Tungkol sa page na Mga Dokumento

Sa artikulong ito

 


 

Pinapadali ng page na Mga Dokumento ang pamamahala sa iyong mga dokumento ng pagsingil sa Google Ads. Puwede kang maghanap ng mga partikular na dokumento, i-download ang mga iyon nang maramihan o paisa-isa, gumawa ng mga custom na filter sa pagtingin sa iyong mga dokumento, at higit pa.

Magsimula

  1. Sa iyong Google Ads account, piliin ang tools iconGoogle Ads | tools [Icon] sa kanang sulok sa itaas.
  2. Sa ilalim ng Pagsingil, piliin ang Mga Dokumento.

Hindi ka sigurado kung ano ang setting ng pagbabayad mo?

Para i-verify ang setting ng pagbabayad mo, piliin ang tools icon Google Ads | tools [Icon]at piliin ang Mga Setting sa ilalim ng "Pagsingil." Makikita mo ang iyong setting ng pagbabayad sa itaas ng seksyong "Paano ka nagbabayad."

 


Mga awtomatiko o manual na pagbabayad (naaangkop para sa karamihan ng advertiser)

Gamit ang page na Mga Dokumento, puwede mong makita ang lahat ng iyong statement at lokal na dokumento sa pagsingil ng buwis (kung naaangkop sa iyong bansa). Bukod pa rito, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

I-filter ang iyong mga invoice

  1. Sa itaas ng talahanayan, piliin ang + Magdagdag ng filter.
  2. Piliin ang uri ng filter na gusto mong ilapat.
  3. Ilagay ang anumang karagdagang impormasyong kailangan para kumpletuhin ang filter.
    • Halimbawa: Pagkatapos mong idagdag ang filter na "Numero ng dokumento," ilagay ang numero ng invoice (o listahan ng mga numero ng invoice, na pinaghihiwalay ng kuwit) na hinahanap mo.
    • Halimbawa: Pagkatapos mong idagdag ang filter na "Petsa ng pag-isyu," piliin ang hanay ng petsa ng mga dokumentong kailangan mong makita.
    • Piliin ang Ilapat, pagkatapos ay magdagdag ng higit pang filter kung kinakailangan.

Para mag-alis ng filter, piliin ang X sa filter na gusto mong alisin.

Pagbukud-bukurin ang iyong mga invoice

Para pagbukud-bukurin ang iyong mga statement at dokumento ng lokal na buwis (kung naaangkop sa bansa mo) sa pataas o pababang ayos, i-click lang ang header ng column na gusto mong pagbukud-bukurin. I-click ulit ang header ng column para magpalipat-lipat sa pagitan ng pataas at pababang ayos.

Mag-download ng indibiduwal o maraming dokumento

  1. Lagyan ng check ang kahon sa kaliwa ng mga invoice na gusto mong i-download.
    • Para piliin ang lahat ng dokumento na lalabas sa iyong talahanayan, lagyan ng check ang kahon sa kaliwang bahagi sa pinakaitaas ng talahanayan.
  2. Piliin ang I-download ang napili.
  3. Piliin ang format na gusto mong gamitin para i-download ang iyong mga invoice.
  4. Piliin ang I-download.

Magpakita o magtago ng mga column

  1. Sa itaas ng column sa pinakakanang bahagi ng talahanayan ng iyong mga invoice, piliin ang I-edit.
  2. Piliin ang mga column na gusto mong ipakita o itago.
  3. Para isaayos muli ang pagkakasunud-sunod ng mga column sa talahanayan, i-drag ang mga pangalan ng column sa kahong "I-edit."
  4. Piliin ang I-save.

 


Buwanang pag-invoice

Gamit ang page na Mga Dokumento, puwede mong makita ang lahat ng iyong invoice, debit memo, at credit memo. Bukod pa rito, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

I-filter ang iyong mga invoice

  1. Sa itaas ng talahanayan, piliin ang + Magdagdag ng filter.
  2. Piliin ang uri ng filter na gusto mong ilapat.
  3. Ilagay ang anumang karagdagang impormasyong kailangan para kumpletuhin ang filter.
    • Halimbawa: Pagkatapos mong idagdag ang filter na "Numero ng dokumento," ilagay ang numero ng invoice (o listahan ng mga numero ng invoice, na pinaghihiwalay ng kuwit) na hinahanap mo.
    • Halimbawa: Pagkatapos mong idagdag ang filter na "Petsa ng pag-isyu," piliin ang hanay ng petsa ng mga dokumentong kailangan mong makita.
  4. Piliin ang Ilapat, pagkatapos ay magdagdag ng higit pang filter kung kinakailangan.

Para mag-alis ng filter, piliin ang X sa filter na gusto mong alisin.

Pagbukud-bukurin ang iyong mga invoice

Para pagbukud-bukurin ang iyong mga invoice sa pataas at pababang ayos, piliin lang ang header ng column na gusto mong pagbukud-bukurin. Piliin ulit ang header ng column para magpalipat-lipat sa pataas at pababang ayos.

Mag-download ng indibidwal o maraming invoice

  1. Lagyan ng check ang kahon sa kaliwa ng mga invoice na gusto mong i-download.
    • Para piliin ang lahat ng invoice na lalabas sa iyong talahanayan, lagyan ng check ang kahon sa kaliwang bahagi sa pinakaitaas ng talahanayan.
  2. Piliin ang I-download ang napili.
  3. Piliin ang format na gusto mong gamitin para i-download ang iyong mga invoice.
  4. Piliin ang I-download.

Magpakita o magtago ng mga column 

  1. Sa itaas ng column sa pinakakanang bahagi ng talahanayan ng iyong mga invoice, piliin ang I-edit.
  2. Piliin ang mga column na gusto mong ipakita o itago.
  3. Para isaayos muli ang pagkakasunud-sunod ng mga column sa talahanayan, i-drag ang mga pangalan ng column sa kahong "I-edit."
  4. Piliin ang I-save.

Mag-save ng mga custom na filter

Puwede kang magdagdag ng mga column, pagbukud-bukurin, at i-filter ang iyong mga dokumento para ipakita lang ang mga dokumentong gusto mong makita (halimbawa, lahat ng dokumneto sa pababang ayos ng walang partikular na halaga, para sa isang partikular na produkto), at pagkatapos ay i-save ang pag-customize na ito para magamit sa hinaharap.

Maa-access mo ang iyong mga na-save na custom na filter sa drop-down na menu sa itaas ng talahanayan sa pamamagitan ng pag-click sa Lahat ng invoice at memo. 

Tingnan ang mga detalye ng isang invoice

Mula sa page na Mga Dokumento, piliin ang invoice na gusto mong makita ang mga detalye. May lalabas na pop-up, na magpapakita sa iyo ng mga detalye tulad ng numero ng invoice, halaga ng invoice, status, numero ng purchase order, mga detalye ng account, at higit pa. Para isara ang pop-up, piliin ang X sa kaliwang bahagi sa itaas.

Para i-download ang iyong invoice, piliin ang Mga Pagkilos sa kanang bahagi sa itaas ng pop-up ng invoice.

Maghanap ng partikular na invoice

  1. Piliin ang Hanapin sa mga dokumento sa kanang bahagi sa itaas ng talahanayan.
  2. Maglagay ng text na maaaring makatulong sa iyong hanapin ang invoice na hinahanap mo. Hangga't lumalabas ang text sa iyong invoice, mahahanap ito. 

Para pinuhin pa ang iyong paghahanap:

  • Gamitin ang "AND" (sa malalaking titik) para maghanap ng mga dokumento gamit ang dalawang partikular na salita. Halimbawa, ang paghahanap ng “video AND game” ay maghahanap ng mga invoice na naglalaman ng "video" at "game."
  • Gamitin ang “OR” (sa malalaking titik) para maghanap ng mga dokumento gamit ang isa sa dalawang salita. Halimbawa, ang paghahanap ng "Nob OR Dis" ay maghahanap ng mga invoice na naglalaman ng "Nob" o "Dis."

Tingnan ang iba pang pangkat ng mga dokumento

  1. Piliin ang arrow sa tabi ng “Lahat ng invoice at memo.”
  2. Pumili ng opsyon mula sa drop-down na lalabas:
    • Ipinapakita ng "Mga bukas na invoice at debit memo" ang lahat ng bukas na invoice o debit na kailangang bayaran.
    • Ipinapakita ng "Mga bukas na credit memo" ang anumang bukas na credit na mailalapat mo sa mga bukas na invoice.
    • Ipinapakita ng "Lahat ng invoice at memo" ang lahat ng iyong invoice, kabilang ang mga sarado o bayad na.
    • Ipinapakita ng "Lahat ng credit memo" ang lahat ng iyong credit, kabilang ang mga nailapat na sa mga invoice.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
1774798080028942151
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false