Gumawa ng mga pagbabago sa maraming account

Magagamit mo ang Google Ads Editor upang mag-import ng CSV file sa maraming account at mag-export ng mahigit sa isang account sa iisang CSV file. 

Mga Tagubilin

Mag-export ng maraming account sa isang file

Maaari kang mag-export ng maraming account sa isang CSV file. Ganito ito gawin:

  1. Mula sa accounts manager, pumili ng isa o higit pang account.
  2. I-click ang I-export.
  3. Sa bubukas na window, maglagay ng pangalan para sa iyong file at pumili ng uri ng file.
  4. I-click ang I-save.
Tandaan
Upang palaging magsama ng column ng account sa iyong mga pag-export, i-click ang Mga Setting, pagkatapos ay Pangkalahatan, at lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Palaging magsama ng column ng account sa mga pag-export ng CSV/ZIP.”

Mag-import ng file sa maraming account

Makakagawa ka ng mga pagbabago sa maraming account sa pamamagitan ng pag-import ng isang CSV file. May dalawang paraan upang magawa ito. 

Kung may CSV o ZIP file ka na mayroong column ng account na may isang listahan ng mga Customer ID, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mula sa accounts manager, i-click ang Mag-import.
  2. Piliin ang “Mula sa file.”
  3. Piliin ang file na gusto mong i-import.
  4. I-click ang Buksan.
  5. Sa lalabas na window, i-click ang Tapusin at suriin ang mga pagbabago.

Kung walang column ng account ang iyong CSV o ZIP file, o kung gusto mong gumamit ng mga advanced na feature, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mula sa accounts manager, i-click ang Mag-import.
  2. Piliin ang “Mag-paste ng text.”
  3. Sa kanan, i-paste ang iyong data sa grid. Isama ang mga heading ng column sa wikang English o manual na pumili ng mga heading mula sa mga drop-down na menu sa itaas ng grid.
  4. Sa kaliwa, pumili ng isa sa mga opsyong ito:
    1. “Ang aking data ay may impormasyon ng account:” Gamitin ang opsyong ito kung nagpe-paste ka ng data na may column ng account.
    2. “Gumamit lang ng data na may mga account na tumutugma sa mga pinili sa ibaba:” Piliin ang opsyong ito kung nagpe-paste ka ng data na may column ng account ngunit gusto mong pumili ng subset ng mga account na iyon kung saan ii-import ang iyong file. Mai-import lang ang data sa mga account na naka-check, kahit na nakalista ang mga naka-uncheck na account sa file. Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na mag-import ng data sa ilang partikular na account nang hindi na gumagawa pa ng mga pagbabago sa column ng account sa file mo.
    3. “Gamitin ang mga piniling account:” Gamitin ang opsyong ito kung walang column ng account ang iyong file o kung ayaw mong gamitin ang column na iyon sa pag-import. Dito, mai-import ang lahat ng iyong row sa bawat account na pipiliin mo.
  5. I-click ang Iproseso.
  6. Upang i-import ang iyong mga pagbabago nang hindi na sinusuri ang mga ito, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Awtomatikong tanggapin ang lahat ng na-import na pagbabago.” Upang suriin ang iyong mga pagbabago, iwanang naka-uncheck ang kahon. 
  7. I-click ang Tapusin.
     

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11359056953870409052
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false