Kumopya at mag-paste ng mga campaign, ad group, ad, audience, at keyword

Kopyahin at i-paste ang iyong mga campaign, ad group, ad, audience, at keyword, at makatipid ng oras at makabawas ng pagod sa paggawa ng mga bago. Halimbawa, puwede mong kopyahin ang isa (o marami) sa iyong mga kasalukuyang campaign at gamitin ito bilang template para sa bagong campaign sa pareho o ibang account. Puwede kang kumopya ng ad mula sa isang ad group at i-paste ito sa ibang ad group at magsimula sa pagbuo ng mga bago mong creative. Hindi puwedeng kopyahin at i-paste ang mga feed. Kakailanganin mong i-attach ang feed sa bagong campaign.

Mga Tip

  • Puwede kang kumopya at mag-paste ng maraming campaign, ad group, ad, audience, at keyword nang sabay-sabay. Para magawa ito, sundin ang mga tagubilin sa pagkopya pero sa halip na ang box lang sa tabi ng isang campaign, ad group, ad, o keyword ang lalagyan ng check, lagyan ng check ang maraming box. Hindi mo puwedeng kopyahin ang mga feed.
  • Kung may manager account ka sa Google Ads, puwede kang kumopya at mag-paste ng mga ad, ad group, keyword, at campaign sa maraming account.
  • Gagana na ngayon sa Performance Max ang functionality ng pagkopya at pag-paste. Hindi makokopya ang mga grupo ng listing.

Paano kumopya ng mga campaign

Kung nakapag-set up ka na ng isa o higit pang matagumpay na campaign, magagamit mo ang mga ito para may masimulan ka na sa pag-set up para sa iyong susunod na campaign. Para magawa ito, kopyahin ang campaign, pagkatapos ay baguhin ang isa sa mga kopya. Sa ganoong paraan, magsisimula ka sa parehong istruktura at mga setting para sa iyong mga ad group, ad, audience, at keyword. Dagdag pa rito, gagana na ngayon ang Performance Max sa functionality na pagkopya at pag-paste. Hindi makokopya ang mga grupo ng listing.

Para mag-duplicate ng campaign:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng campaign o mga campaign na gusto mong i-duplicate.
  5. Mula sa drop-down na menu na “I-edit,” piliin ang Kopyahin (o Control-C para sa mga PC, Command-C para sa mga Mac).
  6. Buksan ulit ang drop-down na menu na “I-edit,” at piliin ang I-paste (o Control-V para sa mga PC, Command-V para sa mga Mac).
  7. Lagyan ng check ang mga box sa tabi ng mga account kung saan mo gustong i-paste ang mga campaign.
    • Tandaan: Kung naka-log in ka sa manager account, lilitaw ang picker para pumili ng account kung saan mo gustong i-paste ang iyong campaign.
  8. I-click ang Tapos na.
  9. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “I-pause ang mga bagong campaign pagkatapos i-paste” kung hindi mo gustong magsimulang gumana agad ang mga campaign na kinopya mo.
    • Tandaan: Nakatakda dapat sa currency ng orihinal na account ang account kung saan ka magpe-paste ng campaign, kung hindi, hindi matagumpay na mape-paste ang campaign.
  10. I-click ang I-paste.

Magkakaroon ka na ngayon ng bagong campaign na magkakaroon ng istruktura at mga setting na kapareho ng sa orihinal mong campaign, kasama ang sumusunod:

  • Mga ad group
  • Mga Ad
  • Mga Keyword
  • Mga negatibong keyword
  • Mga setting ng pag-target
  • Mga strategy sa pag-bid

Paano kumopya ng mga grupo ng asset (mga Performance Max campaign)

Para kumopya ng mga grupo ng asset mula sa mga Performance Max campaign:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon, at pagkatapos ay i-click ang Mga Campaign.
  3. Piliin ang iyong “Performance Max” campaign.
  4. I-click ang Mga grupo ng asset.
  5. I-click ang icon ng 3-dot Menu 3 dot icon sa kanang sulok sa itaas ng grupo ng asset na gusto mong i-duplicate.
  6. Piliin ang "I-duplicate ang grupo ng asset na ito."
  7. Punan ang mga naaangkop na detalye.
  8. I-click ang I-save.
Tandaan: Kapag kumokopya ng grupo ng asset sa isang "Performance Max" campaign na naka-link sa isang Google Merchant Center account, hindi makokopya ang mgr grupo ng listing. Inirerekomenda naming mag-target ang bawat grupo ng asset ng ibang hanay ng mga produkto para maiwasan ang pag-overlap ng Grupo ng listing, halimbawa, Produkto A–L sa Grupo ng Asset 1 at Produkto M–Z sa Grupo ng Asset 2.

Paano kumopya ng mga ad group

Para kumopya ng mga ad group sa isa pang campaign:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga ad group.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng mga ad group na gusto mong i-duplicate.
  5. Mula sa drop-down na menu na “I-edit,” piliin ang Kopyahin (o Control-C para sa mga PC, Command-C para sa mga Mac).
  6. Buksan ulit ang drop-down na menu na “I-edit,” at piliin ang I-paste (o Control-V para sa mga PC, Command-V para sa mga Mac).
  7. Gamit ang campaign picker, piliin ang campaign kung saan mo gustong i-paste ang iyong mga ad group.
  8. I-click ang Tapos na.
  9. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “I-pause ang mga bagong ad group pagkatapos i-paste” kung hindi mo gustong magsimulang gumana agad ang mga kinopya mong ad group.
  10. I-click ang I-paste.

Paano kumopya ng mga ad

Para kumopya ng mga ad sa isa pang ad group:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Ad.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng ad na gusto mong i-duplicate.
  5. Mula sa drop-down na menu na “I-edit,” piliin ang Kopyahin (o Control-C para sa mga PC, Command-C para sa mga Mac).
  6. Buksan ulit ang drop-down na menu na “I-edit,” at piliin ang I-paste (o Control-V para sa mga PC, Command-V para sa mga Mac).
  7. Gamit ang ad group picker, piliin ang campaign kung saan mo gustong i-paste ang iyong mga ad.
  8. I-click ang Tapos na.
  9. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “I-pause ang mga bagong ad pagkatapos i-paste” kung hindi mo gustong magsimulang gumana agad ang mga ad na kinopya mo.
  10. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Kung nasa patutunguhan na ang ad, gumawa ng duplicate” kung gusto mong gumawa ng mga duplicate ng anumang mga ad na umiiral na sa mga destinasyon ng ad group. Kung hindi mo gusto ng mga duplicate na ad, iwanang walang check ang kahong ito.
  11. I-click ang I-paste.

Paano kumopya ng mga audience

Para kumopya ng mga audience sa maraming campaign o ad group:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga audience, mga keyword, at content sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Audience.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng mga audience na gusto mong i-duplicate.
  5. Mula sa drop-down na menu na “I-edit,” piliin ang Kopyahin (o Control-C para sa mga PC, Command-C para sa mga Mac).
  6. Mula sa drop down, piliin ang mga Campaign o Ad group, at piliin ang campaign o ad group kung saan mo gustong i-paste ang iyong mga audience.
  7. Buksan ulit ang drop-down na menu na “I-edit,” at piliin ang I-paste (o Control-V para sa mga PC, Command-V para sa mga Mac).
    • Tandaan: Lagyan ng check ang box sa tabi ng “I-pause ang mga bagong audience pagkatapos i-paste” kung ayaw mong magsimulang gumana agad ang mga ad na kinopya mo. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Isama ang mga bid” kung gusto mong isama ang mga bid na nauugnay na sa mga audience na ito.
  8. I-click ang I-paste.

Paano kumopya ng mga keyword

Para kumopya ng mga keyword sa isa pang ad group:

  1. Sa iyong Manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga audience, mga keyword, at content sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga keyword sa paghahanap.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng mga keyword na gusto mong i-duplicate.
  5. Mula sa drop-down na menu na “I-edit,” piliin ang Kopyahin (o Control-C para sa mga PC, Command-C para sa mga Mac).
  6. Buksan ulit ang drop-down na menu na “I-edit,” at piliin ang I-paste (o Control-V para sa mga PC, Command-V para sa mga Mac).
  7. Gamitin ang ad group picker para piliin ang ad group kung saan mo gustong i-paste ang iyong mga keyword.
  8. I-click ang Tapos na.
  9. Piliin kung gusto mong isama ang mga kasalukuyang bid at final URL sa mga kinopyang keyword.
  10. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “I-pause ang mga bagong keyword pagkatapos i-paste” kung hindi mo gustong magsimulang gumana agad ang mga ad na kinopya mo.
  11. I-click ang I-paste.

Kapag kumopya ka ng mga keyword, awtomatikong gagamitin ng mga iyon ang badyet ng campaign kung saan mo ipe-paste ang mga iyon. May opsyon ka ring kopyahin ang mga bid at mga URL ng landing page ng mga iyon. May opsyon ka ring kopyahin ang mga bid at mga override ng URL ng landing page ng mga iyon, kung mayroon. Kung hindi, puwede kang magtakda ng mga bid at URL ng landing page para sa mga keyword na ito pagkatapos mong ma-paste ang mga iyon.

Mga kaugnay na link

Page ng Paksa ng Mga Manager Account (MCC)

Pamamahala ng Campaign at Pag-uulat

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu