Mga eksperimento ng campaign sa Google Ads Editor

Puwede kang mamahala ng mga eksperimento ng Google Ads campaign sa Google Ads Editor sa mga sumusunod na paraan:

  • I-download ang mga kasalukuyang eksperimento ng Google Ads campaign.
  • Maglapat at mag-edit ng status ng eksperimento (kontrol lang, eksperimento lang, kontrol at eksperimento) sa antas ng ad group, ad o keyword.
  • Ilapat at i-edit ang mga sumusunod na bid multiplier sa antas ng ad group: default na maximum CPC, maximum CPC sa Display Network, o maximum CPM.
  • Ilapat at i-edit ang mga maximum CPC na bid multiplier sa antas ng keyword.
  • Mag-import at mag-export ng status ng eksperimento at mga bid multiplier.

Para gumawa, mag-pause, o mag-alis ng eksperimento, o para magpakita ng na-segment na kontrol at mga istatistika ng eksperimento, mag-sign in sa Google Ads.

Narito ang ilang tala tungkol sa pamamahala ng mga eksperimento ng campaign sa Google Ads Editor:

  • Dapat na tumugma ang mga bid multiplier sa diskarte sa pagbi-bid ng campaign. Halimbawa, ang isang CPC campaign ay puwede lang magkaroon ng mga CPC bid multiplier, hindi mga CPM multiplier.
  • Kahit nagbibigay-daan sa iyo ang Google Ads Editor na i-edit ang iyong mga diskarte sa pag-bid para sa karamihan ng mga campaign, ad group, at keyword, hindi posibleng i-edit ang mga diskarte sa pag-bid sa mga campaign na may mga eksperimento.
  • Kung kokopya o mag-e-export ka ng mga item mula sa mga campaign na may mga eksperimento at ipe-paste ang mga item na iyon sa isang hindi pang-eksperimentong campaign o isang campaign na may ibang diskarte sa pag-bid, aalisin ang mga bid multiplier, kasama ng mga value ng status ng eksperimento, (halimbawa: kontrol lang at eksperimento lang).
  • Iwasang gumawa ng mga pagbabago sa mga orihinal at eksperimentong campaign nang magkasabay kapag naka-enable sa Google Ads Editor ang mga eksperimentong naka-enable ang pag-sync.

Sa Help Center ng Google Ads, puwede kang matuto pa tungkol sa mga eksperimento ng campaign, pati na kung paano mag-set up ng eksperimento.

Mag-edit ng mga pang-eksperimentong bid

Para magdagdag o mag-edit ng mga pang-eksperimentong bid para sa mga ad group at keyword sa Google Ads Editor, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Piliin ang Mga ad group o Mga Keyword.
  2. Sa "Data view," piliin ang mga ad group o keyword na ie-edit. Para maghanap ng mga partikular na ad group o keyword sa iyong account, gamitin ang "Tingnan ang menu" o advanced na paghahanap.
  3. I-expand ang panel na "Pang-eksperimentong bid" sa ibaba ng "Data view."
  4. Sa panel ng "Pang-eksperimentong bid," i-edit ang mga bid at bid multiplier para sa mga napiling ad group o keyword.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5016307957636940181
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false