Magdagdag ng mga asset para sa promosyon

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Ads Editor na magdagdag ng mga asset para sa promosyon sa mga antas ng campaign at ad group. Ginagawang kapansin-pansin ng mga asset para sa promosyon ang iyong alok para makita ng mga potensyal na customer ang magagandang deal at makakuha ng mga bagong benta para sa negosyo mo.

Gumawa ng asset para sa promosyon

Pinapamahalaan ang mga asset para sa promosyon sa Nakabahaging library. Dapat gawin ang mga ito sa Nakabahaging library bago maidagdag ang mga ito sa mga campaign at ad group. Para gumawa ng bagong asset para sa promosyon, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Nakabahaging library sa ilalim ng listahan ng uri.

  2. Piliin ang Mga nakabahaging asset para sa promosyon sa kaliwang panel.

  3. I-click ang Magdagdag ng nakabahaging asset para sa promosyon, sa itaas ng view ng data.

  4. Tiyaking napili ang bagong asset sa view ng data at idagdag ang impormasyon ng asset sa panel sa pag-edit.

Magdagdag ng asset para sa promosyon sa campaign o ad group

  1. Sa account tree, piliin ang campaign o ad group kung saan mo gustong idagdag ang asset.

  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga asset ng ad, at pagkatapos ay ang Mga asset para sa promosyon.

  3. Sa itaas ng view ng data, i-click ang Magdagdag ng mga asset para sa promosyon at piliin ang Asset para sa promosyon ng campaign o Asset para sa promosyon ng ad group sa drop-down na menu.

  4. Piliin sa listahan ang asset na gusto mong idagdag.

  5. I-click ang OK.

Mag-edit ng asset para sa promosyon

Pinapamahalaan ang mga asset para sa promosyon sa Nakabahaging library, na ang ibig sabihin, kapag binago ang asset, maa-update ang lahat ng campaign at ad group kung saan idinagdag ang asset na iyon. Para mag-edit ng asset para sa promosyon, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Nakabahaging library sa ilalim ng listahan ng uri.

  2. Piliin ang Mga nakabahaging asset para sa promosyon sa kaliwang panel.

  3. Pumili ng asset sa view ng data.

  4. I-edit ang impormasyon ng asset sa panel sa pag-edit.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11663389348880791364
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false