Gumawa at mag-edit ng plano gamit ang Performance Planner

Ang Performance Planner ay isang tool na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng mga plano para sa paggastos mo sa pag-advertise, at matukoy kung paano puwedeng makaapekto sa mga pangunahing sukatan at pangkalahatang performance ang mga pagbabago sa mga campaign.

Tinutukoy ng tool na ito ang pinakamagandang pagkakataon para sa iyong plano sa pamamagitan ng paggawa ng modelo ng pinakamainam na paglalaan ng badyet para sa lahat ng iyong campaign.

Tandaan: Available ang Performance Planner para sa mga Search, Shopping, Display, App, Video, Local, at Performance Max campaign.

Mga Tagubilin

Gumawa ng plano

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Pagpaplano sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Performance planner.
  4. I-click ang Gumawa ng plano, at pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.
    • Kung mayroon ka nang naka-set up na plano, i-click ang button na plus para gumawa ng bagong plano.
  5. Piliin ang mga campaign na gusto mong isama sa iyong plano.
    • Inirerekomendang pumili ka ng mga campaign na may parehong layunin. Pinakamahusay na gumagana ang Performance Planner sa pamamagitan ng paglilipat ng mga badyet sa maraming campaign at pag-optimize para sa mga campaign na inaasahang makakuha ng mas malaking return on investment.
    • Hindi mahuhulaan ang mga campaign kung hindi natutugunan ng mga ito ang mga kinakailangan. Puwede mong ibukod ang mga campaign na ito sa iyong hula o puwede mong isama ang mga ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga halaga ng gastusin at conversion para sa dating performance sa loob ng napiling hanay ng petsa.
    • Kung nagpaplano kang gumamit ng mga Shopping campaign at marami kang Merchant Center, pumili ng isang Merchant Center para mag-filter para sa mga campaign sa Merchant Center na iyon.
  6. I-click ang Susunod.
  7. Ilagay kung para sa aling hanay ng petsa at pangunahing sukatan mo gustong magpakita ng mga resulta (halimbawa, mga pag-click, conversion, o impression).
  8. Opsyonal: Maglagay ng target (halimbawa, paggastos, mga impression, o cost per acquisition) para sa iyong plano. Kapag naglagay ka ng target, mababago-bago ng Performance Planner ang potensyal mong paggastos para tulungan kang abutin iyon.
  9. I-click ang Magpatuloy para mapunta sa page ng hula sa iyong plano.

Page ng draft na plano

Kapag nakagawa ka na ng plano, dadalhin ka sa page na "Draft na plano," kung saan makakakita ka ng pangkalahatang-ideya ng iyong plano. Gumawa ng mga pagbabago sa iyong paggastos para malaman kung ano ang posibleng maging performance ng mga campaign mo.

Tandaan: Magagamit mo ang Performance Planner para makakuha ng mga hula, pero walang mangyayaring pagbabago sa iyong Google Ads account maliban na lang kung ikaw mismo ang gagawa ng mga pagbabagong iyon.

Mag-edit ng plano

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

 

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Pagpaplano sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Performance planner.
  4. Mag-click ng plano at gawin ang iyong mga pag-edit.

Awtomatikong mase-save ang iyong mga pag-edit.

Mag-alis ng plano

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Pagpaplano sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Performance planner.
  4. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng planong gusto mong alisin.
  5. I-click ang Alisin ang plano.
  6. Para permanenteng alisin ang iyong plano, i-click ang Alisin.

Sa gabay na ito, matututunan mo ang tungkol sa mga strategy sa Performance Planner na available at kung paano gamitin ang mga iyon sa iyong pamamahala at pagpapatupad ng plano.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15335894439034688538
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false