Gumawa at mag-edit ng mga TrueView na video campaign

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Ads Editor na gumawa at mamahala ng mga TrueView na video campaign, pati na rin mag-edit ng mga setting ng iyong video campaign. Ang mga TrueView na video ad ay isang interactive na paraan para makipag-ugnayan sa iyong mga customer sa YouTube at sa buong Internet. Tandaang bagama't sinusuportahan ang mga campaign na TrueView for action, kasama na ang mga call-to-action (CTA), at headline text, hindi sinusuportahan ang TrueView para sa shopping campaign.

Gumawa ng video campaign

  1. Sa account tree, piliin ang account kung saan mo gustong lumabas ang video campaign.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga Campaign.
  3. I-click ang Magdagdag ng campaign sa itaas ng view ng data.
  4. Piliin ang bagong campaign sa view ng data.
  5. Piliin ang Video, Video - Humimok ng mga pagkilos, Video - Mga bumper ad, o Video - Outstream mula sa drop-down na menu na “Uri ng campaign.”

Mag-edit ng video campaign

  1. Sa account tree, piliin ang account na naglalaman ng campaign na gusto mong i-edit.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga Campaign.
  3. Piliin ang campaign na gusto mong i-edit.

Pagkatapos, maaari mong baguhin ang iyong mga setting, gaya ng pagdaragdag ng mga pagbubukod sa content, na nagbibigay-daan sa iyong tukuyin kung saan mo hindi gustong lumabas ang iyong mga ad.

  1. Upang magdagdag ng mga pagbubukod sa content, i-click ang I-edit sa ilalim ng seksyong “Mga pagbubukod sa content.”
  2. Piliin ang mga kategorya ng mga site, content o mga placement ng ad kung saan mo hindi gustong lumabas ang iyong mga ad.
  3. I-click ang OK.

Maaari mong baguhin ang iyong mga network setting sa pamamagitan ng pag-click sa Mga setting ng video at pagpili sa Paghahanap sa Youtube, Mga Video sa YouTube o Magsama ng mga kasosyo sa video. At puwede mong gawing “Manual na CPV” ang iyong diskarte sa pag-bid gamit ang drop-down na menu sa ilalim ng seksyong “Diskarte sa pag-bid.”

Gamit ang mga video ad, may opsyon kang magtakda ng Pang-araw-araw na badyet o Kabuuang badyet ng Campaign. Tandaang hindi mo na mababago ang uri ng badyet kapag nagawa na ang isang campaign.

Susubukang gastusin ng Google Ads ang iyong kabuuang badyet nang pantay-pantay sa loob ng tagal ng campaign mo, habang isinasaalang-alang ang mga araw na mas mataas o mas mababa ang trapiko upang ma-optimize ang performance ng iyong campaign. Halimbawa, sabihin na nating mas kakaunti ang panonood na nakukuha ng iyong video campaign tuwing Lunes at Martes at mas maraming panonood tuwing weekend. Io-optimize ng Google Ads ang performance sa pamamagitan ng paggastos nang mas malaki sa mga araw kung kailan malamang na makakuha ng mas maraming panonood ang iyong video, habang pinapanatiling nasusubaybayan ang mga kabuuang layunin ng badyet.

Sa kabuuang badyet ng campaign, sisingilin ka lang hanggang sa halagang inilagay mo para sa isang campaign, kahit na maghatid ang Google Ads ng mas maraming panonood o impression kaysa sa pinapayagan ng iyong badyet.

Gumawa o mag-edit ng mga ad group

  1. Sa account tree, piliin ang account na naglalaman ng campaign na gusto mong i-edit.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga ad group.
  3. I-click ang Magdagdag ng ad group upang gumawa ng bagong ad group, o kaya naman ay pumili ng kasalukuyang ad group na ie-edit.

Pagkatapos, maaari mong i-edit ang iba't ibang field, kabilang ang pagsasaayos ng bid sa nangungunang content. Nagbibigay-daan ito sa iyong magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa content na nasukat ng aming system na mas popular, may potensyal na magkaroon ng mas maraming impression bawat araw, at nakakakuha ng mas mataas na antas ng trapiko at pakikipag-ugnayan ng manonood.

Kung gumagawa ka ng bagong ad group, puwede kang pumili ng isa mula sa dalawang uri: in-stream at Video discovery.

Gumawa at mag-edit ng mga video ad

  1. Sa account tree, piliin ang account kung nasaan ang campaign na gusto mong i-edit.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga Ad.
    • Kung “In-stream” ang setting ng format ng iyong ad group, piliin ang Mga in-stream na TrueView video ad.
    • Kung “In-stream” ang setting ng format ng iyong ad group at matatagpuan ito sa isang campaign na “Video - Humimok ng mga pagkilos,” piliin ang Mga in-stream na TrueView video ad. Kapag gumagawa ng iyong ad, tiyaking magsama ng call-to-action (mandatoryo) at headline (opsyonal).
    • Kung “Video discovery” ang setting ng format ng iyong ad group, piliin ang Mga TrueView video discovery na ad.
    • Kung “Bumper” ang setting ng format ng iyong ad group, piliin ang Mga bumper na video ad.
    • Kung “Outstream” ang setting ng format ng iyong ad group, piliin ang Mga outstream ad.
  3. Puwede mong i-edit ang mga field sa panel sa pag-edit, gaya ng video ID, final URL at status. Puwede ka ring mag-upload ng larawan para sa iyong ad sa pamamagitan ng pag-click sa Pumili ng larawan sa seksyong “Kasamang banner.”

Tandaan:


Dapat tumugma ang format ng iyong ad sa uri ng ad group. Halimbawa, kung mayroon kang in-stream na ad group, puwede ka lang magkaroon ng mga in-stream na ad sa ad group na iyon.

Mahahalagang pagkakaiba sa pagitan ng Google Ads Editor at Google Ads

May ilang pangunahing pagkakaiba sa kung paano ka puwedeng gumawa at mag-edit ng mga TrueView na campaign sa Google Ads Editor at sa Google Ads. Tandaan ang mga sumusunod na pagkakaiba:

  • TrueView para sa mga shopping campaign: Hindi mo magagawa o mada-download ang mga campaign na ito sa Google Ads Editor sa ngayon.
  • Pag-target: Sa Google Ads, naka-target bilang default ang lahat ng demograpiko, bansa at teritoryo. Gayunpaman, hindi nakatakda ang mga default na ito sa Google Ads Editor. Sa halip, tina-target ng Google Ads Editor ang lokasyong pinili sa ilalim ng iyong mga default na setting ng campaign. Para mag-target ng higit pang lokasyon, idagdag ang mga iyon sa seksyong “Mga Lokasyon” sa ilalim ng “Mga keyword at pag-target.”

Tandaan:

Mahalagang magtakda ng pag-target sa demograpiko, gaya ng edad o kasarian, para sa bawat TrueView na campaign, kahit na nagpasya kang i-target ang lahat ng demograpiko. Hindi nagpi-preload ang Google Ads Editor ng anumang setting ng pag-target ayon sa demograpiko.

  • Mga pagbubukod ng content: Dapat nakatakda ang default na uri ng campaign ng Google Ads Editor sa video para maipakita ang mga pagbubukod ng content (“mga mature audience” at “hindi pa nare-rate ang content”). Kung may iba kang hanay ng uri ng campaign bilang default at gumawa ka ng video campaign, hindi matatakda bilang default ang mga pagbubukod ng content na iyon, gaya ng sa Google Ads.
  • Mga inalis na tracking pixel: Kapag na-edit mo ang iyong mga TrueView na video ad sa Google Ads Editor, hindi aalisin ang anumang URL na sumusubaybay ng pixel (kilala rin bilang mga beacon). Gayunpaman, kung mag-e-export o mag-i-import ka ng CSV o XML file, aalisin ang anumang URL na sumusubaybay ng pixel.
  • Overlay ng call-to-action: Hindi puwedeng gawin sa Google Ads Editor ang mga overlay ng call-to-action para sa mga video. Gayunpaman, sinusuportahan ang mga video ad na may mga CTA, gaya ng sa mga campaign na TrueView for action.
  • Mga pag-validate ng placement at video ID: Sa Google Ads, tinatanggihan ang mga nawawalang URL ng placement o video ID, pero puwedeng tanggapin ng Google Ads Editor ang mga iyon.
  • Pag-link sa YouTube account: Hindi ka puwedeng mag-link ng YouTube account mula sa Google Ads Editor.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4498098087612996461
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false