Mga pang-eksperimentong bid sa Google Ads Editor

Kapag nagpatakbo ka ng eksperimento sa campaign, maaari kang magdagdag o mag-edit ng mga pang-eksperimentong bid para sa mga ad group at keyword sa Google Ads Editor. Gayunpaman, upang gumawa, mag-pause o mag-alis ng eksperimento sa campaign, dapat kang mag-sign in sa iyong Google Ads account. Para sa isang kumpletong pangkalahatang-ideya tungkol sa mga pang-eksperimentong bid at bid multiplier, bisitahin ang Help Center ng Google Ads.

Mag-edit ng mga pang-eksperimentong bid sa keyword

  1. Sa account tree, piliin ang account o campaign na naglalaman ng mga keyword na gusto mong i-edit.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga Keyword at Pagta-target > Mga Keyword.
  3. Sa view ng data, piliin ang mga keyword na ie-edit. Upang makahanap ng mga partikular na keyword sa iyong account, gamitin ang advanced na paghahanap.
  4. Palawakin ang panel ng Pang-eksperimentong bid sa ibaba ng view ng data.
  5. Sa panel ng Pang-eksperimentong bid, i-edit ang maximum CPC na bid o iwanang blangko ang field upang panatilihin ang default na bid sa ad group. Upang isaayos ang bid multiplier, maglagay ng porsyento para sa Multiplier ng max. CPC.

Mag-edit ng mga pang-eksperimentong bid sa ad group

  1. Sa account tree, piliin ang account o campaign na naglalaman ng mga ad group na gusto mong i-edit.
  2. Sa listahan ng uri, piliin ang Mga ad group.
  3. Sa view ng data, piliin ang mga ad group na ie-edit. Upang makahanap ng mga partikular na ad group sa iyong account, gamitin ang advanced na paghahanap.
  4. Palawakin ang panel ng Pang-eksperimentong bid sa ibaba ng view ng data.
  5. Sa panel ng Pang-eksperimentong bid, i-edit ang mga bid sa ad group o huwag baguhin ang mga ito. Upang isaayos ang mga bid multiplier, maglagay ng isa o higit pang mga porsyento para sa Default na multiplier ng max. CPC, multiplier ng max. CPC sa Display Network o Multiplier ng max. CPM.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3999660093725847541
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false