Tungkol sa mga inirerekomendang plano para sa media sa Reach Planner

Puwede mong payagan ang Reach Planner na pumili ng mga format ng ad at paglalaan ng badyet para sa iyo at gumawa ng inirerekomendang plano. Tinitingnan ng Reach Planner ang mga setting ng lokasyon (bansa, estado, lalawigan, o lungsod), badyet, at creative (halimbawa, haba ng creative) para makapagrekomenda ng mga mainam na format ng ad para sa iyong plano para sa media.

Kapag gumamit ka ng inirerekomendang plano para sa media kaysa sa isang plano para sa media na ginawa mo, pinapayagan mo ang Reach Planner na tantyahin ang pinakamagandang kumbinasyon ng mga format ng ad para makatulong sa iyong makamit ang layunin mo sa marketing. Dahil dito, hindi mo na kailangang maunawaan kung aling mga format ng ad ang gumagana sa ilang partikular na pag-target o para sa ilang partikular na layunin. Kung gusto mong baguhin ang plano para sa media, may opsyon ka pa ring i-edit ang iyong kumbinasyon ng mga format ng ad at indibidwal na item sa linya sa page ng plano para sa media.

Nakabatay ang data ng Reach Planner sa pamamaraang Unique Reach ng Google, na vina-validate sa mga third party at naaayon sa aktwal na abot at mga bid na naiulat. Ina-update ang Reach Planner linggo-linggo para magamit ang pinakabagong data na available.

Puwedeng iba-iba ang mga kumbinasyon ng produkto depende sa kabuuang layunin ng iyong plano para sa media ("Kaalaman," "Pagsasaalang-alang," o "Pagkilos"). Nagrerekomenda ang mga hula sa "Kaalaman" ng kumbinasyon ng produkto na nagpapataas sa inaasahan mong abot, habang nagrerekomenda naman ang mga hula sa "Pagsasaalang-alang" ng kumbinasyon ng produkto na nagpapataas sa iyong mga inaasahang panonood. Nagrerekomenda ang mga hula sa "Pagkilos" ng kumbinasyon ng produkto na nagpaparami ng mga conversion tulad ng paghimok ng benta, mga lead, at trapiko ng website gamit ang isang naka-autoamte na video campaign. Puwede mo pa ring piliin ang sarili mong kumbinasyon ng produkto kapag nag-set up o nag-edit ka ng iyong plano para sa media.

Tandaan: Bagama't nagbibigay ng mga pagtatantya ang mga inirerekomendang plano, hindi ginagarantiya ng mga ito ang aktwal na performance. Nakadepende ang aktwal na performance ng campaign sa iba pang sallik (gaya ng kalidad ng ad at kaugnayan ng ad).

Puwede mong gamitin ang Reach Planner para hulaan ang iyong mga impression, abot, at mga sukatang batay sa conversion sa iyong mga bagong Video action campaign (VAC). Angkop ang Performance Planner para sa performance ng mga kasalukuyang VAC campaign batay sa dating data ng mga ito. Gamitin ang Reach Planner para sa mga bagong VAC campaign; puwede itong gumana nang walang signal tungkol sa iyong mga partikular na creative, landing page, o uri ng conversion, at kung gaano pumapatok ang mga ito sa iyong mga target na audience at content. Nag-aalok din ang Reach Planner ng kakayahang hulaan ang mga sukatang hindi batay sa conversion, tulad ng Abot at Dalas.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7502146567797711128
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false