Kung mayroon kang Nest Hub (2nd gen) kung saan naka-on ang Motion Sense, puwede mong i-on ang mga galaw para mabilis na gumawa ng mga aksyon sa iyong display. Puwede mo ring i-on ang Sleep Sensing para masubaybayan ang iyong pagtulog at makapagbigay sa iyo ng mga naka-personalize na insight at tip, para magising ka na nakapagpahinga at maaliwalas ang pakiramdam.
Gumagamit ang Motion Sense ng low-energy radar para mag-detect ng paggalaw tulad ng paghinga at mga galaw. Pinapagana ito ng Soli.
Hindi camera ang Motion Sense. Kapag naka-on ito at aktibo, hindi gagawa o gagamit ng anumang nakikilalang larawan ng katawan o mukha ng tao para sa Sleep Sensing o pag-detect ng galaw.
Sa Nest Hub (2nd gen), puwede mong i-on o i-off ang Motion Sense para simulan o ihinto ang pag-detect ng paggalaw.
Kailangang naka-on ang Motion Sense para makapagsagawa ng Quick Gestures at Sleep Sensing.
- Mula sa ibaba ng iyong Nest Hub (2nd gen) display, mag-swipe pataas.
- I-tap ang Mga Setting
Motion Sense
.