Ipinapaliwanag sa artikulong ito kung paano i-troubleshoot kapag hindi gumagana ang mga negatibong keyword gaya ng inaasahan.
Mga karaniwang isyu at maling paniniwala sa mga negatibong keyword
1. Lumalabas ang mga ad ko sa mga paghahanap na dapat i-block ng negatibong keyword
Hindi tumutugma ang mga negatibong keyword sa mga variant
Iba ang paraan ng paggana ng mga negatibong keyword kaysa sa mga positibong katumbas ng mga ito. Puwedeng tumugma ang mga positibong keyword sa malalapit na variant—ito ay mga paghahanap na katulad, pero hindi kapareho ng target na keyword, gaya ng mga maling spelling, mga salitang iniba ang pagkakasunod-sunod, o mga terminong magkasingkahulugan. Hindi tumutugma ang mga negatibong keyword sa mga variant.
Ibig sabihin, kung gusto mong pigilang maihatid ang isang ad sa isang kwalipikadong paghahanap, kailangan mong ibukod ang mga partikular na termino para sa paghahanap nang eksakto. Halimbawa, kung idaragdag mo ang negatibong malawak na tugmang keyword na -house sa iyong ad group, pipigilan lang nitong maihatid ang mga ad sa mga paghahanap na naglalaman ng salitang ‘house’ mismo. Ibig sabihin, hindi magiging kwalipikadong maihatid sa ‘red house’ ang isang ad pero puwede itong maihatid sa ‘blue houses.’ Matuto pa tungkol sa mga negatibong keyword
Mga query na lampas 16 na salita ang haba
Posible pa ring lumabas ang iyong ad kapag may naghanap ng pariralang lampas 16 na salita, at kasunod ng ika-16 na salitang iyon ang negatibong keyword mo. Ipagpalagay nating "discount" ang iyong negatibong keyword. Puwedeng lumabas ang iyong ad kapag may naghanap ng "nice clean hotel rooms or bed and breakfast rentals in Los Angeles CA close to beach discount" dahil ang negatibong keyword mo ay ang ika-17 salita sa parirala. Sa kabilang banda, hindi namin ipapakita ang iyong ad kapag may naghanap ng "nice clean hotel rooms or bed and breakfast rentals in Los Angeles close to beach discount" dahil ang negatibong keyword mo ay ang ika-16 na salita sa parirala.
Tingnan ang hanay ng petsa
Kung matutukoy mong ibinukod dapat ng negatibong keyword ang isang paghahanap sa ulat ng mga termino para sa paghahanap, tiyakin na ang tamang hanay ng petsa ng pag-uulat ang tinitingnan mo. Puwede mong gamitin ang history ng pagbabago para tingnan ang petsa kung kailan inilapat sa ad group o campaign ang negatibong keyword. Halimbawa, kung tinitingnan mo ang ulat ng termino para sa paghahanap para sa nakalipas na 3 buwan, pero inilapat ang negatibong keyword 2 linggo na ang nakalipas, inaasahang makikita mo ang negatibong keyword sa iyong ulat.