Mag-upload ng mga HTML5 na image ad

Puwedeng maglaman ng HTML5 ang mga image ad para gumawa ng mga naka-animate na larawan at iba pang feature. Nagbibigay-daan sa iyo ang maingat na paggamit sa HTML5 na gawing mas kawili-wili at interactive ang mga ad mo. Sundin ang mga hakbang na ito para mag-upload ng mga HTML5 file sa isang image ad o ad ng app sa Google Ads Editor.

Mga Tagubilin

Mag-upload ng mga HTML5 file para sa mga image ad

  1. Sa account tree, piliin ang account kung saan mo gustong magdagdag ng mga HTML5 na asset.
  2. Sa ilalim ng "Pamahalaan," piliin ang Mga Ad, at pagkatapos ay i-click ang Mga image ad.
  3. Sa view ng data, pumili ng isa o higit pang ad.
  4. Sa panel sa pag-edit, i-click ang thumbnail na larawan para buksan ang panel na "Larawan" sa kanan.
  5. Piliin ang HTML5.
    1. Para magdagdag ng bagong HTML5 na asset, i-click ang +Magdagdag sa ibaba (dapat naka-compress sa isang .zip file ang mga file).
    2. Para pumili ng kasalukuyang HTML5 na asset, pumili ng isa mula sa listahan sa panel na "Larawan."

Tandaan

Hindi tumatanggap ang Google Ads Editor ng mga Flash file para sa mga image ad.

Mag-upload ng mga HTML5 file para sa mga ad ng app

Puwede kang mag-upload ng mga HTML5 na asset para sa "mga ad ng app para sa pag-install."

  1. Sa account tree, piliin ang account kung saan mo gustong magdagdag ng mga HTML5 na asset.
  2. Sa ilalim ng "Pamahalaan," piliin ang Mga Ad, at pagkatapos ay i-click ang Mga ad ng app para sa mga pag-install.
  3. Sa panel sa pag-edit, sa ilalim ng "HTML5" i-click ang HTML5 na kahon. 
  4. Magbubukas sa kanan ang panel ng pagpipilian kung saan puwede kang pumili mula sa mga dating nagamit na HTML5 file o i-click ang +Magdagdag para magdagdag ng bagong file mula sa iyong computer.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10847272458002784985
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false