Magdagdag ng maraming keyword

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para makapagdagdag ng maraming keyword sa mga bago o kasalukuyang ad group.

Tandaan: Naaapektuhan ng mga pag-edit mo sa keyword ang mga keyword ID. Pareho pa rin ang ID at mga dating istatistika ng aktibidad sa mga pagkilos na tulad ng pag-edit ng keyword (tulad ng pagdaragdag o pag-aalis ng Final URL) o pag-aalis at pag-upload ulit ng keyword hangga't nananatiling pareho ang uri ng pagtutugma at text o string ng keyword. Gayunpaman, susuriin ulit ang iyong mga keyword dahil sa mga pagkilos na ito.

Hakbang 1: Ihanda ang iyong listahan ng keyword

Kung naghanda ka ng spreadsheet o text file na naglalaman ng iyong mga keyword, puwede mong kopyahin at i-paste ang listahan nang direkta sa Google Ads Editor.

Kinakailangan ang mga sumusunod na column:

  • Pangalan ng campaign (kung nag-a-update ka ng maraming campaign at ad group)
  • Pangalan ng ad group (kung nag-a-update ka ng maraming campaign at ad group)
  • Keyword

Opsyonal ang mga sumusunod na column:

  • Uri ng pagtutugma ng keyword: malawak (ito ang default), parirala, eksakto, negatibong malawak, negatibong parirala, o negatibong eksakto.
  • Maximum cost-per-click (CPC) na bid: Alisin ang column na ito o iwanan itong blangko para magamit ang default na bid sa ad group.
  • Final URL: Alisin ang column na ito o iwanan itong blangko para magamit ang final URL ng ad.
  • Status

Kung magsasama ka ng row na header ng column, nasa English dapat ang mga header ng column. Tumingin ng listahan ng mga madalas gamiting header ng column

Hakbang 2: Magdagdag ng mga keyword

  1. Piliin ang Mga Keywords sa listahan ng uri.
  2. I-click ang Gumawa ng maraming pagbabago.
  3. Pumili ng destinasyon para sa iyong mga bagong keyword:
    • Kung naghanda ka ng listahan ng mga keyword tulad ng inilalarawan sa itaas, piliin ang checkbox para isaad na may kasamang mga column para sa mga pangalan ng campaign at ad group ang impormasyon ng keyword mo.
    • Para pumili ng mga partikular na ad group, gamitin ang account tree.
  4. Ilagay ang listahan ng mga keyword.
  5. I-click ang Iproseso.
  6. Kung ma-prompt, magtalaga ng mga heading sa bawat column ng data. I-verify na tama ang mga heading, pagkatapos ay i-click ang Iproseso.
  7. I-click ang Tapusin at suriin ang mga pagbabago para makita ang iyong mga nakabinbing pagbabago.
  8. Para idagdag ang mga nakabinbing pagbabago, i-click ang Panatilihin ang mga iminungkahing pagbabago. Matutunan kung paano tanggapin o tanggihan ang mga indibidwal na iminungkahing pagbabago.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
594292464546451525
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false