Mga Keyword
Ang mga keyword ay mga pariralang pinipili mo upang matukoy kung kailan at saan maaaring lumabas ang iyong ad. Itinutugma ang mga ito sa mga terminong hinahanap ng mga tao o sa nilalaman sa web na tinitingnan nila. Ang pagpili ng mga keyword na malapit na nauugnay sa mga ad mo ay makakatulong sa iyong abutin ang mga customer na naghahanap ng iniaalok ng negosyo mo.