Mahalaga: Kung gumagamit ka ng Gemini for Home, suriin ang Mga FAQ sa Privacy ng Nest para malaman kung paano gumagana ang Gemini for Home sa iyong mga smart device.
Sa pag-set up ng Google Assistant, puwedeng may ipa-on sa iyo na ilang setting ng kontrol ng aktibidad. Puwede ring ipa-on sa iyo ang ilan sa mga setting na ito kung natanggap mo ito o kung may natanggap kang katulad na mensahe sa iyong Nest device: “Para makatanggap ng tulong para diyan, kakailanganin mong magbigay sa akin ng higit pang impormasyon."
Mahalaga: Tiyaking naka-sign in ka sa Google Account na naka-link sa iyong speaker o display.
Posibleng hilingin sa iyo ng Assistant mo na i-on ang mga setting na ito:
- Kasama sa Aktibidad sa Web at App ang iyong aktibidad sa mga site at app ng Google. Nakakatulong ang impormasyong ito sa iyong Assistant na magbigay ng higit pang naka-personalize na experience at suhestyon, at pahusayin ang mga serbisyo at teknolohiya ng Google para sa lahat.
- Nagse-save ang impormasyon ng app mula sa iyong mga device ng impormasyon mula sa mga naka-sign in mong device tungkol sa mga naka-install na app para mas madaling maka-interact ang mga ito. Alamin kung paano pamahalaan mula sa iyong mga device ang impormasyon ng app sa device.
- Nagse-save ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan mula sa iyong mga device ng impormasyon mula sa mga naka-sign in mong device tungkol sa iyong mga contact para mas madaling maka-interact ang mga ito. Alamin kung paano pamahalaan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan mula sa iyong mga device.
- Sine-save ng aktibidad sa boses at audio ang mga recording ng audio mula sa mga interaction mo sa Google Search, Google Assistant, at Maps sa iyong Google Account para makatulong na pahusayin ang pagkilala sa audio, pati ang mga teknolohiya para makatulong na bawasan ang mga hindi sinasadyang pag-activate. Alamin kung paano pamahalaan ang mga recording ng audio sa iyong Aktibidad sa Web at App.
Kapag na-on mo ang mga setting na ito, ino-on mo ang mga ito para sa iyong Assistant at iba pang serbisyo ng Google na ginagamit mo.
I-on o i-off ang mga setting
Sundin ang mga hakbang na ito:
- Sa iyong device, pumunta sa Google Account mo. Posibleng kailanganin mong mag-sign in sa iyong account.
- Puwede mong i-on o i-off ang mga setting na ito:
Pamahalaan ang aktibidad ng iyong Google Assistant mula sa Home app
Puwede mong tingnan ang history ng aktibidad ng Google Assistant gamit ang Home App. May mga opsyon kang maghanap ng mga detalye tungkol sa mga partikular na aktibidad, o i-delete ang mga ito sa iyong history.
Tingnan ang iyong history ng aktibidad ng Google Assistant
- Buksan ang Google Home app
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
- I-tap ang Mga setting ng Home
Privacy
History ng home.
Tingnan ang mga detalye ng isang aktibidad
Puwede mong tingnan ang mga detalye ng isang aktibidad, gaya ng kung kailan nangyari ang aktibidad at kung anong device ang ginamit.
Sa tabi ng aktibidad sa iyong history, i-tap ang Menu
Mga Detalye.
Mag-delete ng aktibidad sa iyong history
Sa tabi ng isang aktibidad sa iyong history, i-tap ang Menu
I-delete
I-delete.