Mamahala ng mga diskarte sa pag-bid sa Google Ads Editor

Available ang mga sumusunod na diskarte sa pag-bid sa Google Ads Editor. Maaari kang gumamit ng mga diskarte sa pag-bid para sa mga bago o kasalukuyang campaign sa iyong account:

  • Target na ROAS
  • Target na CPA
  • Target na bahagi ng impression
  • Pag-maximize sa mga conversion
  • Pag-maximize ng halaga ng conversion
  • Pag-maximize sa mga pag-click
  • Manual na CPC
  • Manual na CPM
  • Manual na CPV

Maaari ka ring maglapat ng anumang portfolio na diskarte sa pag-bid sa mga campaign sa iyong account. Hindi maaaring gawin sa Editor ang mga bagong portfolio na diskarte sa pag-bid.

Tingnan at i-edit ang mga diskarte sa pag-bid

Para tingnan ang mga kasalukuyang diskarte sa pag-bid sa isang account, sumangguni sa dalawang column sa tab na Mga Campaign: Uri ng diskarte sa pag-bid at Diskarte sa pag-bid.

Para i-edit ang mga diskarte sa pag-bid para sa isa o higit pang item sa isang account, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Piliin ang tab na Mga Campaign.
  2. Pumili ng isa o higit pang campaign sa view ng data.
  3. Sa panel sa pag-edit, i-click ang link na I-edit sa seksyong “Diskarte sa pag-bid.”
  4. Piliin ang diskarte sa pag-bid na gusto mong ilapat.
  5. I-click ang OK.

Mag-import ng mga diskarte sa pag-bid nang maramihan

Para mag-update ng maraming diskarte sa pag-bid gamit ang pag-import ng CSV o tool na "Gumawa ng maraming pagbabago" para sa mga campaign, isama ang mga column na "Uri ng diskarte sa pag-bid" at "Diskarte sa pag-bid" sa iyong listahan ng mga item na idaragdag o ia-update.

Ang sumusunod na halimbawa ay nagpapakita ng pag-import ng campaign na may impormasyon ng diskarte sa pag-bid.

Campaign Uri ng Diskarte sa Pag-bid Pangalan ng Diskarte sa Pag-bid Pinahusay na CPC Target na CPA Target na ROAS Limitasyon sa maximum CPC na bid
Campaign na gumagamit ng Manual na CPC Manual na CPC   Naka-enable      
Campaign na gumagamit ng Manual na CPM Manual na CPM          

Campaign na gumagamit ng Manual na CPV

 

Manual na CPV          
Campaign na gumagamit ng Pag-maximize sa mga conversion Pag-maximize sa mga conversion          
Campaign na gumagamit ng Target na CPA Target na CPA     12.34    
Campaign na gumagamit ng Target na ROAS Target na ROAS       12.34%  
Campaign na gumagamit ng Pag-maximize sa mga pag-click Pag-maximize sa mga pag-click   Naka-enable     12.34
Campaign na gumagamit ng diskarte sa portfolio   Aking diskarte sa portfolio        

Narito ang ilang tatandaan tungkol sa pagsasama ng mga diskarte sa pag-bid sa mga pag-import:

  • Para maglapat ng mga portfolio na diskarte sa pag-bid, gamitin ang column na “Pangalan ng Diskarte sa pag-bid.” Kapag may value sa column na ito, babalewalain ng Google Ads Editor ang column na “Uri ng diskarte sa pag-bid.”
  • Para gumamit ng mga karaniwang diskarte sa pag-bid, gamitin ang column na “Uri ng diskarte sa pag-bid.” Halimbawa, maaari mong ilagay ang “Target na CPA” para gumamit ng karaniwang diskarte sa pag-bid na Target na CPA.
  • Case sensitive ang mga portfolio na diskarte sa pag-bid sa column ng diskarte sa pag-bid. Halimbawa, kung may diskarte sa pag-bid na tinatawag na "Aking Diskarte sa Pag-bid" ang iyong nakabahaging library sa Google Ads, hindi makikilala ng Google Ads Editor ang "aking diskarte sa pag-bid" bilang kaparehong diskarte.
Sa Google Ads Editor, maaari kang maglapat ng iba't ibang kumbinasyon ng diskarte sa pag-bid para sa mga campaign, ad group, at keyword. Gayunpaman, ilang partikular na kumbinasyon lang ang pinapayagan ng Google Ads. Makakakita ka ng mensahe ng babala kung susubukan mong mag-post ng diskarte sa pag-bid na hindi pinapayagan ng Google Ads.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4407654653371233219
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false