Ayusin ang mga isyu sa iyong mga ad at keyword

Kung posibleng lumalabag ang iyong mga ad o keyword sa mga patakaran ng Google Ads, maaari mong gamitin ang Google Ads Editor para malaman kung bakit, at sa ilang pagkakataon, para humingi ng pagbubukod.

Maaari mo ring hanapin ang mga ad o keyword na hindi naaprubahan pagkatapos ma-post at alamin ang mga dahilan ng hindi pag-apruba.

Ayusin ang mga isyu sa patakaran bago i-post ang iyong mga ad o keyword

Lalabas nang may tandang padamdam (!) ang mga ad o keyword na maaaring lumalabag sa ilang partikular na patakaran kung hindi mapo-post ang mga ito. Piliin ang mga ad o keyword para malaman ang paglabag sa patakaran at maitama ito bago i-post.

Paghiling ng mga pagbubukod

Kung na-flag ang iyong ad dahil sa paglabag sa patakaran bago ito ma-post, maaari kang humiling ng pagbubukod. Para gawin ito, piliin ang mga ad o keyword na gusto mong ibukod, at i-click ang Humiling ng pagbubukod sa panel sa pag-edit.

Alamin kung bakit hindi naaprubahan ang iyong mga ad o keyword

Kung nag-post ka ng mga ad o keyword at hindi naaprubahan ang mga ito, hindi ka makakahiling ng pagbubukod -- kakailanganin mong ayusin ang mga isyu bago maihatid ang mga ito.

Para sa mga ad o keyword na hindi naaprubahan, makikita mo ang mga dahilan ng hindi pag-apruba sa Google Ads Editor. Para humanap ng pangkat ng mga ad na lumabag sa isang partikular na patakaran o kinakailangan, piliin ang “Mga dahilan ng hindi pag-apruba” sa box para sa advanced na paghahanap .

Mga kaugnay na link

Tungkol sa proseso ng pag-apruba sa ad
Mag-ayos ng hindi naaprubahang ad

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9805046482614172206
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false