Ang Mga Partner sa Paghahanap ay mga site na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad sa mga page ng resulta ng paghahanap, page ng directory ng site, o iba pang page na may kaugnayan sa paghahanap ng isang tao.
Dati nang pinagana ng smart pricing ang mga manual na pagbi-bid para sa Mga Partner sa Paghahanap. Simula sa Oktubre 2018, puwede nang gamitin ang Smart Bidding para sa mga site ng Mga Partner sa Paghahanap kung mayroon kang pagsubaybay sa conversion. Makakapagbigay ang Smart Bidding ng mas mahusay na performance para sa mga manual na bidder sa pamamagitan ng paggamit ng mas malawak na hanay ng mga signal ayon sa konteksto para i-optimize ang mga bid para sa bawat isang auction. Gagamitin ng mga campaign sa manual na pag-bid na may sapat na data ng conversion sa website ang performance ng gastos sa bawat nabi-bid na conversion ng campaign sa Google Search bilang target na CPA para sa Smart Bidding sa Network ng Mga Partner sa Paghahanap.
Susubukan ng Smart Bidding na i-maximize ang mga conversion sa Mga Partner sa Paghahanap sa cost per conversion na kapareho ng sa Google Search. Halimbawa, kung may Php2,500 cost per conversion ka sa Google Search pero mas mabababang rate ng conversion sa mga partner na site, puwedeng magtakda ang Smart Bidding ng mas mabababang bid para matulungan kang maabot ang Php2,500 cost per conversion. O kaya, kung magkakaroon ka ng mas mahusay na rate ng conversion mula sa isang site ng Mga Partner sa Paghahanap, puwedeng itaas ng Smart Bidding ang iyong bid para matulungan kang magkaroon ng mas maraming trapiko at conversion mula sa site na iyon sa Php2,500 na cost per conversion na natatanggap mo sa Google Search.