Pamamahala sa iyong mga Smart campaign sa kabila ng COVID-19

Gusto ka naming tulungang maging kampanteng na-set up nang angkop ang iyong pag-advertise sa panahon ng COVID-19. Narito ang ilang pinakamahuhusay na kagawian sa kung paano gamitin ang mga Smart campaign ng Google Ads para tulungan ang iyong negosyo sa panahong ito.

Suriin ang iyong pangangailangan para sa pag-advertise 

  • Kung pansamantalang sarado ang iyong negosyo, i-pause ang iyong mga campaign at i-update ang Business Profile mo sa Google My Business.
  • Kung bukas pa rin ang iyong negosyo pero hindi ito ang pinakamagandang oras para mag-advertise, i-pause ang mga campaign mo. 
  • Kung bukas pa rin ang iyong negosyo, sulitin ang pera mo sa pag-advertise sa pamamagitan ng pagsunod sa aming mga tip sa ibaba.

Mabilis mong mapapagana ulit ang iyong mga campaign kapag oras na para sa negosyo mo.

Matuto pa tungkol sa pag-pause sa iyong campaign

Mga tip para sa iyong campaign

Isaalang-alang ang iyong badyet 

Pagdating sa iyong badyet, alam naming mahalaga ang bawat piso. Kung limitado ang iyong badyet sa ngayon, pero nakakatanggap ka pa rin ng mga tawag o mga pagbisita sa website mula sa mga ad mo, pag-isipang babaan ang iyong badyet, pero panatilihing aktibo ang mga campaign mo para makatulong na humimok ng maraming tao sa iyong negosyo hangga't posible. 

Kung nakakakita ka ng mas magagandang resulta mula sa iyong mga ad, pag-isipang taasan ang badyet mo -- kahit sa loob lang ng ilang araw -- para magkaroon ng mas maraming pakikipag-ugnayan. 

Matuto pa tungkol sa pag-update sa iyong badyet

Tiyaking ipinapakita ng iyong Google Ads ang mga iniaalok mo

Kung nagbago ng tuon ang iyong negosyo, tiyaking baguhin ang ad text mo para panatilihing updated ang iyong mga customer. Puwedeng kasama rito ang: 

  • Mga bagong alok tulad ng takeout, paghahatid, o curbside pickup
  • Na-update na mga oras ng negosyo, o mga espesyal na oras para sa ilang partikular na pangkat
  • Mga hakbang na isinasagawa para panatilihing ligtas ang mga empleyado at customer
  • Mga bagong online na tindahan, produkto, klase, o kakayahan sa pag-order
  • Libreng pagpapadala o na-update na mga oras ng paghahatid
  • Mga espesyal na alok o diskwento
  • Mga pagbili ng gift card 

Kung mayroon kang Google My Business account, tiyaking isaayos ang mga oras at serbisyo ng iyong negosyo sa Business Profile mo, para makasabay sa mga pagbabago ang mga customer na naghahanap sa iyo sa Search at Maps.

Tip: I-update ang iyong website para ipakita rin ang mga pagbabagong ito. Makakatulong itong tiyakin sa iyong mga customer na bukas ang negosyo mo, at available pa rin ang mga produkto at serbisyong nakikita nila sa iyong mga ad.

Iangkop ang iyong tono

  • Maging mas maingat sa kung ano ang posibleng maramdaman ng mga tao sa ilang partikular na salita. Suriin ulit ang paggamit mo ng mga salitang tulad ng “proteksyon,” “pagpapatingin,” “pag-iwas,” o “virus.” 
  • Kung international ang iyong campaign, sundin ang mga lokal na terminong ginagamit para tukuyin ang COVID-19 at mga panrehiyong pagkaantala. 

Matuto pa tungkol sa pag-update sa iyong ad text

Magsulat ng higit pang ad

Ang pagkakaroon ng mahigit sa isang ad ay makakatulong sa iyong negosyo na humimok ng mas malawak na hanay ng mga customer, nang walang anumang dagdag na gastos sa kasalukuyan mong badyet. Subukang magkaroon ng isang ad na nakatuon sa isang partikular na sikat na item, serbisyo, o feature, at isa pang ad na nagha-highlight sa buong negosyo mo.

Matuto pa tungkol sa pagsusulat ng higit pang ad para sa iyong campaign

Suriin ang iyong mga larawan

  • Suriin ang pagiging angkop ng mga larawang nagpapakita ng malalaking pagtitipon ng mga tao o malapit na pakikipag-ugnayan sa tao. 
  • Pag-isipan ulit ang anumang larawang nakakabagabag sa ngayon, tulad ng mga larawan ng mga taong may sakit o hindi masaya.

Matuto pa tungkol sa pag-update sa mga larawan ng iyong ad

I-edit ang iyong mga setting ng lokasyon

Hindi pumupunta sa malalayong lugar ang karamihan sa mga tao sa ngayon. Kung sa karaniwan ay pinupuntahan ka ng mga customer sa iyong aktwal na lokasyon, i-update ang mga setting ng lokasyon mo para lumabas lang ang iyong mga ad sa mga lugar na malapit sa negosyo mo. 

Makipag-ugnayan gamit ang premium na serbisyo ng Google para sa mga video meeting, ang Google Meet – libre na ngayon para sa lahat

 
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false