Mga manager account sa Google Ads at Mga Smart Campaign

Ang manager account sa Google Ads ay isang mahusay na tool sa pangangasiwa ng maraming Google Ads o Smart campaign account. Sa pamamagitan ng manager account, puwede kang mag-link ng ilang account para makita mo ang mga ito sa iisang lokasyon.

Mainam ang mga manager account para sa mga third-party na advertiser tulad ng mga ahensya at mga propesyonal sa marketing, o malalaking advertiser na namamahala ng maraming account.

Paggamit ng manager account sa Google Ads sa mga Smart campaign

  • Gumawa ng bagong account: Para gumawa ng Smart campaign account mula sa isang manager account, i-click ang Gumawa ng bagong account. Magkakaroon ka ng opsyong gumawa ng Google Ads account o Smart campaign account.
  • Pag-uulat: Available ang karaniwang pag-uulat para sa mga Smart campaign account na nasa mga manager account. Matuto pa tungkol sa pag-uulat ng manager account.
  • I-link o i-unlink ang iyong account: Nagbibigay-daan sa iyo ang manager account mo na i-link at i-unlink sa madaling paraan ang mga bago o kasalukuyang Smart campaign account anumang oras. Tingnan ang mga tagubilin para sa pag-link at pag-unlink ng mga account sa iyong manager account.

Tandaan: Kapag isang Smart Campaign account ang pinili, gagawa ito ng Google Ads account na may mga Smart Campaign sa Smart Mode. Kung pinili ito, puwede kang lumipat sa Expert Mode anumang oras, kung saan makakagawa ng iba pang Google Ads campaign.

Pagkukumpara sa mga uri ng campaign sa Google Ads

Hindi ka sigurado kung anong uri ng account ang gusto mong gawin? Ikumpara ang mga Smart campaign sa iba pang uri ng campaign sa Google Ads.

Tip

Nagbibigay-daan ang pinagsama-samang pagsingil sa mga user ng manager account na pagsamahin ang lahat ng kanilang mga invoice sa Google Ads account sa iisang buwanang invoice. Kakailanganin mo lang gumawa ng isang pagbabayad ng invoice para sakupin ang mga gastos ng lahat ng account na nasa iyong manager account. Matuto pa tungkol sa pinagsama-samang pagsingil.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16719097808889042180
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false