang labas ng iyong Nest Protect gamit ang isang malambot at medyo basang tela. Kung kailangan mong linisin nang mabuti ang iyong Protect, alisin ito sa pader o kisame at sundin ang mga hakbang na ito.
Posibleng masira ang mga sensor ng Nest Protect ng mga karaniwang kemikal sa paglilinis, pintura, o masyadong maraming tubig.
- Huwag gumamit ng mga detergent o solvent (tulad ng panlinis ng salamin)
- Huwag mag-spray ng mga air freshener, hair spray, o iba pang aerosol malapit sa Nest Protect.
- Huwag hayaang pasukin ng tubig ang loob ng iyong Nest Protect
- Huwag pinturahan ang anumang bahagi ng iyong Nest Protect. Nababarahan ng pintura ang mga vent at nakakaapekto ito sa kakayahan nitong mag-detect ng usok at carbon monoxide
Linisin ang smoke chamber
May iba't ibang tagubilin sa paglilinis para sa smoke chamber ng mga 1st at 2nd generation Nest Protect.
2nd gen na Nest Protect
- Alisin ang iyong Nest Protect sa pader o kisame. Pihitin ito nang pa-counter clockwise hanggang sa maalis ito sa backplate. I-detach ang power connector kung kinakailangan.
- Punasan ang labas nito gamit ang isang malinis at medyo basang tela. Huwag gumamit ng anumag sabon o solvent.
- Ipatong ang Nest Protect sa isang malambot at tuyong tela nang nakaharap paibaba ang button ng Nest. Buksan ang takip ng compartment ng baterya at alisin ang mga baterya. Idinisenyo ang takip para manatiling nakabukas hanggang sa mapalitan ang lahat ng ito.
- Alisin ang mga screw at iangat ang likod nito.
- Dahan-dahang i-vacuum ang loob. Tiyaking linisin ang lahat ng paligid ng mesh ng smoke chamber (ang malaking pabilog na metal).
Tip: Bago mo i-mount ulit ang iyong Protect, mainam kung lilisin mo ang bahagi kung saan ito nakakonekta sa pader o kisame.
1st gen na Nest Protect
- Alisin ang iyong Nest Protect sa kisame o pader.
- Pihitin ito nang pa-counter clockwise
- Kung naglilinis ka ng wired Protect, dahan-dahang hilahin at i-unplug ang mga connector
- Punasan ang labas ng Nest Protect gamit ang isang malinis at medyo basang tela. Huwag gumamit ng anumag sabon o solvent.
- Ipatong ang iyong Protect sa isang malambot at tuyong tela nang nakaharap paibaba ang button ng Nest. Puwede mong isandal ang isang bahagi para hindi mo aksidenteng mapindot ang button.
- I-unscrew ang likod ng iyong Protect. Mag-ingat na hindi mawala ang alinman sa mga screw.
- Alisin ang mga baterya.
- Para linisin ang takip ng baterya, gumamit ng latang may dry at compressed air (ang uring ginagamit para maglinis ng mga keyboard ng computer). Sa pamamagitan ng paghawi na paggalaw, i-spray ang keyboard mula sa isang sulok ng takip ng baterya pupunta sa isa pang sulok.
- Tiyaking hipan ang smoke chamber, ang malaking bilog sa gitna ng iyong Protect. Dahan-dahang hipan ito ng hangin sa lahat ng bahagi nito. Huwag subukang alisin mismo ang smoke chamber.
- Tapusin ito sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin sa iyong Protect, tulad ng ginawa mo sa takip ng baterya.
- Ibalik ang mga baterya sa iyong Protect. Maghintay ng isang minuto, hanggang sa marinig mo ang "Kumusta, mula sa Nest."
- Kung hindi pa nagsalita ulit ang Nest, i-screw ang takip ng baterya.
- Kung magsisimula itong mag-alarm o mag-chirp, posibleng kailanganin mong bugahan ulit ito ng ilan pang compressed air.
Tip: Bago mo i-mount ulit ang iyong Protect, mainam kung lilisin mo ang bahagi kung saan ito nakakonekta sa pader o kisame.
- Huwag gumamit ng mga solvent o matapang na panlinis. Sinisira nito ang protective na clear coat finish.
- Iwasan ang mga panlinis na produktong may label na inaalis ng mga ito ang mantsa at kalawang o may asido ang mga ito.
Linisin ang lock
- Basain nang kaunti ang isang malambot at malinis na tela gamit ang tubig. Puwede kang gumamit ng banayad na sabon para alisin ang langis na namuong dumi. Pigain ang labis na tubig mula sa tela.
- Dahan-dahang punasan ang screen sa labas kasama ang mga gilid ng keypad para maalis ang mga fingerprint.
- Dahan-dahang punasan ang likod ng lock. Tiyaking walang mamumuong patak ng tubig sa thumb turn at takip ng baterya.