Paano mag-import at mag-export ng mga asset para sa imahe sa Editor

Sa Google Ads Editor, madali kang makakagawa ng mga pagbabago nang maramihan. May mga feature ang Editor na magbibigay-daan sa iyong mag-import at mag-export ng mga asset para sa imahe papunta at mula sa isang lokal na machine. Kung gusto mong matuto pa tungkol sa kung ano ang magagawa mo sa Editor, mag-browse sa help center ng Google Ads Editor.

Mga Tagubilin

Mag-import ng mga asset para sa imahe sa Editor

Isang animation na nagpapakita kung paano mag-import ng mga asset para sa imahe mula sa isang folder sa Google Ads.
  1. Sa iyong Google Ads Editor, pumunta sa “Account.”
  2. Sa ilalim ng “Account,” pumunta sa “Mag-import,” at i-click ang Mag-import ng mga asset para sa imahe mula sa mga file.
  3. Lalabas ang pop-up na “Mag-import ng mga asset para sa imahe sa folder.”
  4. I-click ang Pumili ng folder para piliin ang mga lokal na larawan na ii-import.
    • Tandaan: Kung walang valid na pangalan ang iyong mga asset para sa imahe, ii-import ng Editor ang mga ito nang may mga awtomatikong binuong pangalan. Para sa mga asset para sa imahe na may parehong pangalan, ii-import ng Editor ang mga ito nang may mga suffix.
  5. I-click ang Buksan kapag napili mo na ang folder kung nasaan ang mga larawan.
  6. I-click ang I-import.
  7. Bilang default, mai-import ang iyong mga file mula sa napiling path papunta sa root folder: “Nakabahaging Library” > “Library ng Asset.”
  8. Kapag nag-i-import ng mga asset, awtomatikong mai-import ang mga asset mula sa napiling folder. Kung kokopya ka ng file sa system ng file, awtomatiko itong ii-import ng Editor bilang bagong asset.
    • Tandaan: Kung ire-rename mo ang file, ire-rename din ng Editor ang asset sa iyong system. Kapag nag-delete ng mga file sa Editor, made-delete din ang mga file sa folder ng asset.

Mag-export ng mga asset para sa imahe sa Editor

Isang animation na nagpapakita kung paano mag-export ng mga asset para sa imahe sa mga file sa Google Ads.
  1. Sa iyong Google Ads Editor, pumunta sa “Account.”
  2. Sa ilalim ng “Account,” pumunta sa “Mag-export,” at i-click ang Mag-export ng mga asset para sa imahe sa mga file.
  3. Lalabas ang pop-up na “Mag-export ng mga asset para sa imahe sa folder.”
  4. I-click ang Pumili ng folder para piliin ang lokal na folder kung saan mo gustong i-export ang mga larawan.
    • Tandaan: Para sa mga asset para sa imahe na walang valid na pangalan, ie-export ng Editor ang mga ito nang may mga awtomatikong nabuong pangalan. Para sa mga asset para sa imahe na may parehong pangalan, ie-export ng Editor ang mga ito nang may mga suffix.
  5. I-click ang Buksan kapag napili mo na ang folder kung saan mo gustong i-export ang mga larawan.
  6. I-click ang I-export.
  7. Ie-export ang iyong mga larawan sa napiling path mula sa folder ng account.
    • Tandaan: Inirerekomendang pangalanan ang folder sa pag-export sa sumusunod na format ng pagpapangalan: “AccountName_CustomerId”.
  8. Kapag nag-e-export ng mga asset, awtomatikong mae-export ang lahat ng file mula sa napiling path. Kung kokopya ka ng file sa system ng file, awtomatiko itong ie-export ng Editor bilang bagong asset.
    • Tandaan: Kung ire-rename mo ang file, ire-rename din ng Editor ang asset sa iyong system. Kapag nag-delete ng mga file sa Editor, made-delete din ang mga file sa folder ng asset.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1233313934954081016
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false