Gumawa at mag-edit ng mga asset para sa app

Puwede mong gamitin ang Google Ads Editor para magdagdag at magbago ng mga asset para sa app sa mga level ng campaign at ad group. Itinatampok ng mga asset para sa app ang iyong mobile o tablet app sa pamamagitan ng pagpapakita ng link sa iyong app sa ibaba ng iyong ad. 

Bago ka magsimula

Bago mag-set up ng asset para sa app, siguraduhing nasa iyo ang lahat ng sumusunod na item:

  • Mobile app na live sa Google Play o sa Apple App Store
  • Ang Pangalan ng Package (Android) o ang App ID (iOS) para sa iyong mobile app
  • Ang URL ng page na nasa app store kung saan puwedeng matuto pa ang mga user tungkol sa app o kung saan sila puwedeng mag-click para ma-install ang app

Gumawa ng asset para sa app​

Pinapamahalaan sa Nakabahaging library ang mga asset para sa callout. Dapat gawin ang mga ito sa Nakabahaging library bago maidagdag ang mga ito sa mga campaign at ad group. Para gumawa ng bagong asset para sa app, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Nakabahaging library sa ilalim ng listahan ng uri.
  2. Piliin ang Mga nakabahaging asset para sa app sa kaliwang panel.
  3. I-click ang Magdagdag ng nakabahaging asset para sa app, sa itaas ng view ng data.
  4. Tiyaking napili ang bagong asset sa view ng data at idagdag ang impormasyon ng asset sa panel sa pag-edit. 

Magdagdag ng asset para sa app sa campaign o ad group

  1. Sa account tree, piliin ang campaign o ad group kung saan mo gustong idagdag ang asset.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga asset ng ad, at pagkatapos ay ang Mga asset para sa app.
  3. Sa itaas ng view ng data, i-click ang Magdagdag ng asset para sa app at piliin ang Asset para sa app ng campaign o Asset para sa app ng ad group sa drop-down na menu.
  4. Piliin sa listahan ang asset na gusto mong idagdag.
  5. I-click ang OK.

Mag-edit ng asset para sa app

Pinapamahalaan ang mga asset para sa app sa Nakabahaging library, na ang ibig sabihin, kapag binago ang asset, maa-update ang lahat ng campaign at ad group kung saan idinagdag ang asset na iyon. Para mag-edit ng asset para sa app, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Nakabahaging library sa ilalim ng listahan ng uri.
  2. Piliin ang Mga nakabahaging asset para sa app sa kaliwang panel.
  3. Pumili ng asset sa view ng data.
  4. I-edit ang impormasyon ng asset sa panel sa pag-edit.

Tandaan

Ipinapakita ang lahat ng nakabahaging item sa level ng account sa Nakabahaging library kahit na ilang campaign lang ang na-download. Hindi magpapakita ng mga nakabahaging asset para sa app ang mga pag-uugnay para sa mga campaign na hindi pa nada-download. Bago mag-alis ng mga asset para sa app sa view na Mga nakabahaging asset para sa app, siguraduhing hindi nauugnay ang mga ito sa anumang hindi na-download na campaign.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
255143616410529630
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false