Mahalaga ang kumpyansa ng user sa mga produkto at serbisyo ng Google. Gusto naming bigyang-kakayahan ang mga user para makagawa ng mahuhusay na pasya tungkol sa mga ad na nakikita nila online.
Ang tiwala sa mga advertiser na nasa aming mga platform ay nakakatulong sa aming maghatid ng smart at kapaki-pakinabang na karanasan sa web para sa lahat. Nangangahulugan ito ng pagbibigay ng transparency tungkol sa kung sino ang aming mga advertiser at kung saan sila matatagpuan.
Vine-verify namin ang mga pagkakakilanlan ng mga advertiser na nasa aming platform at isinasama namin sa mga ad na inihahatid sa buong Google Ads ang isang paghahayag ng pangalan ng advertiser at kung saan siya matatagpuan.
Paano ito gumagana para sa mga advertiser
Ang nakikita ng mga user
Sa pamamagitan ng "Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito," nakakakita na ng impormasyon ang mga user sa kung bakit ipinapakita ang mga partikular na ad sa Search, YouTube, at iba pang serbisyo ng Google.
Sa paghahayag, puwedeng makita ng mga user ang pangalan at lokasyon ng pagpaparehistro para sa advertiser na nasa likod ng napiling ad, impormasyon iyon na ibinigay ng advertiser sa panahon ng programa sa pag-verify ng Google.
Saan namin nakukuha ang aming impormasyon sa pagkakakilanlan ng advertiser
Vine-verify ang mga advertiser sa Google sa pamamagitan ng aming programa sa pag-verify ng pagkakakilanlan ng advertiser. Kasama rito ang mga bago at kasalukuyang Google Ads account. Para makumpleto ang programa sa pag-verify, kinakailangang magsumite ang advertiser ng opisyal na dokumentasyong nagpapakita ng kanyang legal na pangalan at address.
Paano namin ginagamit ang impormasyon ng advertiser
Gamit ang impormasyong ibinibigay ng mga advertiser sa panahon ng proseso ng pag-verify, ipapakita ng Google ang pangalan at lokasyon ng advertiser. Bilang bahagi ng patuloy naming pagsisikap para sa transparency, ginagawa naming available sa publiko ang impormasyon tungkol sa iyong mga Google Ads account, DV360 account, at ad campaign tulad ng nakabalangkas sa aming patakaran sa pagkakakilanlan ng advertiser.
Ang hitsura ng mga paghahayag sa iba't ibang format ng ad
Mga Search ad
Sa mga search ad, maa-access ng mga user ang impormasyon sa pag-verify ng advertiser sa pamamagitan ng icon na ‘Bakit ipinapakita ang ad na ito’sa desktop, o ang icon ng impormasyon
sa mobile. Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito,’ o ‘Tungkol sa Advertiser’ sa Search, makikita ng mga user ang pangalan at lokasyon ng isang advertiser. Puwedeng mag-iba ang hitsura nito depende kung nasa mobile o desktop ang user.
Mga Display ad
Naaabot ng mga Display ad ang karamihan sa mga user sa Internet. Sa karamihan ng mga sitwasyon, makakakita ang mga user ng karagdagang impormasyon tungkol sa nakikita nilang ad sa pamamagitan ng pag-click sa “Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito,” na naa-access sa pamamagitan ng icon ng Ad Choices. Mahahanap mo rin ito sa pamamagitan ng pag-click sa X o sa icon na + X.
YouTube
Sa YouTube, makikita ang paghahayag na “Bakit Ipinapakita ang Ad na Ito” sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng impormasyon o sa 3-dot icon
. Pareho ang mga paghahayag sa mga ad sa YouTube at sa mga ad na inihahatid sa iba pang platform, kabilang ang pangalan at lokasyon ng isang advertiser na na-verify ng Google.
Higit pang impormasyon
Matututo pa ang mga advertiser tungkol sa pag-verify ng account sa pamamagitan ng:
- Pagsusuri sa aming Patakaran sa Pag-verify;
- Basahin ang paano magpa-verify;
- Bisitahin ang mga madalas itanong tungkol sa aming pag-verify.